Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all 617 articles
Browse latest View live

FAREWELL MY FRIEND

$
0
0

Nais naming ibahagi sa inyo ang ala-ala ng isang Kaibigan. Si Amelyn Veloso ay isang magaling na mamahayag, Broadcast Journalist na maagang namaalam. Pumanaw sa edad na 43 taong gulang. Siya ay malapit sa aming pamilya at matalik na kaibigan ng aking anak na si Reyster Langit. Si Amelyn ang naging partner ni JR Langit sa unang pagsabak niya sa telebisyon.

Hindi mabilang ang mga ala-ala namin kay Amelyn Veloso. Pati na ang mga kaalaman na naibahagi niya sa “Bayan ni Juan” tv show sa ilalim ng direction ni Reyster at ni Ms. Hilda Yaneza, produced ng HIP TV Inc. Nuong 2001, nakatrabaho nya ang ating Kasanggang si JR Langit sa Programang “Bayan ni Juan” sa IBC 13.

FLASHBACK

Magbalik tanaw tayo sa mga episodes ng Bayan ni Juan kung saan nagkasama sina Amelyn, Jr Langit at Reyster. Sa pamamagitan ng Trekking sinuyod nina Amelyn, Jr at Director Reyster ang kapaligiran ng Taal volcano.

Amelyn: hay naku Jr tara na nga, ipagpatuloy na natin ang paglilibot dito sa Taal.

JR: Yung lang pala eh, ikaw ba Amelyn handa kana ba sa tuloy tuloy na paglalakad, na non-stop?

Amelyn: Hahah, handang-handa na ako, hahahahhaha!

Si Amelyn ay isang masayahing tao, no dull moment para sa kanya. Ang malulutong na tawa ni Amelyn ay hindi na natin maririg pa. Nitong Agosto bente kwatro, sumakabilang buhay si Amelyn matapos ang tatlong taong pakikipaglaban sa karamdamang Cancer.

THE ORIGINAL BAYAN NI JUAN

Amelyn: Dito lamang sa IBC-13 para sa di pahuhuling hain at laging tandaan masarap mabuhay sa “Bayan ni Juan.”

JR: Talagang masarap mabuhay sa Bayan ni Juan!

May ilang dekada na rin nang aming ilunsad ang program. Umani ng tagumpay ang palatuntunang pang telebisyon na “Bayan ni Juan.” Halos nalibot nina Amelyn at Jr ang buong Pilipinas. Binigyan ng pagpapahalaga ng palatuntunang “Bayan ni Juan” ang bawat bayan na kanilang binisita. Ang magagandang tanawin, ang atraksyon sa bawat Bayan, delicacy ng lugar, kinagisnang Kultura at tradisyon.

CONTROVERSY

Naging usap usapan ang “Bayan ni Juan,” katunayan kinausap pa kami ng personal ng staff ni Senator Juan Ponce Enrile noon na kung maaari sila na lang daw ang gagamit nang titulong ito.

REY LANGIT: “Wala namang monopoly sa titulong BAYAN NI JUAN, generic yan. lahat puweding gumamit. Katunayan mayroon tayong 1,490 na bayan at 144 na siudad dito sa Pilipinas. Sa mga nakatira sa bawat Bayan na yan, sa kanila yan. At sa Pangalang JUAN, million million ang may Pangalang Juan. Ano ba kayo! ”

Matapos ng aking maikling paliwanag, iniwan na lang ako at tinalikuran ng mga taong kausap ko.

MEDIA CARRIER

Nakilala si Amelyn hindi lamang sa mag lifestyle programs, naging aktibo rin ito sa mga balitaan lalo na nung malipat sa TV5.

Amelyn: Anong lagi naming tatandaan bago kami pumunta sa bulkan?

Tourist guide: Ang una nyo munang tandaan ho, ay alamin muna ang status ng bulkan, kung ito ba ay nasa live status o hindi.

Pinasok rin nya ang larangan ng radyo nuong 2005 sa DZXL at sa Radyo Singko mula 2011 hanggang 2012. Pinakahuling pinaglingkuran ni Amelyn ang CNN Philipines kung saan isa sya sa itinuturing na CNN original. Balikan natin ang masayang ala-ala ng Bayan ni Juan kasama si Amelyn Veloso.

Amelyn: Okay, I’m with Mr. & Mrs. Dave and Janice Guilan and they own the Log cabin and the same time they also manage other restaurant in Sagada named with St. Josh and Alfredos, so mag start po tayo sa ano dito sa Log cabin, how did this start?

Janice: The Log cabin started in 1990, and it was then tourist a pick of a kind of tourist begin to come in Sagada.

SENSE OF HUMOR

JR: Amelyn ang ganda nang view dito noh?

Amelyn: Oo nga eh, mamangha ka sa ganda ng view. JR anong gagawin mo kapag na stranded ka dito?

JR: Simple lang iikotin ang buong Isla.

Amelyn: Hahhahaaa!!

JR: Mula sa pag explore ng kalikasan hanggang sa mga food trip ay nakasama ko si Amelyn.

Amelyn: Nakakapagud din palang maglakad at maglibot dito sa Taal.

JR: Oo nga eh, pero wag mong sabihin sa akin na uupo ka nalang dyan? Magandang exercise ang trekking natin dito.

Amelyn: Dito muna tayo. Hinto muna tayo

JR: Amelyn naka tikim ka na ba ng gourmet sa bundok?

Amelyn: Uhm, Parang alam ko na yang sinasabi mo haha.

Masaya at magaang kasama dahil likas syang palatawa.

Amelyn: ikaw Jr, may diterminasyon ka pa bang libutin ang lugar na ito?

JR: Ako pa! basta may nag i-inspire sakin, kayang-kaya yan.

Amelyn: Hahahha …..

JR: Simple lang kasi ang lugar na ito na pinapalibutan ng limang bayan, at dalawang lunsod so wala na kong puproblemahin pa diba?

Amelyn: Okay ka rin ha! Sige na nga ipagpatuloy na natin ang trekking natin dito.

“FIRST LADY NG MASA”

Sa Tv program na ito sa ilalim nang Direction ni Reyster Langit ang kinuha niyang Host ay si Amelyn Veloso, Produce by HIP TV INC.

Minsan may dinaluhang pagtitipon sa lalawigan sina President Joseph “ERAP” Estrada nang siya pa ang Pangulo taong 1999. Ganoon na lamang ang pag tataka ni Erap ng magsigawan ang mga tao ng First Lady Ng Masa! Noon lamang natuklasan ni Erap na mas popular pala sa kanya si Dra. Loi Estrada, dahil sa kanyang TV program na “First Lady Ng Masa sa RPN 9.

MEETING OF THE MINDS

Minsan na anyayahan tayo ni Ginoong Jing Magsaysay ng CNN Philippines na mag-host ng Public Affairs Tv Show sa Channel 9. Makalipas ng series of meetings nalaman ko na si Amelyn Veloso ang aking magiging co-host sa show. Hindi na nag dalawang salita si Jing Magsaysay agad kong tinangap ang offer.

Malaking factor si Amelyn sa pagkakatangap ko sa invitation. At isa pa, hindi na rin iba sa akin ang Channel 9, dahil dito na rin kami nahasa nang hawakan namin ang Public Affairs Program na naging popular noon. Kaming tatlo nina Atty. Dong Puno, Mon Tulfo at ako sa TV Show na “Action 9.”

PROVIDENTIAL

Sa makasaysayang larawang ito, makikita kami ni Amelyn Veloso sa isang Pictorial at si Ginoong Jing Magsaysay, executive ng CNN Philippines ang kumukuha ng mga larawan sa loob ng bagong booth na pinagawa just in time sa launching ng television Show namin ni Amelyn.

