Ang labanang pinakakaabangan ay ang salpukang Baron at Kiko!
Tampok natin ang pinakamainit na labanan sa larangan ng martial arts ngayong taong ito. Ito po si Pareng Rey kasama ang ating Kasanggang si JR Langit.
Noong nakalipas na Sabado ng gabi, ika-25 ng Hunyo, nang maganap ang tinaguriang laban ng buhay o fight night ng Universal Reality Combat Championship (URCC).
FIGHT NIGHT
Dinagsa ng napakaraming tao ang Valkyrie kung saan ginanap ang labanan. Bukod kasi sa mga tampok na mahuhusay na mixed martial arts fighters ng gabing iyon, nagharap rin sina Baron Geisler at Kiko Matos na nauna ng nagkasalpukan sa isang away sa isang bar.
Sa ginawang interview ng Kasangga Mo Ang Langit (KMAL) team sa pangunguna ni JR Langit, ikinuwento ni Alvin Aguilar, ang nagtatag mismo ng URCC sa Pilipinas, ang mga detalye sa pangyayari.
SHOWCASE
JR: Bakit naisipan mong gumawa ng ganitong concept sa URCC?
Alvin: Ito ay dahil parte kami ng underground scene. Maraming mga martial artists pero wala silang paraan kung paano ipakita ang kanilang galing. Ang nangyari sa kanila, nakikipaglaban lang sila sa underground (sa kalye). Eh sayang naman yung talento nila. nakita ko na iyon sa ibang bansa kay naisipan ko din gawin dito. Nakita ko yung UFC at tinuruan ako ng mismong nagtatag ng UFC. Kung kaya nilang gawin sa Brazil at sa U.S ‘yan, bakit ‘di pwede dito?
RELEASE
JR: Saan-saan ba nanggagaling itong mga kalahok mo?
Alvin: Ang mga kalahok ay galing sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas. Marami rin kaming mga kalahok sa ibang bansa tulad ng Japan, China, America, at Guam.
Paano nga ba humantong sa ganitong tagpo ang paghaharap ng dalawang personalidad sa showbiz, sa gitna ng hiyawan at sigawan ng mga taong sabik na sabik silang mapanuod na magbakbakan?
JR: Mapunta naman tayo sa laban nila Baron at Kiko. Bakit niyo naisipan na isama ito sa laban sa URCC?
Alvin: Ang nangyari kasi diyan ay nakikita ko na laging ipinapakita sa media yung away nila. Kapag nakita ng mga bata, iisipin nila, O, puwede palang magsiga-siga ako. Lalabas ako at sisikat ako. Kaya naman sinabi ko sa kanila na kapag gagawin nila ito ay may resolusyon at hindi maganda na ginagawa lang. So ang sabi ko, bakit hindi nila ipakita ang tamang training tapos pumasok sila sa ring ring. Ipakita niyo na kaya ninyong gawing magandang sitwasyon ang dati na hindi magandang sitwasyon.
BENEFIT
JR: Liban sa mga fans at mga miron na mahilig sa martial arts, mayroon din bang ibang kapakinabangan dito?
Alvin: Pagkatapos ng laban ay mapupunta ang pera sa charity. Marami na ang magmamasid sa mixed martial arts community at magbabati na sila.
Nobyembre 2002 nang ginanap ang kauna-unahang labanan ng URCC sa tinagurian nilang Mayhem in Manila. Ang Fight Night kamakailan ang ika-61 nilang tunggalian sa loob ng halos 14 na taon na ng URCC dito sa Pilipinas.
EXPOSURE
Alvin: Bukod sa labanang Baron at Kiko, may mga professional at amateur mixed martial arts fighters na nakatakdang magbakbakan rin sa ring tulad ng mga inaabangang amateur fighters. Nagkaroon kami ng pro-am division. Siyempre may main event din, ang Arvin Chan vs. Chris Hoffman. Mayroon din kaming Jericho Tomagan vs. John “ Outlaw” Adajar. Ang gaganda ng mga laban na ‘yan. Sila ang pinamagaling, pinakapropesyonal, at inaabangang mga kalahok.
JR: ‘Yung mga sumasali bang fighters sa URCC ay kailangang propesyonal o puwede ring mga amateurs?
Alvin: Dahil ito ay URCC Fight Night, lahat ng mga amateurs ay lalaban din. Mayroon kamign apat na amateurs. Kaya ang gagawin natin, habang amateur palang sila, may exposure na sila. Nakikita na sila ng tao. Pagkatapos noon, mayroon pa kaming 3 pro-fights.
Mga maaaksyong tagpong ito na tinutukan ng ating KMAL team at nasaksihan naman ng ating mga manonood nitong nakalipas na Linggo sa PTV4 10:30 ng gabi sa ating Kasangga Mo Ang Langit TV program. Bago sumabak sa sagupaan, kinakailangang alamin muna ang mga alituntunin ng labanan.
URCC POLICY
JR: Ano pa ba ang regulasyon sa URCC?
ALVIN: Walang eye-gouging, head butts, at striking sa likod at spine. May tatlong paraan upang manalo: knockout, TKO, o pagpapatumba sa kalaban.
JR: Sa mananalo naman, ano ang premyo na matatanggap?
Alvin: Sa mga amateurs, siyempre binabayaran namin sila. Siyempre sinusugal nila ‘yung buhay nila para sa training. Ngayon, sa mga professional fighters, ‘pag nanalo ka, syempre mas malaki ‘yung tatanggapin mo. May fighters’ purse ‘yan. Bukod sa tinatanggap nilang TF sa pagpapakita nila Baron at Kiko, mayroon din silang TF at mapupunta rin sa napili nilang charity.
