Mula noong panahon ng Busan Universal Rail Inc. o BURI, hanggang ngayon, ang successive operational glitches ng train system ay patuloy pa rin.
Ang system ay nag simula sa kanyang operations noong 1999. Makalipas isakatuparan ang hearing ng House Committee on Good Government and Accountability, ating inanyayahan na mag guest si PBA Party-list Rep. Jericho “Koko” Nograles nitong nakalipas na Miyerkoles, January 31, 2018 sa ating INSIDER EXCLUSIVE Program ng PTV4 at DzRJ. Regular na napapanood tuwing Miyerkoles ng alas otso (8pm) ng gabi at napapakinggan sa radyo ng alas nuebe (9am) ng umaga.
COVER-UP AND CONSPIRACY
Kanyang in-exposed ang alleged cover-up at conspiracy ng ilang opisyal sa mga glitches o abirya ng MRT3. Tulad nalang ng pagkawala ng Messma card o black box na nagre-record sa lahat ng interventions ng train. Ang card na ito ay kinokonsiderang kritical dahil ito ang nag sasabi nang naging dahilan ng aksidente.
Ang pag-hagis ng adult diaper na nagpatigil sa operation ng buong train, ay pinaniniwalaan nilang deliberate. Ang pag-hiwalay ng bagon o pagkaka-detach ng coach sa pagitan ng Ayala at Buendia Stations, ay naging dahilan upang mag lakad ang may 140 na pasahero sa riles ng train. Nakikita ang “human intervention” sa aksidenting ito, ayon kay Congressman Nograles, isa raw malinaw na sabotahe.
Ang pagkakasunog ng regulator board ng train nang maka-ilang beses. Ang pangyayari noong isang Biernes, makalipas na umusok ay naglagablab at kinailangan pa ng bumbero ang sumaklolo. Nag lakad sa riles ang may 600 mga pasahero. Tulad din noong Sept 18, 2017, regulator board din ng train ang umusok sa ilalim ng upuan ng mga pasahero.
MRT3 WHEELS MADE IN BULACAN
Ang ginawang remedyo sa 16 na wheels o gulong na bakal ng MRT3 train, tinrabaho ng isang fly-by-night na machine shop sa Bulacan. Ito ay isang delikadong practice na hindi dapat nangyayari. At mga nadiskubring hindi original na piyesa ng train na nabili naman sa Bangkal, Makati at binayan ng milyon milyon ng DOTr.
Cong. Nograles: Pinag loloko nila ang taong bayan at the expense ng mga passengers.



PROPRIETARY NG BOMBARDIER
Ayon pa kay Congressman Nograles questionable ang ginawang deal sa Diamond Pearl na isang repair shop sa Bangkal Makati. Ang mga piyesa raw ng train ay proprietary ng supplier na Bombardier (Canadian Multinational manufacturer) na dapat nanggagaling dito ang mga piyesa. Categorically na inamin ni Congressman sa ating interview sa kanya, na ang mga parts o piyesa ng train ay hindi na original. Ang Diamond Pearl ay lumilitaw na unauthorized supplier ng piyesa na gawa ng manufacturer na Bombardier tulad ng vehicle logic units.
MRT3’s BRAIN
Ang tinatawag na “Intelligent Vehicle Logic Unit” (IVLU), tulad ng gamit ng MRT3 ay hindi lamang nagsasabi ng lokasyon ng isang sasakyan kung hindi ito ang nag sisilbing utak o “brains ng isang SmartBus” sa abroad tulad ng gamit ng Westinghouse SmarTrak fleet management system. Sa ngayon sinasabing questionable na rin ang VLU na gamit ng MRT3.
Ang nangyaring overshot ng MRT Train kung saan na ang kanyang train ay literally na natangal sa kanyang tracks o riles ay masahol pa sa nangyari noong 2014. Ang nangyaring derailment daw ng train noon ay initially itinago sa publiko ng mga concerned officials.
7 TO 10 COACHES LEFT
Malamang daw mas marami pang seriosong aksidente at deadly scenarios kung ang train ay tumatakbo sa kanyang dating normal na speed at puno ng pasahero. Ang deception daw ay posibling nagaganap sa mga government officials, sa nag papatakbo ng MRT-3 o sa loob mismo ng Department of Transportation.
Sa orihinal na bilang na 73, ating tinanong kung ilan pang mga bagon o coaches ng MRT3 ang tumatakbo sa ngayon.
Cong. Nograles: Unconfirmed, 7 coaches left out of 73.
Sa umpisa raw, bago tumakbo ang train sa madaling araw mga 20 coaches ang nakasalansan. Mapupuna makalipas ng inspection at pag bibilang, pito (7) hangang sampu (10) na lamang ang aktual na patatakbuhin. Ultimong bilang raw ayon kay congressman ay nape-peke.
BURI’S LIABILITY
Natanong din natin kay Cong. Koko Nograles kung ano ang kanyang masasabi sa naging pahayag ng BURI o Busan Universal Rail Inc. na bakit sila pa ang laging sinisisi gayong hindi na sila ang maintenance provider ng Metro Rail Transit mula pa noong nakalipas na taon -2017 at patuloy pa rin ang atribution sa kanila sa mga nangyayaring glitches o abirya.
Cong. Nograles: Tama rin naman, hindi na dapat i-attribute sa kanila ang lahat laluna kung ang mga abirya ay nangyari sa taong kasalukuyan.
Tinanong ko kay Cong. Nograles kung gaano katotoo na ngayong buwan ng Pebrero 2018, ay parating na ang mga piyesa ng train na replacement ng mga critical spare parts na matagal nang kailangan upang mag normalized na ang operation ng train.
Cong. Nograles: Sana nga!
HOUSE COMMITTEE RECOMENDATION: PLUNDER
Inaasahan niya na may mga makakasuhan ng plunder dahil sa corruption mula sa DOTr, sa mga opisyales ng kasalukuyan at nakalipas na administrasyon. Sa ngayon ay inihintay na lamang na makumpleto ang final draft ng committee report.
Cong. Nograles: Pangalan ng mga sasabit mayroon na, nasa isipan natin yan pero kina kailangan muna ng approval ng House bago maisa publiko.
Ayon sa ilang experto ang nakalipas na derailment ng MRT 3 ay maiko-konsederang may seriosong problema na ang system nito, na nasa state of serious disrepair at unsafe para sa riding public.



SUMMATION
Ayon sa ilang experto itong MRT3 ay inoperable na dahil sa dami ng defects. Ngunit ano naman ang alternatibong service na maibibigay natin sa tao. Nawa ang sinasabing full repair at restoration ng train trucks ay maisakatuparan ng totohanan. Ayaw ko sanang ihambing ang mga modernong train na gamit na ng ating mga kalapit na bansa. Tulad ng MAGLEV nang Shanghai sa China, ito ang magnetic levitation technology na ang kanyang bilis ay 501 kph na hindi na nakasayad sa riles. At sa ating MRT3 ay tumatakbo ng 20kph. Sa ngayon sabi nga nila “no choice,” kailangang pag tiyagaan kung ano ang mayroon pero huwag naman sana nating hintayin na magkaroon pa ng malagim na sakuna. At hindi dapat buhay ng ating riding public ang laging nakataya.