Nai-post ang larawang ito sa facebook at nakarating sa kaalaman ni the late Ambassador Antonio Cabangon Chua ang may-ari ng Aliw Broadcasting Corp.- Station DWIZ na aking minamanage noon, ako ay kanyang pinaki usapang mag-withdraw na lang sa CNN Philippine tie up.

Bilang respeto sinunod ko ang kahilingan ng aking Boss bago pa formal na i-launch ang tv show. Kinalungkot ito ng masayahing si Amelyn.

SUPPORT FROM A FRIEND!

Minsan nabalitaan ni Amelyn na may paanyaya sa akin na tumakbo sa isang National Elections. Dagling nag tungo sa aking tangapan at dinala ang kanyang production staff at television crew ng CNN Philippines. Isang surprise interview ang kanyang ginawa para raw support sa aking Senatorial bid, bagamat wala pa akong disisyon kung ako nga ay tatakbo sa panahong yon. Isa siyang tunay na kaibigan, isang malaking kawalan sa industriya nang pamamahayag ang maagang pamamaalam sa atin ni Amelyn Veloso ng CNN Philippines.

Amelyn hindi ka namin kailanman malilimutan. Kaming mga kasamahan mo sa industriya ay lubhang nalulunkot sa iyong wala sa panahong paglisan. Mamimis ka namin Amelyn! Paalam kaibigang Amelyn Veloso. Please give my best regards to Reyster.

Farewell for now. Until we meet again!


REMEMBERING AMELYN

$
0
0

Today we remember an old friend, Amelyn Veloso, a Broadcast Journalist whom we lost to cancer at a very young age of 43. She was a close family friend, specially of my son Reyster Langit. In fact Amelyn became a partner of my son JR Langit for her first television show, Bayan ni Juan. A TV show under the direction on Reyster and Ms. Hilda Yaneza, produced by HIP TV Inc. on IBC 13 back in 2001.

FLASHBACK

Amelyn is one of the amiable people in the business. Her cheerfulness and positivity makes her passing all the more tragic. To give the reader an idea on how things were, these are but snippets of how things were off the air while shooting episodes of Bayan ni Juan. It is through the show that they were able to travel around the Philippines, promoting attractions, culture and tradition. One was while they were trekking the slopes of Taal Volcano:

Amelyn: hay naku Jr tara na nga, ipagpatuloy na natin ang paglilibot dito sa Taal.

JR: Yung lang pala eh, ikaw ba Amelyn handa kana ba sa tuloy tuloy na paglalakad, na non-stop?

Amelyn: Hahah, handang-handa na ako, hahahahhaha!

In another episode:
Amelyn: Okay, I’m with Mr. & Mrs. Dave and Janice Guilan and they own the Log cabin and the same time they also manage other restaurant in Sagada named with St. Josh and Alfredos, so mag start po tayo sa ano dito sa Log cabin, how did this start?

Janice: The Log cabin started in 1990, and it was then tourist a pick of a kind of tourist begin to come in Sagada.

Amelyn was taken as a host of the TV show “FIRST LADY NG MASA”, also under the direction of Reyster Langit, produced by HIP TV INC. In fact during one of President Joseph “ERAP” Estrada’s tour back in 1999, he was amazed to find out about his wife’s growing popularity due to the TV show “First Lady Ng Masa under RPN 9.

MEDIA CARRIER

Aside from lifestyle TV programs, Amelyn became a newscaster when she transferred to TV5. She also became a commentator back in 2005 under DZXL and Radyo Singko from 2011-2012. Her last stint was with CNN Philippines.

In fact it was because of her presence at CNN Philippines that I accepted an invitation by Jing Magsasay to host a public affairs TV show on Channel 9. It was with regret that I had to withdraw from this tie-up with CNN Philippines, as a request from the late Ambassador Antonio Cabangon Chua, owner of Aliw Broadcasting Corp.- Station DWIZ, that I was managing back then.

SUPPORT FROM A FRIEND!

When Amelyn found out that I was planning to run during the National Elections back in 2016, she brought her production staff and CNN Philippines television crew for a surprise interview as a support for my senatorial bid. She was a good friend in the industry and one that can’t be forgotten.

To Amelyn, we will miss you and give my regards to my son, Reyster.

Farewell for now. Until we meet again!

CHALLENGES SA NPA PEACE PROCESS

$
0
0

AN APPEAL FOR PEACE

Sa arrival speech ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes (Oct 31) ng gabi, siya’y umapila sa New People’s Army (NPA) na tahakin na ang landas tungo sa kapayapaan. “I am addressing myself to all the soldiers of the New People’s Army: Mag-surrender na lang kayo ngayon at ibaba ninyo ang inyong baril. May trabahong naghihintay sa inyo.”

“This is not an honorarium thing. You have to work for it.” Sa kanyang talumpati, kanyang binigyang diin na hindi siya tumitigil sa hangarin na mag karoon nang kapayapaan sa Communist Party of the Philippines (CPP). “I am not about ready to give up everything and anything in the altar of peace for our country,” Ito ang pahayag nang Pangulo sa kanyang naging talumpati.

At kanyang dinagdag, “there is still hope for the peace talks to proceed with the communist rebels.”

INSIDER EXCLUSIVE

Bago sa naging panawagang ito ng Pangulong Rodrigo Duterte sa grupo ng NPA nang siya ay dumating mula sa official visit sa bansang Japan ay nakapanayam ko sa ating “Insider Exclusive” (Miyerkoles sa Ptv4 8pm-at live sa DZRJ, 9am) si Secretary Jesus “Jess” Dureza, ang Presidential Adviser on the Peace Process.

Rey Langit: Sec. Jess Dureza, narinig ko noon ang sinabi ng Pangulo tungkol sa 4 na requirements. Nasabi ko mukhang challenging ito at kung papaano kaya maa-address ito ng magkakabilang panig, ng Government panel at National Democratic Front o NDF panel?

Ang hingil sa pag papatigil sa extorsion, pagpa-patigil ang revolutionary tax, remember iisa lang ang ating government na dapat mangulekta ng tax, itigil ang ambush at irelease na ang mga nasa puder nilang mga police at sundalo na mga kinidnap earlier. Secretary pano po matutugunan ang mga ito?

Sec. Dureza: Sinira mo agad yung araw ko ha, yung unang sinabi mo yung pinakamahirap bueno in our work for peace yung big projects ni Digong for the country pero kasama nun yung kaakibat nito yung how we order peace and security in the land kabhuuan, important component itong peace work ni Duterte administration.Yung mga sinabi mong mga requirements na yun, yung mga engagement to get a bilateral ceasefire with the CPP, NPA, NDF, and so as we work for peace sinasabi ko nga peace by peace kapayapaan by peace so let’s work in that direction we’re actually working on it. In the case of the BANGSAMORO masyadong very optimistic tayo sa long engagement we have with the BANGSAMORO groups mukang umuusad na tayo. Sa Davao halimbawa we had occasion marking the 11th year of what we call the Mindanao trust fund, ito yung development aspects ng negotiations hindi pwedeng usapan lang eh. We have to make the people immediately feel the dividends of peace yung makikita nila mabuti yung nag uusap mayroon pa lang development may improvement pala sa kabuhayan natin.

BILATERAL INTERIM CEASEFIRE

Rey Langit: Nabanggit po ninyo na hindi enough ang usapan lang, e sabi namin for instance mayroong joined ceasefire, pinag-uusapan ang 4th round at papalapit na 5th round pero wala pa rin tayong totoong ceasefire. Ano po ang ma-eexpect natin? Kahit pa inilalatag ang guidelines tuluyan pa rin ang banatan.

