Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

SEE YOU TOMORROW, 24/7

$
0
0

Ang depression ay isa nga bang sakit sa pag iisip? Alamin natin kung paano lalabanan ang depression upang hindi ito mauwi sa pagpapakamatay.

Isa sa pinaka kilalang uri ng problema sa pag iisip ang depression. Kalimitan ay iniuugnay ang depression sa simpleng kalungkutan lamang. Pero marami ang hindi nakaka alam na mas malalim ang pinaghuhugutan ng isang taong depressed.

UNCOVER

Ang aming Kasangga Team sa pangunguna ni JR Langit ay nagsakatuparan nang malalimang pananaliksik hingil sa problemang ito sa depression na dumarating sa buhay ng isang tao. At hango sa aming Programang “Kasangga Mo Ang Langit” na inyong napapanood tuwing Biyernes ng gabi, alas diyes (10pm) sa PTV4 aming ibabahagi sa inyo ang aming mga natuklasan.

Pang unawa sa halip na paghusga ang kailangan ng mga taong may depression. At dito namin nasumpungan ang HOPE Campaign ng globe telecom na ang layunin ay tulungan ang mga taong may depression. Bukod sa ating pamilya, isang blessing ang magkaruon ng mga adbokasiyang katulad ng HOPE Campaign na handang tumulong anumang oras at araw natin kailangan.

Maituturing na tahimik na sakit ang depression. Dito sa Pilipinas,tinatayang nasa mahigit tatlong milyong pinoy ang nakikipaglaban sa depression at tatlongdaang milyon naman sa buong mundo. At sa mga ganitong sitwasyon, mahalaga ang papel ng pamilya at mga kaibigan upang hindi humantong sa kamatayan ang sinasabi nilang simpleng kalungkutan lamang. Libreng suporta mula sa mga eksperto, panibagong adbokasiya ng Globe bilang tulong sa mga may depression, ating alamin. Kinapanayam namin si Dra. Gia B. Sison, Chief medical officer, Global telehealth inc.

CONCEALMENT

Dra. Gia: yung umupo nga lang sa labas nung office ng isang doctor, nahihiya na sila, gusto natin ilabas yung message na hindi kawalan sa isang indibidwal ang mag seek ng support, kung kinakailangan.

JR Langit: Sa inyo pong pananaw bakit po kaya ang isang tao na merong pinagdadaanang ganitong klase ng sakit, bakit yung pagkitil sa kanilang buhay ang nakikita nilang solusyon?

Dra. Gia: Kasi parang hirap na sila, number 1 yung tinatawag nating stigma, yung nga tinatawag na labels na sinasabi. That doesn’t help, yung mga labels na baliw, sira ulo, hindi yun nakakatulong and ofcourse we don’t want to happen and they feel too much pressured naren kaya nakakapag isip sila ng ganun, at lack of support also.

Walang pinipilinng edad ang depression at may mga palatandaan upang malaman na dumadaan sa depression ang isang tao.

JR Langit: Ano po yung mga simtomas ng isang tao na merong pinagdadaanan na mental health problem ?

KEEP SEARCHING

Dra. Gia: Madami siyang symptoms pero mag zero in muna tayo sa depression, which is very common now a days. Isa diyan yung persistent yung pagkalungkot for more than two weeks, hindi makatulog , parang balisa, hindi makakain, parang yung utak niya is unoverdrive, yung isip siya ng isip, anxious about things na hindi niya alam kung bakit, yung iba is meron ng thought self harm, parang yun yung ayaw nating mangyare, at yung iba rin ay yung isolate or gustong mag-isa lage, they isolate themselves from the people or family, yung iba kung date happy sila sa mga ginagawa nila, it’s suddenly wala na silang interest that can be a symptoms of possible depression.

Pinaka epektibo pa ring gamot sa mga taong depressed ang may nakakausap.

Dra. Gia: Meron kasi kaming konsulta-md, that’s 24/7 health hotline by license Filipino doctors… madami na rin ho kaming narerecieve na tawag, from individuals who are asking or kailangan lang ng kausap so through that we are able to help them na maintindahn nila, ganito pala and hindi pala ako nag iisa. Kasi may kausap ako na makakaintindi sakin and thorugh that we also help them para marefer sila. Most of them hindi nila alam kung san pupunta, but through our service which is konsulta-md we refer them to our networks where they can seek support.

Alamin kung paano lalabanan ang depression upang hindi ito mauwi sa pagpapakamatay. Itinuturing ng World Health Organization ang depression na isang sakit sa pag iisip o mental disorder lalo pat bigla na lamang itong nararamdaman ng isang tao. Sa pamamagitan ng Hope campaign, umaasa ang mga nasa likod nito na makakatulong ito upang mahikayat na lumabas ang mga matagal nang may depression subalit nahihiya o natatakot na lumantad.

