Nagkaroon ako ng EKSKLUSIBONG pakikipanayam kay General Gregorio Pio Catapang Jr., Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines (AFP) sa aming pang-umagang palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit (6-7 AM) sa DWIZ 882Khz, na sabayang naririnig sa mga provincial stations ng RPN9 nationwide.
DILEMMA
REY: Nakausap ko po si Cong. Pong Biazon. Isa po sa mga worries niya, eh yung pag-attend attend sa lahat ng mga inquiry o sa mga forum na ito. Papaano daw po kung kailanganin na ang mga opisyales sa kanilang trabaho eh magiging malaking problema daw po ito sa operations? General, ano po ang inyong pananaw dito?
GEN. CATAPANG: Tama po si Cong. Biazon sa kanyang obserbasyon dahil talaga pong puwede naman po kung dalawang araw. Pero kung aabutin na po ng isang linggo yung mga commanders po natin dito na nakasalang sa imbestigasyon,may malaki po talagang epekto. Pero ganun pa man, may chain of commands naman po tayo. Itong mga commanders natin ay may mga deputy commanders po sila na naiwan para i-ensure kung ano man ang kailangang malaman ng ating commander. Kahit nandito tayo sa imbestigasyon eh ma-a-aksyunan pa rin. Pero importante po talaga yung presence ng mga commander sa kani-kanilang mga units dahil iba po talaga kapag present ang commanders.
ANIMOSITY SA PAGITAN NG PNP AT AFP
REY: Gen. Catapang, sir, ano po ang masasabi ninyo doon sa impression ng ilan na hindi nagkakaunawan ang PNP at AFP, hindi ho ba ito counter productive atsaka baka pagtawanan po tayo ng publiko?
GEN. CATAPANG: Well, ayan po dapat ang pagtuunan natin ng pansin kasi po meron kaming military doctrines, merong police doctrines. Kasi po ang nangyari sa Mamasapano was a police operation that turned into an encounter between the MILF at BIFF. Kung baga naghalo po yung tubig at langis kaya kailangan po ikakaklaro po iyan. Kung may operation ang pulis, hanggang saan ang pulis, sa ganun maiiwasan po natin itong ganitong sitwasyon. Kasi all the while, akala po nila pagpasok nila doon, irerespeto yung authority ng pulis na hindi na po kinailangang mag-coordinate pa. Tama naman po, mga alagad ng batas tayo. Eh ang problema po, yung mga tao sa ground, baka hindi po naintindihan yung mga BIFF atsaka MILF.
NOT TO ENGAGE THE MORO REBELS
REY: General, alam kong sensitive itong tanong na ito, pero mas maigi na pong manggaling sa inyo ang sagot upang malinawan ng maigi. Ano po ba talaga ang rason, dahil noong nagrequest daw po ang leader ng PNP ng artilliary support or fire, ang naging tugon sa kanila ay “Sir, as of now, nega (negative) daw muna ang artillery…” adding that innocent people, including children, might be hit by it.” Tapos nasundan pa ng “The order was to extricate the beleaguered forces, and not to engage the Moro rebels.” Alin po ba ang accurate dito? Not to engage o baka madamay ang mga sibilyan?
GEN. CATAPANG: Kasi po yung extrication po, may military operations din po yun. Ang extrication ay magagawa kung iko-coordinate sa MILF yung kanilang extrication. Kaya’t ang naging utos is do not engage the MILF, do not do an offensive operation against the MILF. Halimbawa, may kampo yung MILF na malapit doon. Atakehin ng military ay hindi po magagawa kasi that will be a violation of the ceasefire agreement. Ang importante po diyan ay mailabas na po yung ating SAF troopers at nangyari naman po kaya ng hapon nagkaroon na rin ng fire fight between the MILF and the AFP. Nagpa-fire kami sa MILF para i-extricate yung mga SAF troopers. Pero at that time, we were talking sa ground command sa secession of hostilities committee na pasabihan yung MILF na huminto sa pagpapaputok. In the meantime, we were also doing the rescue operation. If needed, kailangan pong mag-return fire. Napabakbakan din po yung mga sundalo natin. In fact, pati yung B1-50 po natin. Tatlong B1-50 ang tinamaan sa putukan nung nag-reinforce po yung Armed Forces.
NAI CONVEY O HINDI NA-CONVEY?
REY: Gen. Catapang, Sir, yun ho bang directive na itigil muna ang pag papaputok para ma-extricate itong mga SAF blocking forces ay nai-convey po sa leadership ng MILF?
GEN. CATAPANG: Unfortunately, nung nagkakabakbakan na po, saka lang po na-alam na pinaalam sa MILF na mga SAF forces po yun at nire-request nga po na magkaroon ng ceasefire, pero hintayin po natin yung report ng MILF yung sa kanilang version, kasi medyo one sided po yung report so it will be best talag po yung MILF kung pwede kailangan po talaga nilang humarap at i-explain kung ano ba talaga ang nangyari at sa puntong iyon kung ano man ang naging explanation ng MILF, eh pag-usapan natin na hindi maulit itong nangyari na ito kasi talaga pong hindi maganda, napakabrutal po ang nangyari sa sitwasyon na ito.
BRUTALITY
REY: Ano ang pananaw ninyo regarding sa naging viral video sa social media? Underrated pa raw ang overkill na ginawa na malapitang pagpapaputok sa mga buhay at sa ulo pa na ginawa nitong mga rebelde.
GEN. CATAPANG: Hindi ko po napanood yung video. Pero alam niyo naman po, nangyari na po yan noong 1970s, 80s, 90s… na-witness ko rin po iyan. Dapat kapag patay na yung tao, hindi na nilalapastangan. Kung buhay yung taong nahuli mo, buhayin natin. Kung maaalala niyo po, kaya po na-create yung International Red Cross ay iyan po yung dahilan. Kasi yung brutality of war, dala-dala pa natin hanggang ngayon. Kailangang mai-baon sa utak ng mga sundalo o combatants na they should also be honorable enough. Kung patay na yung tao, patay na siya, di na siya kailangang bastusin pa. At kung buhay pa yung tao, hindi na siya makakalaban. Gawin na lang siyang prisoner. Hindi na dapat patayin. Iyan po ang kailangan na malaman ng ating mga kapatid na MILF kung sila man yun o BIFF, kung sino man ang na involved dito sa engkwentrong na ito.
CRIME AGAINST HUMANITY
REY: So nangangahulugan na either hindi nila alam ang crime against humanity, na ito’y crime against International Humanitarian law or hindi lang nila talaga sinusunod ito?
GEN. CATAPANG: Ang sinabi po ninyong iyan tungkol sa rule of law atsaka respect for human rights. Iyan po ang kailangan na malaman ng ating mga kapatid na MILF kung sila man yun o BIFF, kung sino man ang na involved dito sa engkwentro na ito. Kung alam nila na that is a violation, crime against humanity, dapat talagang kasuhan sila. Kung hindi man nila alam yan eh dapat sa common sense nalang iyan. Kaya dapat managot sila sa kanilang brutality. Iba yung napatay nila sa engkwentro na nakipagbakbakan. Pero iba po yung wounded na yung tao, hindi na makakalaban eh pinatay pa nila. Crimes against humanity po iyon, violations of International Humanitarian Law and Rule of Law and Wars under the Geneva Convention on War.
QUOTABLE QUOTES
“How much longer is the world willing to endure this spectacle of wanton cruelty?” ―Bertrand Russell
“Punishment is not for revenge, but to lessen crime and reform the criminal.” ―Elizabeth Fry
Photo credit: Kicker Daily News