Sec. Dureza: Let me explain there are 3 kinds of ceasefire una uni-lateral yung magkabilang panig magdedeclare ng ceasefire, they will restrain their own forces from taking offensive military operations yan masyado yang tentative because each side could call it off at any given time and this is what happened a few months ago until nung February. There’s a second kind of ceasefire called a bilateral ceasefire yan may pirmahan kayong agreement at ilalagay niyo yung guidelines ano ba yung violations kung may maviviolate kung magbabakbakan? Ano ba ang sistema on how to address offensive operations on both sides? Ano yung mga penalties? Sino ang huhusga? Sino ang mag momonitor? These are what we call the guidelines in a bilateral ceasefire. It is called Interim because we reached the final agreement na maging permanent na yan final na wala na. Interim only refers to the fact that while negotiations are still on going. Ngayon we had only a unilateral ceasefire but our experiences are not good, may bakbakan ulit, then the president said punta kayo ulit mag-usap kayo pero dapat bilateral ceasefire ibig sabihin may kasulatan and we saw how we handled the BANGSAMORO kita mo MILF na disagreement noon hindi pumasa yung MOA ED nagkabakbakan pero the ceasefire mechanism prevented all out war, kung di pumasa yung BBL the same thing the ceasefire mechanism worked so we’re looking for this kind of a template sa BANGSAMORO ngayon ang problema ng president made it very clear not during the negotiations but for him saying, he’d like to come up with his guidelines, magbilateral ceasefire kayo para igigive up yung revolutionary tax na ang sabi ay 4 things. So we are working on this in the Netherlands of bilateral interim ceasefire but it is not yet implementable, wala pa yung mga mechanisms at hindi pa namin napag uusapan across the table yung conditions na iniimpose ng ating pangulo.

CHALLENGES IN THE NEGOTIATING TABLE

Rey Langit: Bakit po dun sa statement ni Chairman Sison na dapat ma push at maaprove itong Comprehensive Agreement Social and Economic alin ba ang dapat mauna rito? Yung ipakita nila yung intensyon na tumigil muna sa pagpapaputok bago pag usapan ang mga detalye ng ibang mga requirements pero mukang mauuna pa ang kanilang inihiling?

Sec. Dureza: Ito yung pinag uusapan namin sa negotiations table at ayokong pag usapan dito sa publiko, because when you negotiate you talk with them across the table may posisyon sila may posisyon din tayo how to come up with common mutually agreed common ground sa something you have to work on across the table.

ABU SAYYAF ON THE SIDE

Rey Langit: Ngayon sa grupo naman ng Abu Sayyaf napuna ko bagamat hindi nambulabog ng husto ng mga bisita noong Semana Santa, pero pakuwari ko ay tourist-oriented ang grupong ito.

Sec. Dureza: Di, mukhang nasanay sila dati,na papasok, like what they did in Davao, in Samal Island before, diba kumuha sila ng mga foreigners dun who were on a yacht visit, yachting race visit in Samal. Akala nila, they can do the same thing now, under the Duterte Administration, hindi na pwede. Kaya when they started going out on their comfort zones in Southern Mindanao area,  na-confront sila ng ating military and security forces.

Rey Langit: Pero ang hindi ko maintindihan Secretary, pagkatapos nilang pugutan si Noel Besconde dun sa Sulu, ang bilis nilang nakarating sa Bohol the following day, Wednesday, Miyerkules Santo – Huwebes Santo nasa Bohol na sila.

Sec. Dureza: Hindi pa natin madetermine kung sila rin yon o ibang grupo yon.

Rey Langit: Ano, malaking grupo ba sila ? at may ibang grupo pa na ASG din ?

Sec. Dureza: Well, we can say na its ASG. ASG kasi ano lang yun eh, parang naging term nalang yun sa lahat ng mga terorista dun sa area, Abu Sayyaf Group. Marami namang grupo nyan eh, actually hindi yan isang grupo lang, may mga Armed Elements dyan na, kidnap for ransom ang negosyo and then they claim na Abu Sayyaf sila, kasi nakakahingi ng malaking ransom pag sinabi mong Abu Sayyaf. But you have seen now, na when they started moving out of their comfort zones, hindi sila pwedeng makakalusot kaya nakuha sila. Right now, our military security forces are addressing it decisively. Eh dati non, kung saan saan sila nakakarating.

BREAKING NEWS

Rey Langit: Ngayon, pwede nyo ng i-break dito yung balita kung validated na gustong sumorrender nga nitong si Radullan Sahiron.

Sec. Dureza: Wag muna nating pag-usapan yan dahil it’s a very sensitive issue. There are filler, there are indications, ang alam ko is that a Radullan Sahiron had already indicated that he wants to live peacefully already. As a matter of fact, marami ring initiatives ang ginagawa ng military at on our side, we are also sending people to deal with him but it’s too premature first to announce it publicly dito. Otherwise, ma-undermine yung effort natin.

Rey Langit: Ang tinutukoy namin mga kaibigan na si Radullan Sahiron ay ang lider ng Abu Sayyaf, na siyang nag take over makalipas ng death ni Khadaffy Janjalani noong September 2006. Secretary Jess, I understand lately siya ay medyo sickly at may edad na rin at hindi na makagalaw ng husto.

Sec. Dureza: Buti ka pa Rey marami kang balita at chismis na alam.

CPP-NPA-NDF

Rey Langit: Ok, balikan natin ang usaping CPP NPA NDF at peace talk.

Sec. Dureza: tuwing meron pong discussions with the NDF , yung peace talks, pag nagkaputukan po sasabihin po nila na wala naman kaming kontrol sa NPA. Parang its not fair because our President has full control of the AFP and the PNP. Pero pagka sinimulan po nila, if they break the ceasefire, sasabihin lang po nilang ay wala kaming kontrol dyan. Ang NPA they have their own rules or they have their own agenda.

Rey Langit: Alright, doon sa naging tanong ni Jerry kanina na pagkakaiba ng nakalipas na Administrationg Arroyo na naging bahagi rin kayo at sa kasalukuyang administration tungo sa pag address sa peace process.

Sec. Dureza: Doing exactly the same thing as peace adviser on the previous administration at anong kaibahan ngayon. Gusto kong masabi yan e, dahil napalaking kaibahan. During the previous time, our president former president Gloria Arroyo was really also very determine in moving forward the peace process. In fact naging chairman ako ng panel negotiating with the MILF. Then naging peace adviser din ako. Pero during those times may mga institutional constraints ang tawag ko nalang e. But with under the present administration ang kaibihan ngayon, we have a team playing coach in the person of Rodrigo Roa Duterte. He has hands on, alam mo lumalabas kami abroad may negotations. Pero many may not know it or you may not know it, talagang hands on siya alam niya every step that we take and he guides us. Although generally he gives general guidance so we have our own leeways and frisk ability but the end of the day before we sign the agreements we have to consult him every step of the way. Kaya ito po ang kaibahan ngayon.

ONE STEP AT A TIME

Rey Langit: Speaking of, speaking of signing agreements and signing mutual understanding. For instance yung annex A, nakita ko ruon na, mukhang long shot. Kaya kung pag uusapan po itong mga request o conditions, duon kinakailangan munang i-address muna itong mga constitutional reforms bago maisakatuparan po itong mga cease fire natin. Dahil gusto nila duon pick upin in the future after pa ng mabago itong ating gobyerno. Specific ang binanggit po ruon ni Joma Sison na sabi niya ay kinakailangan federal republic of the Philippines muna bago tugonan yuong inyong nirerequest.

Sec. Dureza: Pag usapan nga namin. Diba sinabi ko, hindi naman pwedeng sagutin yon dito ngayon. Otherwise, we are negotiating to the media. Diba? let me say again, in the negotiations we work on it one step, one step every time. Peace by peace nga ang tawag ko.

Rey Langit: Okay

Sec. Dureza: Mukhang sayo kasi mukhang napakadali e, mahirap kung may magic formula kami matagal ng tapos ito e.

Rey Langit: Kailangan din namang maunawaan ito ng ating Publiko.

