Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Amazon Spirit

$
0
0

COMPETENCE AND INTEGRITY SEARCH

Nakapanayam ko si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim S. Jacinto-Henares sa aming pang-umagang palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit (6-7AM) sa DWIZ 882Khz na sabayang naririnig sa mga provincial stations ng RPN nationwide.

Ang Malacañang ay nagpahayag na puspusan na ang paghahanap nila ng susunod na Chairman ng Comelec. Pinag-usapan namin ito ni Comm. Kim Henares dahil nalalapit na ang pagreretiro ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. sa darating na Pebrero at ang Pangalan ni Comm. Henares ang isa sa mga lumulutang.

Rey Langit, Amazon Spirit, Kim Henares, January 28 2015

Ang sinasabing exercise ng due diligence ng Malacañang ay upang masiguro na ang susunod na papalit ay may katangiang makatutugon sa inaasahan ng mamamayan sa kanyang taglay na competence at integrity.

Ninombrahan noon ng Pangulong Benigno Aquino III si Chairman Brillantes sa Comelec, Enero 2011, at ipinagpatuloy niya ang termino ni dating Comelec Chairman Jose Melo.

HINDI PA PINAG-IISIPAN

REY: Nakarating na ba sa inyo na matunog ang inyong Pangalan na maaaring pumalit kay Comelec Chairman Brillantes?

COMM. HENARES: Naririnig ko na po na nire-rekomenda kami kay Chairman Brillantes pero hanggang dun lang po. Wala naman pong nakikipag-usap sa amin.

REY: Personally, Commissioner, ano ang pananaw ninyo diyan? Open po ba naman kayo sa idea kahit na ito’y hypothetical question?

COMM. HENARES: Ang ano ko lang, hindi ako naging election lawyer at wala akong practice diyan. Those are election law. Iyon lang computerization, okay ako dun, kasi yun naman po ang talagang ginagawa namin sa Bureau of Internal Revenue. Yung administration, fine, pero yun lang, I don’t think I am trained to be a commissioner on elections. I have never been involved in election.

REY: Pero hindi naman totally closed ang ideyang iyan sa inyo?

COMM. HENARES: Hindi ko naiisip. First, I don’t think about those things. There’s nothing to think about because nobody even talked to me about it.

REY: Not unless ang Presidente na ang tatawag sa inyo?

COMM. HENARES: Yes, assuming na may ganoon, atsaka nalang natin pag-isipan.

MATHEMATICS

REY: Dako naman tayo sa Tax Evasion issue. So nai-file na ninyo ang kaso laban kay Mr. Antonio Chu?

COMM. HENARES: Yes. Yesterday.

REY: Ano po ba ang kulatilya na nakapaloob dito?

COMM. HENARES: First, tinignan namin kung magkano ang income na nire-report niya at magkano yung mga investments niya. Nakuha namin na may malaki siyang investment. Pero P800,000 something lang yung income na sinabi niyang kinita, pero milyon milyon ang investments niya. Ganito lang naman po yun: kunwari, nag-invest kayo ng P50 Million sa isang taon. Ibig sabihin po niyan, mayroon kayong income na P75 million, kasi kung may P75 million kayo, nagbayad kayo ng income tax na more or less 1/3 ng P25 million. Eh di may
matitira kayong P50 million para puwede kayong mag-invest. So yun ang hinahanap natin noh? Pero, yung nireport lang niya ay P825,000 ang income niya.

TUMAWAG NG PANSIN

REY: Paaano nakuha yung figures na P73.34 million sa kasong Tax Evasion?

COMM. HENARES: Kasi po may in-invest siya sa isang kumpanya. Ang in-invest niya ay milyon-milyon. Yung income niya ay 825,000 lang. So ibig sabihin, meron siyang income na hindi nire-report para puwede siyang mag-invest ng ganun kalaki.

REY: May relevance po ba ito sa usaping Hacienda Binay, Madam Commissioner?

COMM. HENARES: In the sense, may isang tao na tinawag niya yung pansin namin. Sabi niya, mayaman siya, may mga ganung investments. So siya po yung nagsabi nun, hindi naman namin siya kilala. So tinitignan lang namin kung talaga bang mayroon siyang ganoon kalaking pera. Ito bang taong ito talagang nagrereport ng income? Yun lang po, yun lang ang tinitignan namin. Hindi naman in that sense na yung hearing ay tumawag ng aming pansin. Pero yung laman o substance ng controversy sa Senate, hindi naman yung basis ng kaso sa kanya.

ANG REACTION

REY: Doon sa ginawang pakikipanayam ng media kay Antonio Chu, may nabanggit ito, at may reaction po ba kayo dito?