Ang tapang at tatag ng katawan ay ilan lamang yan sa mga kailangan para maging isang na mixed martial arts fighter. Mayroon bang qualities na hinahanap para maging isang MMA Fighter? Meron bang age limit or weight limit?
Alvin: Hanggat kaya nila, malakas ang puso at may kondisyon ang utak, at pinaliligiran sila ng mabubuting tao. Yung iba, sobrang galing pero naging champion lang, lumalaki na agad ang ulo. Hindi nangyayari ang pagsikat sa isang gabi lamang.
Maraming magagaling at may talento na mga manlalarong Pilipino. Kaya lang, hindi nila napagdadaanan ito. Kaya nga pagdating nila dito, bagsak kaagad. Hindi na sila nakakabalik. Kaya nga inaayos natin iyon. Sa makatuwid, dadalhin ko ang maraming kalahok sa US para sa training at laban na rin.
JR: Ang main event ng URCC Fight Night ay ang laban nina Chris Hoffman at Arvin Chan?
Alvin: Ito ang labanang nabuo dahil sa hamunan sa Facebook. Tinawagan ni Arvin Chan si Chris Hauffman sa Facebook. Sabi niya, “Nakita ko ang laban niyo ni Caloy. Eh nung sumusuntok ka kay Caloy, parang walang nangyayari. Ang hina mo sigurong sumuntok. Ako nalang kaya kalabanan mo?”
PROVOKED
Ganito naman ang pahayag ni Chris Hoffman: “Kakainin niya ang mga sinulat niya sa Facebook. Kakainin niya iyon ngayong gabi. Alam ko madali siyang sumuko kaya kahit malakas siya, mapapgod siya agad. Kapag tinamaan ko siya, alam ko na susuko rin siya.”
Lahat ng makausap ni JR, isa lang ang sinasabi. Siyempre pa, ang pinakaaabangang bakbakan ni Baron Geisler at Kiko Matos. Isa ito sa mga dahilan kung bakit dinagsa ng marami ang Fight Night, kabilang na ang ilang mga personalidad mula sa showbiz, tulad nina Richard Gutierrez.
Kinuhanan din ng reaksyon ng KMAL team ang aktres na si Bella Padilla.
JR: Sino naman ang inaabangan mo sa lalaban ngayong gabi?
Bella: Sa tingin ko, parang karamihan ng mga tao dito ay naghihintay sa paghaharap nila Baron at Kiko. Iyon ang dahilan kaya ako manonood.
JR: Sino sa tingin mo ang mananalo?
Bella: Ang totoo, tingin ko si Baron kasi di’ba si Danny, nagkakarate? Nakatrabaho ko rin si Baron dati.
Isa pang aktor ang nagbigay ng kanyang reaksyon na kausapin ni JR si Boy II Quizon.
JR: Boy, lagi ka bang nanonood ng MMA?
BoyII: Oo. Lahat ng URCC mula pa sa umpisa.
JR: Bakit?
BoyII: Well, ito lang ‘yung para sa akin, pinaka lehitimong MMA grass roots. Kaya mula noong unang araw, nakita ko kung paano nagsimula ang URCC.
JR: Naglalaro ka rin ba ng MMA?
BoyII: Oo. Nag-training ako kay Alvin pero training training-an lang. Mas pang romansa ako eh (laughing).
JR: Sino sa tingin mo ang mananalo?
Boy: Sa dalawa, ‘gusto ko lang ‘yung paninindigan na ituloy ‘yung laban. Wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa. Matapos nila ‘yung problema nila, magsuntukan sila ng maayos, kung sinong manalo, kahit sino.
Nakapanayam din ng KMAL team si Baron at ang kanyang coach na si Che Cuizon bago siya makipagtunggali.
Baron: Hardcore ‘yung training na binibigay sa akin ni Coach Che. Hindi parang bata ang trato niya sa akin.
Coach: Kailangan nating i-modify ang fighting style kasi biglaan lang ‘yung training na ginawa namin sa kanya. Pero seryoso ang training namin kasi alam naman natin na sinasabi ng ibang tao na aktor lang ‘yan. Hindi kaya mag-MMA niyan. Hindi totoo ‘yun. Sa pamamagitan ng tamang motivation at training, kahit sinong tao, puwedeng maging MMA fighter kasi meron siyang puso.
JR: Dalawang linggo lang ang naging training niya?
Coach: Halos isang linggo.
Baron: Nag-training kami ng apat hanggang limang oras kada araw. Tapos, iba-iba ka-sparring ko. Uuwi ako na may mga pasa talaga.
TULOY-TULOY NA TRAINING
Dahil sa training na pinagdaanan para sa laban, sinabi ni Baron na itutuloy niya ang pagsasanay kahit tapos na ang sagupaan nila ni Kiko. May usapan na raw sila ng kanyang Coach Che.
JR: Kahit walang laban?
Baron: Oo, kahit walang laban kasi tinuruan akong maging mapagkumbaba. Unang-una, tinuturuan ka nila ng disiplina, maging mapagkumbaba, maging totoo, and ang ganda ng samahan ng kampo namin. Nagbibiruan lang kami pagkatapos ng training. Pero seryoso kami kapag training.
Draw o tabla ang kinalabasan ng salpukang Geisler vs Matos. Unang-una, hindi naman sila mga propesyonal sa larangang ito. At least naibulalas na nila ang kanilang mga damdamin. At sa ipinakita nilang sportsmanship makalipas ng labanan ay isang malinaw na mensahe ang kanilang ipinarating: na ang hindi pagkakaunawaan ay hindi dapat idaan sa init ng ulo. Mayroong URCC ring na laging naghihintay.