Sec. Dureza: So we have to engage in the same manner look at our long history. We have 1996 peace agreement with Nur Misuari up to now we still have challenges. We sign an agreement with the MILF 2014 under the time of President Aquino. But right now we’re still working on it..

PEACE, WORK OF A LIFETIME

Rey Langit: Dapat rin silang makasabay sa effort na ginagawa ninyo, para sa clear understanding ng kababayan nating Filipino.

Sec. Dureza: So hindi ho madali. Peace is a work of a lifetime in fact. Peace building is in different levels. Nag nenegotiate tayo duon sa grupo and it’s on going right now. But the more important work for peace is right there in the community for everyone to understand they’re differences, accept that they’re different. Provide social cohesion amongst the people there on the ground. Kasi kahit anong peace agreement pipirmahan natin dito, if people on the ground will not accept it – and that people will not benefit from this agreement that you sign. Walang mangyayari pa rin satin, kaya peace building must be in different levels at ito yung parang agenda ng ating pangulo. Peace with those who are fighting us working for peace but importante yung peace in the neighborhood, with your neighbors, with your kapwa tao on the ground. That’s very important.

SUMMATION

Ang armadong pakikibaka ng NPA ay isa sa itinuturing na world’s longest running insurgencies. Makalipas ng Marcos regime, limang (Aquino, Ramos, Estrada, Arroyo at Aquino) administration na ang nagtangkang tapusin ang matagal nang usapin sa Communist Party of the Philippines. Ngunit walang nagtagumpay sa hangaring matapos ang armed struggle na ito kung saan marami nang buhay ang nabuwis mula pa nang taong 1969. Taong 1968 ng binuo ito ni Jose Maria Sison, panahong estudyate pa siya. Ngayon iba na ang buhay niya sa Oslo Norway, ay patuloy pa rin ang NPA sa kabundukan. Ang NPA ay hango sa nakilalang Maoist movement ni Mao Tse Tung ng China.

Ang malungkot na katotohanan ay marami nang mga Bansa na minsang sumailalim sa impluwensiya ni Mao Tse Tung ang tumigil na sa pakikibaka. Sa Pilipinas ay patuloy pa rin sa guerrilla warfare sa kabundukan laban sa mga tauhan ng Gobierno, sa paniniwalang ganito pa rin ang pananaw ng mga kumunista sa ibang mga bansa. Ang Bansang China na minsang pinamunuan ni Mao ay matagal nang nag bago nang direksiyon at pananaw. Tulad ng pinakikita sa mga makabagong siudad ng China; Ang Beijing, Shanghai, Guangzhou , Shenzhen, Hongkong, Macao ay bukas na sa Western life at Style. Ironically sabi nga, kung sino pa ang gumaya lamang, siya pa ang ayaw tumangap ng pag babago. At kung kailan ito matatapos panahon lamang ang makapag sasabi.

AN APPEAL FOR PEACE

$
0
0

During the arrival speech of President Rodrigo Duterte given last October 31 in the evening, he appealed to the New People’s Army (NPA) for reconciliation and peace.

Sa arrival speech ng Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes (Oct 31) ng gabi, siya’y umapila sa New People’s Army (NPA) na tahakin na ang landas tungo sa kapayapaan. “I am addressing myself to all the soldiers of the New People’s Army: Mag-surrender na lang kayo ngayon at ibaba ninyo ang inyong baril. May trabahong naghihintay sa inyo,” he said. “This is not an honorarium thing. You have to work for it,” he stressed that his goal is to work for peace with the Communist Party of the Philippines (CPP), “there is still hope for the peace talks to proceed with the communist rebels.”

Secretary Jesus “Jess” Dureza, Presidential Adviser on the Peace Process, states that along with the big projects the president has in line for the country, this can only be achieved with lasting peace and order. That’s why this peace work is as important as its infrastructure projects. One of the requirements is to get a a bilateral ceasefire with the CPP, NPA, NDF, so we can move forward. We are optimistic with the BANGSAMORO because there has been positive developments already in that front. People have to feel the dividends of peace in order for them to see how much their life can improve.

There are 3 kinds of ceasefire. The first is the unilateral ceasefire where both parties declares it and restrains their own forces from taking military operations. The problem with this is that both parties can call it off at any given time and this is what happened last February. The second kind is called a bilateral ceasefire wherein both parties sign an agreement with guidelines as to the kind of violations and how to resolve these violations. There’s a system in addressing offensive operations, penalties and who ‘judges’ and monitors these situations. The third ceasefire is called an interim ceasefire wherein we have reached the final agreement.

The ideal ceasefire is the bilateral ceasefire. That’s how we handled the BANGSAMORO and it was successful. One of the conditions of the bilateral ceasefire is for the rebels to give up the revolutionary tax. Some of the issues are still on the table, being discussed. In fact there are some issues that can’t be discussed publicly because it is still under negotiation and will continue until there is a mutually agreed common ground.

The problem with dealing with the NPA is that they have their own rules and agenda. With regards to the Abu Sayyaf Group, there are many factions of that group and we’re not dealing with a unified band of people. The military is dealing with them.

The difference between the Arroyo administration and Duterte administration is that this president is hands-on. He guides us in each step of the way, specially before signing the agreements. It isn’t easy. Peace is a work of a lifetime in fact. Peace building is in different levels. It is important for people in the community to understand their differences and accept that they’re different. We must provide social cohesion amongst the people there on the ground. You see, no matter what peace agreement is signed, if the people on the ground won’t accept it or see that they won’t benefit from this, nothing will happen. That’s why peace building is done on different levels.


Inside Exclusive, Wednesdays at PTV4 at 8pm and live on DZRJ, 9am.

NAPAKAMAHAL MAGKASAKIT

$
0
0

Sa panahon ngayon na, napakamahal ang magkasakit. Kadalasan hindi agad naihit ang karamdaman, kaya nagtatagal bago matuklasan ang sakit at lumalaki ang gastosan. Kaya makikita mo rito ang kahalagahan ng lumang paraan ng pang gagamot. Ang clinic sa loob ng kumbento ng St Clare sa Maynila aming pinasyalan. Sa kahabaan ng Beata street sa Pandacan Manila matatagpuan ang matanda nang kumbento ng St. Clare na pinangangasiwaan ng Franciscan Misionaries of Mary.

Sa aming Palatuntaunang pang televisiong “Kasangga Mo Ang” sa PTV tuwing biernes ng 10ng gabi aming binigyan ng pag papahalaga ang makaluma subalit epektibong istilo ng Panggagamot. Acapuncture at Massage therapy, hatid ng isang kumbento sa Pandacan Maynila. Acupuncture at masaheng nakaka relax, ating subukan. Hindi lamang mahihirap ang nagpupunta sa St. Clare, marami rin ang may kaya sa buhay na kayang magpagamot sa regular na ospital o kaya ay magtungo sa SPA para mag relax.

Gumaling ka na, na relax ka pa at higit sa lahat makakatulong ka pa sa mga walang kakayahang magbayad para sa gamot.

Si Rebecca Buenavintura ay isang Community Health Worker.

ReBecca: Ito ang alternative kasi walang masyadong gastos, lalo sa mga mahihirap kaya tinutuloy namin at tinanong din naman kami kung gusto rin namin ah mula sa puso talagang gusto namin ituloy kasi marami kaming matutulungan.

Si Rafael Ledesma ay isang patient.

Rafael: Sabi ko, kasi nakakatulong yan sa muscle. Ang pag relax ng muscle kasi ang main problem ng stroke.

Sa kumbentong ito, hindi lamang pang ispiritwal at emosyonal na sakit ang kanilang kayang gamutin kundi pati mga pisikal na sakit, gamit ang makalumang tradisyon ng pang gagamot. Si Sister Carmen Alcalde siya ang Community Superior.