“BIR HAS ALLOWED ITSELF TO UNDULY HARASS AND VEX ME WITH THE UNFOUNDED AND PREMATURE FILLING OF A CRIMINAL COMPLAINT FOR TAX EVATION.”

COMM. HENARES: Alam ninyo, ang Bureau of Internal Revenue, ganito iyan. Kunyari po may nakita po tayong nagko-commit ng crime. Although kasama sa controversy, dahil ba natatakot kami sa sasabihin ng tao na controversial kaya hindi kami papasok, samantalang nakikita naming may krimen na, yun na yun. Sabi ko nga po, kami po ay nagfa-file ng kaso based on evidence. Hindi naman kami nagfa-file ng kaso based on popular demand. Maski may mga tao na nagsasabi, dapat magfile kami ng kaso na ganyan. Dapat ganun eh. Kung wala naman kaming nakikitang ebidensiya, hindi po kami magfa-file, kasi kami po yung pupunta sa Korte. Pero kung may nakita kami na dapat kasuhan, kakasuhan namin, maski ano pa ang sabihin ng tao. Kasi may nakita kaming mga facts, may ebidensiya na dapat naming kasuhan, maski pa yung tao na iyan ay pinaka-popular na tao sa buong mundo. Eh kung talagang may krimen, talagang ifa-file-lan namin.

WALA SA TOP 500

REY: Commissioner, ang ibig po bang sabihin, yung supposedly na ongoing audit na kino-conduct ng BIR ay completed na kaya nakapag-file na po kayo ng case?

COMM. HENARES: Alam ninyo, mayroon po kaming investigation na hindi po naman kailangang mag-audit kaagad. Dapat matapos ang audit, bago po kami magfile ng case. It’s a Supreme Court decision that you need not wait for an assessment to file a criminal case. If you already have all the facts and the evidence, you can already file the criminal case while the assessment is continuing.

REY: Yun po bang Senate probe na isinasakatuparan ay may malaking tulong sa investigation na ginagawa ng BIR?

COMM. HENARES: In relation to Anthony Tiu, hindi naman po. Sabi ko nga po, it just triggers us to look at him kasi di’ba sinabi po niya sa Senado na mayroon siyang isang bilyon? So first, we never heard about him di’ba? So kung P1Billion ang kinikita ninyo, di’ba every year naglalabas kami ng top 500 tax payers? Never naman po siyang napasama sa loob ng top 500.

TAX EVASION VS BROTHER AND SISTER IN LAW

REY: Commissioner, aside po dito kay Antonio Chu, I understand meron ding separate na tax evasion case na nai-file na sa kanyang brother and sister-in-law?

COMM. HENARES: Yes, last year may nai-file na. Kasi sabi nila, ito daw brother niya at si Anne Lorraine, they both contributed around P15 million each to the campaign of Mayor Binay and to the political party. So kung nagdonate kayo ng P15 million, ibig sabihin po niyan kailangan kumita kayo ng at least P20 million. At least meron kayong P22 1/2 million, kasi yung 7 1/2, 1/3 niyan ay tax payment para puwede kayong magdonate. Eh tinignan namin yung income tax na fina-file nila eh hindi po lumalagpas ng few hundred thousand. So, where did they get the money? So that means they have income that they did not report.

HUWAG ITELEGRAPH ANG MOVES

REY: Kasama ba sa usapin, Commissioner, ang vast estate sa Rosario, Batangas na worth ata na P446 million (kung dollars mga $9.9 million dollars din)?

COMM. HENARES: Hindi po ako nagsasalita sa mga bagay na hindi kami, ibig kong sabihin, hindi po kami puwedeng magsalita, kung anong gagawin namin or anong investigation. Kung may investigation ba o wala, kasi that is confidential. Maliban po kung handa na kaming magfile ng kaso for tax evasion, or other than that, legally. We cannot do that and for practical reasons, we don’t also telegraph our moves.

KAYA BANG MALAMAN SA KASO KUNG DUMMY SI TIU?

REY: Wittingly or unwittingly, diyan ba sa tax evasion case na ito Commissioner ay puwedeng ma-establish kung tunay na dummy o hindi ni VP Binay itong si Antonio Chu?

COMM. HENARES: Wala po kaming sinasabing dummy siya o hindi. Ang sinasabi namin ay ganito po: wala po kaming problema kung mayaman ang isang tao. Siguraduhin lamang po nila na nagbabayad sila ng tamang buwis. As far as I am concerned, gusto ko nga lahat ng tao ay mayaman eh para makapagbayad sila ng buwis at tulungan ang bansa natin. Iyon lang po.

QUOTABLE QUOTE

“The income tax has made liars out of more Americans than golf.” —Will Rogers

 

Photo credit: Get Real Philippines


Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trending Articles