Dra. Gia: Were hoping na ma-inspire the people na hindi sila nagiisa kasi madami diyan parang feeling nila sila lang. Akala nila sila lang nakakaramdamn ng ganun, but through this campaign ay may Hope narin that people who are inspired somehow, that your not alone and that we all undergo challenges and then there’s always hope waiting for them. Don’t be scared, wag matakot magsalita na nanjan po yung suporta, malaking bagay narin po kasi yung, nakaakpag salita ka tungkol sa iyong nararamdaman, maaring di niyo pa makuha kung ano ang dahilan. Pero kapag pinaguusapan na ito and through that you will know that you are not alone, that there’s always hope.

Maituturing na tahimik na sakit ang depression. Dito sa Pilipinas,tinatayang nasa mahigit tatlong milyong pinoy ang nakikipaglaban sa depression at tatlongdaang milyon naman sa buong mundo. Sila ang target na mapaglingkuran ng Hope campaign. 2017 nang itatag ng globe telecoms sa pakikipag tulungan ng goulbrourn natasha foundation ang hope campaign. Isang hotline ang kanilang itinatag kung saan maaaring tumawag ang depressed.

PENETRATE INTENTION

Ito’y isang libreng suporta mula sa mga eksperto. Kinapanayam rin ng Kasangga Team si Mr. JP Gulay, Globe Communications expert and Program manager.

Jaypee: More on campaign, educating them. There a hotline support as a telecom company, is really beyond our business. So this is something that we can promote and we can help on our community and our country.

JR Langit: So sa paanong paraan ang tulong na ibinibigay niyo sa mga taong merong ganitong klase ng karamdaman, yung may mental health problem?

Jaypee: Unang una yung hotline natin ay 0917-5584673 o hope 2019 it’s a free call lahat ng subscribers ng globe at TM so tumawag lang po sila doon sa hotline natin so meron tayong mga organizations ng partner natin ng mental health organization tumutulong po sa kanila to listen and to address , yung mga concerns if ever naman po na kailangan nila pumunta duon sa mga health doctors inadvice po ng mga supporters natin na pupunta sila doon. Most likely ang binibigay nito is more on listening guidelines yun kasi ang nakita natin sa karamihan, lack of information, lack of guidance, lack of love. Kasi hindi nga siya galing sa decease yung suicide, yan ang one of 2nd leading in the Philippines na suicide karamihan dito ay, galing sa depression.

Ang common o kalimitang hinaing nila ay depression mula sa mga utang or lovelife. Kulang sa pansin ng mga kaibigan, kulang sa social relationship or mental awareness. Karamihan ganun ang problem na nakikita. Kung hindi sila matulungan ay magkakaroon ng dahilan upang humantong sa pagsu-suicide. Dahil wala nga silang pwedeng mapuntahan. With the help of this program, ang campaign ay malaki pong tulong para sa ating mga mamayang Pilipino lalo na sa ating 3.3 million na battled-in for depressions.

Maliban sa mga experts sa mental health na makakausap sa telepono, may mga videos rin na ipinamamahagi ang hope campaign ng globe para sa mga taong may depression.

GREAT HOPE

Jaypee: Hope yan ang hastag po natin hope see you tomorrow there’s always hope for that, that is why meron tayong mga animated videos nasa mga campaign natin siya itong hotline na ito para magbigay tulong as a telecom company.

JR Langit: Meron na ba kayong na ecncounter na nsa bingit na pero dahil sa hope campaign, na pigilan at natulungan ?

Jaypee: Right now tulong muna siya marami tayong natutulungan na mga kabataan, it’s because of that one of the example we give them the guidance kung papaano mawala yung negative feelings. Like for example go sports or volunteer, with that natulungan na natin sila, but there’s something that we will see that there’s something hope more that enough like feeling itself so marami tayong matutulungan for that.

SUMMATION

“See you tomorrow” ang tema ng hope campaign. Ang pinaka layunin nito ay itanim sa isipan ng isang depressed na laging may solusyon ang problema at laging may pangakong pagasa ang bukas. At sa mga ganitong sitwasyon, mahalaga ang papel ng pamilya at mga kaibigan upang hindi humantong sa kamatayan ang sinasabi nilang simpleng kalungkutan lamang.

At bukod sa ating pamilya, isang blessing ang magkaruon ng mga adbokasiyang katulad ng hope campaign ng globe telecom na handang tumulong anumang oras at araw natin kailangan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trending Articles