Sister: Ang Franciscan Missionaries of Mary nag umpisa nitong clinic noong 1950s at hanggang ngayon patuloy ito. Inumpisahan namin ang alternative medicine 1990s ay ito ay dahil nakita namin na mas mas mabuti at nakita din kasi namin na the increasing number of poor people in our country who could hardly alam nyo na noh kung pupunta sa mga mga ospital o sa ibang mga treatment ayaw ko na sabihin western ah kaya dalawang FMM sisters nagumpisa. Dahil sa aming vision mission isa sa primary concern itong health ministry kung saan nakakatulong nakakatugon sa mga pangangailangan ng ating mga kapatid na hirap na hirap at saka ang preferential option ng aming congregation ay really to serve the poorest among the poor specially to those who are living in the frontier posts.

Jr Langit: Ano po yung kadalasan napapagaling po nya?

Becca: depende kasi ang acupuncture sa lahat naman yan eh kasi sya yung nagpapa ganda nung daloy ng dugo sa circulation natin ng katawan kaya mas nakakatulong sya sa relaxing sa mga is yung mga stress na tao na. Lalo na dun sa mga tao na stroke mga may mga manhid ng mga katawan kamay yan nakakatulong yan. Marami.

Jr Langit: Bukod po sa traditional hilot at acupuncture meron pa ho bang ibang ginagawa po?

Becca: Ventosa, yun meron din. Yung nag aalis ng mga lamig yun lang naman.

Mga community workers na tulad ni Becca ang katulong ng mga Franciscan sisters sa pagpapatakbo ng kanilang klinika.

Jr Langit: Papaano po nagsimula yun Sister Gloria?

Sister Gloria: Ang ginawa kasi noon nag recruit ng mga tao eh pinasok ako dun ng auntie ko. Yung auntie ko dati rin sya dito ngayon so tinuruan kami sa therapeutic massage muna tas hanggang sa natuto na kami ng therapeutic tapos nag se-service na rin kami dyan habang training na rin yun saka sila nag anon a kung pwedeng turuan ng acupuncture, sabi ko ita try ko lang kasi takot ako sa needle hanggang sa maganda pala naisip ko rin yung maitutulong ko rin sa family namin kaya yun nag tinuloy tuloy na namin hanggang sa nandito na kami ngayon. Sa pamamagitan ng donasyon, naipagpapatuloy ng St Clare ang kanilang misyon na tumulong sa mga mahihirap na hindi kayang magpagamot sa mga ospital.

Jr Langit: Papaano nyo na su sustain po yung pang araw araw pong pangangailangan ng clinic?

Sister: Laging kasama yung education. Educational component makes people aware of the situation so that those who come to us for health reasons naiisip din nila na tumulong kaya marami din sa kanila nagbibigay ng let say donations to for the clinic to sustain the mga pangangailang tulad ng clinic supplies, alcohol, cotton, needles, and saka yung electricity, fuel, tsaka food ng ating workers yoon tapos na ah susustain din.

Sa simula ng acupuncture ay ibinibigay pa ng St Clare ang mga karayom na ginagamit dito….subalit dahil sa kakulangan ng pondo, kinailangan na ring maglabas ng hanggang tatlong daang piso kapag panahon na para palitan ang mga karayom.

Jr Langit: hindi ho kayo nag de demand ng singil sa bawat pasyente?

Becca: ah kasi dati, ngayon kasi sinasabi nga namin may bayad na yung needle kasi wala naman kaming pagkukuhaan pinapaliwanag naman namin tapos yung treatment namin sinasabi na namin na 200 kasi may kasama na yung massage tsaka acupuncture.

Jr Langit: yung needle po?

Becca: needle is P300, kaya nung unang punta dito ng pasyente nagugulat sila kasi bago yung needle tapos yung treatment 500 pero next time na pagbalik nila 200 nalang. Tapos yung needle nila 3x nilang gagamitin. Oo hanggat gusto nila kung kaya parin nila yung needle sige lang.

Hindi lamang mahihirap ang nagpupunta sa ST Clare, marami rin ang may kaya sa buhay na kayang magpagamot sa regular na ospital o kaya ay magtungo sa SPA para mag relax. Pero marami ang mas pinipili ang ginhawang nakukuha sa makalumang paraan ng pang gagamot at relaxation sa ST Claire

Becca: Yung babae na naging pasyente namin na may slipped disk sya, tapos nag pa therapy sya nagpunta sya sa mga sa clinic naka gastos sya ng ganun hindi daw sya gumaling, naghanap daw sya sa Saint Clare pandacan hinanap nya. Nakita pa nga raw nya Santa Clara pumunta sya dito nag hintay sya dyan sa labas ayun sabi ko lang naman sa kanya na tyagaan lang dito tapos yung pagdadasal sabi ko samahan mo ng pagdadasal natuwa ako kasi nung unang punta nya naka saklay sya tsaka maliit yung paa nya hindi naka hindi sumasayad tas de nung pag balik nya nung una saklay naalng tapos pa isa isa yung hanggang sa nawala. Yung isa hanggang ganyan wala na ngayon yun.

Jr Langit: Nakakapag lakad na sya ng diretso?

Becca: Oo, Minsan sya na yung nagpapa punta dito ng mga pasyente.

Biktima ng stroke si Rod, pero nasa proseso na sya ngayon ng recovery matapos na sumailalim sa acapuncture at acupressure sa St Clare.

Rod: ah nung after nung stroke ko yung right part ng body ko is hindi ko magalaw tapos ah yun nag pa therapy ako kasi yung brother ko parati syang nag papa acupuncture dito at tapos sabi nya I try ko raw baka makatulong sa pag rehabilitate sa ano ko and so I went as part nung regimen nung pag pa rehabilitate and ah yun nga nakatulong naman sya ayan oh nagagalaw ko na sya naitatas ko na dati di ko to maitaas tapos I can walk straight medyo straight na hindi pa yung normal nandun palang sa process na total recovery.

Jr Langit: kumusta naman po yung pakiramdam nyo tuwing nag a undergo kayo ng acupuncture?

Rod: I’m an agriculturist and I help a lot of a businessmen to prepare the farm. I walk a lot. Nung na highblood ako I couldn’t make a hundred meters hinihingal nako. The acupuncture has rejuvenated me so right now after so many months I’m able to do my long distance walking. Hindi na hindi na ako pwede tumakbo pero kaya  na ulit ngayon maglakad ng malayo na hindi tulad noon na 100 meters parang buong katawan mo bumabagsak.

Maliban sa pisikal na sakit, tinutugunan rin sa St Clare ang sakit sa ispiritual at emosyonal ng mga nagtutungo sa kanila para magpagamot.

Sister: most of our role, most of our services here is to accompany the workers to welcome the patients and to more or less facilitate the spiritual aspect that is why we put up a, recently we put up a prayer room in honor of saint clare the name of this clinic.

Jr Langit: Sisiter kung hindi lang po acupuncture at hilot ang ino offer po ng clinic. ano pa ho ba yung iba pa po ninyong isinishare?

Sister: merong micro ah yung sa nutritional tinuturuan din yung kung anong mga pagkain if you see that in the corridor meron din kaming mga ah posters on malunggay ano yung nakukuhang nutrients sa malunggay so merong mga ganun. Tsaka yung medicine na herbal medicine like turmeric mga mga native kung hinid na maano kung hindi na talaga pero as far as experience also nakita naman namin na nakakatulong talaga yung herbal medicine basta maniniwala ka lang number one is to believe na it can help. Binibigay ng dyos yan para makatulong sa tao.

Sa panahon ngayon, napakamahal talaga ng magkasakit, kadalasan hindi agad nai-hit ang karamdaman, kaya nagtatagal bago matukladsan ang sakit at lumalaki ang gastusan. Sa St. Clare gumaling ka na, na relax ka pa at higit sa lahat makakatulong ka pa sa mga walang kakayahang magbayad para sa gamot. Isa na namang patunay na malaking bagay sa ating buhay ang Faith o paniniwala na isa sa mga grasyang kaloob sa atin ng Maykapal.

