Ang Portugal ay isa sa 20 na mga bansa sa mundo na paburitong bisitahin ng mga turista. Umaabot sa 13 milyong turista ang dumadalaw sa bansa bawat taon. Nilibot ng Biyaheng Langit team ang bansang ito at nagkaroon din tayo ng pagkakataong makapanayam si Ambassador Joao Caetano Da Silva ng Portugal.
AMBASSADOR DA SILVA: Ang madalas na pinupuntahan sa Portugal ay ang Lisbon, Algarve, Madeira at Siudad ng Coimbra. Ang pilgrims na bumibisita taon taon sa Fatima ay umaabot sa 4-5 million. Sa lugar na ito naganap ang apparitions noon ng Blessed Virgin Mary. Ang Sanctuary of Fátima ay isa sa pinakamalaking Roman Catholic shrines sa buong mundo.
AKLAT NG KASAYSAYAN
Sa pag aaral ng Catholic University of Portugal lumilitaw na 79.5% ng mga Portuguese ay Catholic at 18% ang regular na dumadalo sa mga misa. Ayon sa International English Proficiency Index, ang Portugal ay may high proficiency level sa wikang English, higit na mas mataas kaysa mga bansang tulad ng Italy, France or Greece.
Dito naganap ang mga apparitions o milagro ni Our Lady of Fátima na kung tawagin ng mga Portuguese ay Nossa Senhora de Fátima. Ang istorya ng pagpapakita ni Blessed Virgin Mary sa tatlong batang pastol o shepherd na sina Lúcia Santos, at kanyang mga pinsan na sina Jacinta at Francisco Marto.
WORTHY OF BELIEF
Ang apparition ay tumutukoy sa Our Lady of the Rosary. Ang pangyayaring ito ay nakatawag pansin sa buong Mundo dahil sa mga elemento ng tinatawag na secrets, prophecy at eschatology. na tumutukoy sa naganap na World War II at digmaan na magaganap sa inaharap.
Ang mga apparitions na ito sa Fatima ay kinilala at diniklarang “worthy of belief by the Catholic Church.”
ANG APPARITION
Ang 3 batang pastol na sina Lucia, Jacinta at Francisco ay walang masyadong edukasyon ng kanilang i-report ang naganap na apparition ng Our Lady of Fatima noong 1917.
Ayon sa istorya, nang malaman ito ng local administrator, sila ay pansamantalang pinakulong at tinakot na sila ay ilulublob sa kawa ng kumukulong langis. Sila naman ay pinakalma ng mga dinatnang bilanggo at dito nila inanyayahan ang mga bilanggo na sabay sabay na mag dasal ng Rosario.
Ang vision ng Fatima ay pinaniwalaan at nirespeto ng million milliong Roman Catholic believers.
Sina Popes Pius XII, John XXIII, Paul VI, John Paul II at Benedict XVI ay nagpahayag din ng kanilang pag tangap sa supernatural origin na mga Fátima events na ito.
ASSASSINATION ATTEMPT
Pinaniniwalaan ni John Paul II na ang kaligtasan sa kanyang buhay sa assassination attempt ay dahil sa Our Lady of Fátima na naganap mismo sa Feast of Our Lady of Fátima noong 1981.
Di-nonate ni John Paul II sa Roman Catholic Sanctuary sa Fatima ang bala na tumama at naka sugat sa kanya. Ito ay nilagay sa korona ng statue ni Blessed Virgin Mary.
PAGPAPAKITA NG ANGHEL
Panahon ng spring at summer taong 1916, nang ang siyam (9) na taong gulang na si Lucia Santos kasama ang pinsan na sina Jacinta at Francisco ay nagpapastol ng alagang tupa sa Cova da Iria na kalapit ng kanilang village na Fatima, Portugal. Doon nila naranasan ang sinasabing pag bisita ng makatlong beses ng Anghel na nag turo sa kanila na manalangin, gumawa ng sakripisyo at mag alay nang panahon sa adoration ng Poong Maykapal.
ANGHEL NA SUGO
Noong ika-13 ng Mayo 1917, nakakita raw si Lúcia ng isang babae na nasa nakasisilaw na liwanag, maliwanag pa sa sikat ng araw. Kumikinang na liwanag, malinaw tulad ng isang kristal.
Ang pagpapakitang ito ng anghel ay naibahagi lamang ni Jacinta sa kanyang pamilya. Bagamat pinakabilin bilin ni Lucia na huwag ikukuwento ito kanino man. Sinasabi ng nanay ni Jacinta na isa lamang itong biro, bagamat ikinuwento ang istorya sa buong Village.
Ang pagpapakita ay nasundan pa ng June 13 at July 13. At dito nagsabi ang Anghel na gumawa nang pag aayuno, at nang sariling sakripisyo upang masagip ang mga makasalanan.
SECRET NG FATIMA
Ayon sa salaysay ni Lucia, dito sinabi ng babaing nakasisilaw ang tatlong (3) Secrets ng Fatima.
Kasunod nito ang pag dagsa ng libo-libong mga mamamayan sa Fatima at Aljustrel upang saksihan ang visions at miracles.
Nang ikulong nang provincial administrator na si Arthur Santos ang tatlong bata sila ay ininterrogate nito at pinipilit na ipagtapat ang lihim o tatlong sekreto na sinabi sa kanila ni Mama Mary.
MENSAHE MULA SA KALANGITAN
Noong July 1917, nangako raw si Virgin Mary na magpapamalas ng isang milagro sa huling apparitions na Oct 13, upang lahat ay manimula sa kanya. Ito ang tinawag na ” Miracle of the Sun.”
Ang mga mamamayan na nagtipon tipon sa Cova da Iria ay tinatayang aabot ng 30,000 hangang 100,000 kasama ng mga reporters ng pahayagan.
Katatapos lamang nang ulan, may manipis na kaulapan, natatanaw ni Lucia ang kamay ng mahal na Birhen at sumisilay ang mumunting kristal na liwanag.. Ayon sa kanya, “Masdan ninyo ang milagro ng haring araw.”
Ang tinawag na “Second Secret” ay nakapaloob sa sinasabing “great sign in the night sky” na sinundan ng second great war. Gabi ng January 25, 1938 (solar cycle 17), biglang lumiwanag ang buong kalangitan na naganap sa aurora borealis.
QUOTABLE QUOTE
“Continue to pray the Rosary every day.” – Our Lady of Fatima to Sister Lucia