Sa panahon ngayon na, napakamahal ng magkasakit, maipasok ka man sa hospital wala pa ring katiyakan kung hagarang matutuklasan ang iyong karamdaman. Paulit ulit na test ang ibibigay sa iyo ng mga Hospital na may mag kakaibang findings sa iyong karamdaman.

Naalala ko ang kaso ni Marites isang Filipina, na US immigrant na nag bakasyon kamakailan sa atin dito sa Pilipinas. Sa kanyang pag babakasyon naramdaman niya na unti-unting umihina ang kanyang kanang paa. Kumunsulta sa doktor binigyan siya nang gamot, ngunit nag-patuloy pa rin ang paghina ng kanyang paa na may kasamang pamamanhid. Pinayuhan siyang sumailalim sa MRI/MRS with contrast and with IGS protocol. Maliban sa mahal ito, hindi lahat ng hospital sa Pilipinas ay may ganitong apparatus. Nag-canvas siya ng hospital kung saan siya makakamura. Sinubukan niya ang Heart Center, ngunit out of order ang machine ng hospital nang panahong yon.

Pumila siya sa PGH, pinag deposit ng P18,000. Sumailalim sa standard procedure ng check up. Ginawa ang CT scan of the Brain with contrast and with IGS protocol (NKTI). Lumabas din siya kinabukasan at isang linggo bago naibalik ang kanyang deposit sa hospital. Sinabihan siya ng Cardinal Santos Hospital na mag handa ng P800k thousand para sa Operations. Nagpunta siya sa St. Lukes sa E. Rodriguez QC. Dito sumailalim sa MRI/MRS with contrast and with IGS protocol. Tatlong (3) araw siyang na confined, inabot nang P100k ang nagastos sa hospital ngunit walang nakitang cause nang kanyang tuloy-tuloy na pagka-kaparalize. Sa pag kakataong ito paralize na ang buong kanang paa at kasama na ang kanang kamay at may pamamagana na ang kanyang katawan at mukha. Nadala rin siya sa Premier Medical Paranaque City. Uli sinailalim siya sa CT Scan ng whole abdomen at chest with contrast and with IGS protocol .

Tinignan din siya ng internist sa Paranaque Clinic. Na check up din siya ng neurologist at obigeni. Hindi mag kakatugma ang findings ng mga hospitals. May nagsasabing mayroon siyang tumor, mayroon siyang cancer na nag metastasizes at mayroon ding nag sasabing wala. Mula buwan nang March 2017 hangang sa tumulak siyang pabalik ng Amerika noong October 26, 2017, ilang buwan din ang kanyang ginugul upang makakuha ng wastong tugon sa kanyang karamdaman. Nag karoon siya ng ilang beses na seizure at nag-slur na ang kanyang pag sasalita.

Lingid sa kanyang kaalaman oras na lamang pala ang nalalabi, at tiyak na kapahamakan o kamatayan ang maaaring mangyari kung nagtagal pa at hindi siya na operahan. Tanging si Dr. Dela Cruz ng Manila Sanitarium Hospital lamang ang nagpayo sa kanya na magpa opera na kaagad dahil lumalaganap na ang kanyang Tumor sa brains.

Dr. Dela Cruz: “We are just buying time!”

Nag decide na bumalik sa America. October 26 ng hapon ng tumulak pabalik ng USA. Sinalubong siya nang Ambulance sa Chicago Airport. Isinugod sa emergency ward ng Alexian Brothers Hospital sa Chicago Illinois. Makalipas ng mabilisang test na walang kondisyon at walang hininging deposito ang hospital at agad siyang isinailalim sa Brain Operations. Hindi na kinailangang buksan ang kanyang utak o biyakin ang kanyang bungo. Gamit ang modern apparatus tumagal lamang nang dalawang oras ang kabuan ng Operations. Nang muling manumbalik ang kanyang ulirat mula sa Operating Room, siya ay nakapag sasalita na.

Duterte signs Anti-Hospital Deposit Law

Sa mga hindi pa nakakaalam nilagdaan na nang Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong August 3, upang maging ganap na batas ang karagdagang kaparusahan o penalties sa tatanging hospital o clinic na tumangap ng pasyente na walang deposito. Ito ang Republic Act No. 10932, o kilala sa tawag na Anti-Hospital Deposit Law.

Sa ilalim nang batas na ito, ang sinomang official, medical practitioner o empliyado ng hospital o medical clinic na lalabag sa probisyong ito, ay mapaparusahan ng pagka kulong ng hindi bababa sa anim na buwan at isang araw o hindi ihigit sa dalawang taon at apat na buwan o multa na hindi bababa sa P100,000.00 o hindi ihigit sa P300,000.00 Ang tatlong beses na violations, ay magreresulta sa revocation ng health facility’s license to operate ng Department of Health (DOH).

A CLINIC’S SOLUTION TO HIGH COST OF HEALING

$
0
0

It is expensive to get sick. Most of the time symptoms go unnoticed and once it does, curing the illness is costly. Inside a St. Clare convent in Manila along Beata Street, is a clinic run by Franciscan Missionaries of Mary. They offer therapeutic massages (hilot), ventosa, acupressure, and acupuncture. Their clientele ranges from the poor to those who can afford such treatment. This clinic was set up during the 50s by the Franciscan Missionaries of Mary as a place for alternative medicine. They saw this as an answer to the high cost of western medicine and treatment. Their vision mission touches on health ministry as a way to serve the poorest of the poor. The clinic is supported by donations (for clinic supplies, alcohol, cotton, needles, utilities, fuel, and food).

The nuns are assisted by community health workers. These workers are taught therapeutic massages and undergo training for acupuncture.

Most of their customers are stroke patients. Usually, acupuncture causes muscles to relax, a treatment that patients suffering from stroke, direly needs. Acupuncture also helps in blood circulation to help restore sensation to areas affected by stroke.

Customers are required to pay for their own needles for treatment. Usually, it costs Php 300 and it is usually used thrice by the same customer.

Duterte signs Anti-Hospital Deposit Law

Last August 3, President Rodrigo Roa Duterte quietly signed Republic Act No. 10932, imposing penalties on hospitals or clinics that decline patients who can’t pay the initial deposit. Under this law, any official, medical practitioner, or employee of any hospital or medical clinic can be punished by a prison sentence not less than 6 months and a day to two years. Penalties shall not go below Php 100,000 – 300,000. On the third violation, it can result in the hospital or clinic’s revocation of health license to operate under Department of Health (DOH).

SUPERBOY SANCHO: MIRACLE BABY

$
0
0

Matagal inantay ng mag asawang George at Chi Bocobo ang pagdating ni Sancho sa kanilang buhay. Pitong taong gulang na ngayon si Sancho subalit may mga limitasyon sa mga puwede at kaya nyang gawin. Ang kundisyon ng mga batang may tinatawag na SMA, it’s a genetic disease na it causes muscle weakness. Pasukin natin ang mundo ni Super Sancho, isang batang may SMA. Kinapanayam ng Kasangga Team sa aming TV Program na KASANGGA MO ANG LANGIT, napapanood tuwing biyernes ng Alas- diyes ng gabi (10pm) sa PTV4 si Chi Datu-Bocobo isa ring Broadcast Journalist at professional commercial-Ads Singer.

MIRACLE BABY

Chi: Yung mga bata na mas worst yung condition kay Sancho na dapat hindi sila makalunok on their own, hindi sila makahinga. Makikita mo dun sa studies na naglalakad sila. you know, there’s really like, for me it’s a miracle that there’s such a treatment. Pag naalala lang niya that superman is like somebody who’s strong and he will do everything diba, pipilitin niyang matapos ‘yung therapy exercises niya. So may mga ganun siyang inspiration. Matagal inantay ng mag asawang George at Chi Bocobo ang pagdating ni Sancho sa kanilang buhay. Kaya naman hindi rin mapantayang lungkot ang kanilang naramdamang mag asawa nang matuklasang may kakaibang kundisyon ang kanilang nag iisang anak.

SPINAL MUSCULAR ATROPHY

Chi: We found out kasi nung mga 5 months siya, parang hindi siya tumatalon talon. So naisip namin na baka something is wrong. There are people said na baka he’s just heavy or chubby boy siya kaya hindi niya mabuhat ‘yung sarili niya pero siguro ‘yung mother’s instinct lang o ‘yung parent’s instinct lang na we should have him check. So what we did na pina-blood test naming siya. We sent his blood sample pa sa states kasi dun lang at that time, dun nila ginagawa ‘yung mga tests. So nung 1 year old siya, dun na diagnosed na ‘yung weakness niya is caused by spinal muscular atrophy type 2.. So ‘yung manifestations niya, they call him like a fluffy baby. Malambot siya eh so parang hindi siya makaabot dun sa mga milestones na usually naaabot ng mga babies. For example, he was able to umiikot sa kama. Nakakaikot siya eh. But he wasn’t able to crawl. He wasn’t able to from lying down, he wasn’t able to sit.

Nasa ikalawang kategorya ng SMA o Spinal Muscular Atrophy si Sancho. Isa itong kundisyon na dala na ng bata mula nang siya ay isilang.

DEPRESSING AND SCARY

Chi: So ‘yung SMA, it’s a genetic disease na it causes muscle weakness. Parang may nawawalang neuron sa spine niya na nagko-cause ng weakness niya so all over his body. So hindi lang siya legs but it also sa arms, sa neck, sa big muscles like trunk. So basically ‘yun nga, proximal muscle can get weak. Meron kang spinal muscular atrophy.

Nakakatakot ayon kay Chi, para sa mga magulang ang malaman ang ganitong kundisyon ng anak, subalit kinailangan nila itong harapin at paghandaan kung paano matutulungan si Sancho.

Chi: So it’s very depressing noh. It’s very scary for parents to learn about SMA actually. Parang it pays like a very sad future for you. Parang ang gloomy ng future. So sometimes, bina-balance ko rin kasi I empower myself as a mom and my husband too. We empowered ourselves by reading on it, by researching on it. He attended the conference also on SMA sa abroad para maintindihan naming kasi konti lang ‘yung kilala naming may SMA na mga anak.

FEAR AND ANXIETY

Bukod sa hirap ng kalooban, hindi rin simple ang gastos para sa pag aalaga ng isang batang may SMA subalit sa tulong ng dasal, hindi nawawalan ng milagro sa kanilang buhay ang pamilya Bocobo

Chi: So si Sancho nung baby siya, hirap siyang umubo. Tapos nabasa naming na sa America, at sa ibang bansa na may mas maraming SMA na bata, talagang sa bawat bahay, meron silang tinatawag na cough assist machine. Yung cough assist machine, parang it trains the kid to cough. Parang it mix the cough motion para later on, matuto rin siya umubo on his own. Mailabas niya, ma-expel niya kung ano dapat na fluid i-expel para hindi siya nagkaka-pneumonia. So, imagine mo yun, parang sa hospital kung saan naming siya na-confine, wala pang cough assist machine. So nagpapanic kami..

ANOTHER MIRACLE

Hindi sila nag- give up, patuloy ang ginawa nilang research, isang araw.

Chi: But you know, the next day, sa kakaresearch naming, we found out that there is like a model unit here in the Philippines na they are willing to sell to us. Tapos yung good Samaritan, he is actually the employer of George, who told us “okay, I can buy it for you and you can pay us whenever you are able.” So imagine mo, kahapon wala kami nun. Next day, pinadeliver sa bahay.

Milagro ring itinuturing ni Chi kung paanong nagkaruon ng power chair si Sancho na nagkakahalaga ng halos isang milyong piso.

Chi: May nagsabi sa amin na si sancho, napakatalinong bata. Importante sa kanya na yung feeling of being free and independent. Take care also not only of his physical health but also of his psychological health. Yung emotional health niya diba. That make him feel free. Sabi ko, paano? Dapat meron siyang sariling upuan na siya nagddrive.

SONG ALBUM FOR SANCHO

Chi: May nag-approach kay Sancho na isa siyang sister sa community. Nakita siya, nakilala siya, napamahal sa kanya.. Tapos sabi niya meron siyang pinoproduce na music album pero hindi muna niya ipapa-publish or ipi-print kasi gusto niyang idedicate lahat ng proceeds nun kay sancho. Imagine mo yun, eh kakameet lang niya. So hiningian niya ako ng awit ko. Kung meron akong kanta para pwede kong idedicate kay sancho. At meron akong kanta na ibinigay so that was really my song to God for Sancho. Tamang tama. Tapos hiningian niya ako ng konti information about Sancho tapos isasama raw niya yun sa album. Tapos, alam mo nangyari doon? Naprint na yung cd, yung album tapos sabi niya, lahat ng proceeds niya, bibigyan kita siguro 2,000 copies. Lahat ng proceeds niyan sa inyo na. Gawin mong pang fund raising. Imagine mo, hindi mo siya kaano ano but he will—yung parang love from god through that person, we really felt it.

SMALL OR BIG MIRACLES

Ang mga milagrong nakita ni Chi para sa anak na si Sancho ang dahilan kayat unti unti ay natanggal ang takot nya para sa kinabukasan ng anak.

Chi: Yun yung mga little miracles, actually it should be big or little miracles, it happen to us and to this day, we believe na god is going to take care of him. Because pinakita niya in so many ways. We try not to live in a fear or anxiety. Tinatry naming wag mag worry about his future. I must admit na may days na nakakatakot. Iniisip ko papano si sancho, wala siyang kapatid, sino mag-aalaga, papano siya magtra-trabaho. Marami syempreng mga ganung doubts. Pero yun nga eh. That’s why you have a big god. Para siya nalang bahala. Wag mo na isipin masyado yung mga bagay na hindi mo naman maiintindihan.

DEVELOPMENTS FROM RESEARCH

Sa ngayon ay lalong naging positibo ang mag asawang George at Chi sa kalagayan ni Sancho matapos mapag alamang may natuklasan nang gamot para sa mga batang may SMA.

JR Langit: May cure na pala ito?

Chi: Nung nag start palang ‘to, we’ve been following yung developments from research, clinical studies, and by God’s grace last Christmas, we were blessed by the good news na wow, meron na. and it’s FDA approved in the United States, the treatment. So we are just really praying for the day na umabot kay Sancho ‘yung treatment.

AQUA AND OCCUPATIONAL THERAPY

Pitong taong gulang na ngayon si Sancho subalit may mga limitasyon sa mga puwede at kaya nyang gawin. Sa kabila nito, sinisikap ng kanyang mga magulang na gawing normal ang kanyang mga aktibidad.

Chi: Hindi madali kay Sancho ‘yung schedule niya kasi unlike any other child without this condition, you were able to play the whole day after school. Diba ang daming pwedeng activities. Pero si Sancho kasi, aside from going to school, ang dami niyang therapy eh na naka-schedule. So Mondays, may physical therapy siya, ganun. Wednesdays, may aqua therapy siya, magsswim siya. So later we will bring him dun sa aqua therapy to strengthen his muscle. Tapos may days naman na occupational therapy. Yun naman yung for his power motor skills. ‘yung grip niya, ‘yung para matuto siya na kumbaga may mga magawa naman siya on his own diba. Kunwari magbihis, toothbrush. Kailangan maturuan din siya ng ganun diba na maging independent din siya na kahit paano tapos how should I show that I love him, everyday, we make sure that he feels loved. Maswerteng natiyempuhan ng Kasangga Team si Sancho sa kanyang aqua therapy.

Sancho: Hi, I’m about to swim. Pls visit my page, super Sancho and my youtube channel, supersanchoonsky. Bye!

INTELLECTUAL ABILITY

Masayang bata na may mataas na pangarap kung ilarawan ni Sancho ang kanyang sarili. Nagkaroon din nang pag kakataong makapanayam ni Kasanggang Jr Langit ang batang si Sancho.

Sancho: I’m shooting a video now. Wait for it, it’s coming soon

JR Langit: Is that Batman?

Sancho: Yah. I only draw those things

JR Langit: What’s your message to your mom?

Sancho: I love her. She is so beautiful and famous. She’s famous. My mom is famous.

JR Langit: Anong favorite niyong bonding ni mommy mo?

Sancho: Lots of stuff and lots more. I like to draw. I like to do lots of stuff. Go around, plays around. Well, and I like to spend time with my family. Im a happy boy with big dreams.

JR Langit: These are all your collections?

Sancho: Yes

JR Langit: Why do you collect airplanes?

Sancho: I like it but I haven’t got it in a while

JR Langit: Why airplanes?

Sancho: I’ve been interested since I was 4 yrs old

JR Langit: What model is this?

Sancho: I think its A380

JR Langit: how about this one?

Sancho: That is 747

Kung may kundisyon man sa kanyang muscles si Sancho, nabiyayaan naman ito ng kakaibang talino.

Chi: kasama sa condition ni Sancho na he is very cognitively advanced. So at 9 months, he was speaking. I mean it’s unbelievable. Minsan inaaral nga siya ng mga team of doctors kasi they’d never heard a child na parang talk that way. Saka ‘yung knowledge niya, parang in such an early age, parang sobrang deep.

DREAM COME TRUE

Nang sumapit ang kanyang ika pitong kaarawan, ibinigay ng kanyang mga magulang ang isa sa kanyang pangarap….. ang makalipad.

Chi: Marami siyang mga dreams eh. Like favorite niya, marami siyang pangarap. Pangarap niyang makalipad. Pangarap niya, may fascination siya kay superman eh. I see that as something that empowering to him because sometimes even if he is tired, pag nagte-therapy siya, pag naalala lang niya that superman is like somebody who’s strong and he will do everything diba, pipilitin niyang matapos ‘yung therapy exercises niya.

SANCHO THE SUPERMAN

Si Sancho ay sumulat ng script ng kanyang mini pelikula kung saan gumanap syang Superman.

Chi: may nakita akong friend na director. Ang pangalan niya si direk manny angeles. Nabanggit ko lang sa kanya, may pangarap si sanchong lumipad. Paano natin gagawin? Tapos sabi niya sa akin, gawin natin. Gawin natin. Sabi lang niya. So ako naman, okay. Paano natin gagawin? Sabi ko. After that day, tuloy tuloy na. sinabi ko kay sancho, “sancho, may good news ako. Gagawa tayo ng film. Superman film. Pero you need to be the one to write the script saka syempre ikaw si superman. Alam mo ginawa niya ‘yung script, isang araw lang. sinulat niya, parang screenplay. ‘yung script, meron pa siyang mga visual, parang story board. Ganyan. Tapos ang dami niyang ideas. Pero sabi niya dapat ikaw si lois lane. Sabi ko, ako? Ayoko si Lois Lane. Dahil gusto ko, ako ‘yung strong. Gusto ko, ako ‘yung isa sa superhero. Sabi niya, hindi. Ikaw gusto kita si lois lane para maprotect kita. Mga ganun. We give in to the things that he like. So yung daddy niya, syempre konti lang yung mga actors. Kami lang nag-act. Pero nagawa naming ‘yung parang shortfilm ni sancho.

KIND-HEARTED

Dito rin nakita ni Chi ang malambot at mapagbigay na puso ng anak.

Si baby Joe, meron kasi kaming nakilalang baby na ‘yung SMA niya, is parang worst type than sancho. So nakakabit siya sa tubes kasi para makahinga siya actually saka para maka-swallow siya ng food. Naisip niya ‘yun. sabi niya, maybe we can share the money that we get from my premier night into that boy. So yun ang nangyari. Nung birthday niya

Pagtanggap sa sitwasyon upang mahanapan ng solusyon. Ganyan ang ginawa ng Mag asawang George at Chi sa kundisyon ng kanilang anak na si Sancho.

SUMMATION

Sa ngayon ay lalong naging positibo ang mag asawang George at Chi sa kalagayan ni Sancho matapos mapag alamang may natuklasan nang gamot para sa mga batang may SMA. Pagtanggap sa sitwasyon upang mahanapan ng solusyon. Mga milagrong dala ng matinding pananalig.

Tibay ng loob na nagbibigay ng inspirasyon Big or little miracles, it happen to us and to this day, we believe na God is going to take care of our problems tulad ni Sancho. Dahil ipinakita niya in so many ways. Sabi nga ni Chi…. “We try not to live in a fear or anxiety.”

Sinamahan ang aksyon ng pananalig at dasal kayat ang resulta ay kundisyon at sitwasyong nakapagbibigay ngayon ng inspirasyon sa mga taong dumaranas ng kahalintulad na pagsubok sa buhay.


SUPERBOY SANCHO: MIRACLE BABY

$
0
0

George and Chi Bocobo have always wanted a child and was thrilled when Sancho came into their lives. Today, Sancho is 7-years-old and suffers from SMA, an inherited disease called Spinal Muscular Atrophy. This means his movements are limited, he can’t breathe or swallow on his own, he cannot stand or walk unaided.

They realized something was different when Sancho was 5 months old. He wasn’t as energetic as babies his age. They had his blood tested in the U.S. and 7 months later, he was diagnosed as having Spinal Muscular Atrophy, type 2. It was frightening for George and Chi as well as depressing to find out that their only child was afflicted with this disease. According to Chi, “So it’s very depressing noh. It’s very scary for parents to learn about SMA actually. Parang it pays like a very sad future for you. Parang ang gloomy ng future. So sometimes, bina-balance ko rin kasi I empower myself as a mom and my husband too. We empowered ourselves by reading on it, by researching on it. He attended the conference also on SMA sa abroad para maintindihan naming kasi konti lang ‘yung kilala naming may SMA na mga anak.” Yet despite the odds and rising expenses, miracles continue to happen.

“Si Sancho nung baby siya, hirap siyang umubo,” Chi said, narrating the experience. ” Tapos nabasa naming na sa America, at sa ibang bansa na may mas maraming SMA na bata, talagang sa bawat bahay, meron silang tinatawag na cough assist machine. Yung cough assist machine, parang it trains the kid to cough. Parang it mix the cough motion para later on, matuto rin siya umubo on his own. Mailabas niya, ma-expel niya kung ano dapat na fluid i-expel para hindi siya nagkaka-pneumonia. So, imagine mo yun, parang sa hospital kung saan naming siya na-confine, wala pang cough assist machine. So nagpapanic kami. But you know, the next day, sa kakaresearch naming, we found out that there is like a model unit here in the Philippines na they are willing to sell to us. Tapos yung good Samaritan, he is actually the employer of George, who told us “okay, I can buy it for you and you can pay us whenever you are able.” So imagine mo, kahapon wala kami nun. Next day, pinadeliver sa bahay.”

“Another example was when may nag-approach kay Sancho na isa siyang sister sa community. Nakita siya, nakilala siya, napamahal sa kanya.. Tapos sabi niya meron siyang pinoproduce na music album pero hindi muna niya ipapa-publish or ipi-print kasi gusto niyang idedicate lahat ng proceeds nun kay sancho. Imagine mo yun, eh kakameet lang niya. So hiningian niya ako ng awit ko. Kung meron akong kanta para pwede kong idedicate kay sancho. At meron akong kanta na ibinigay so that was really my song to god for sancho. Tamang tama. Tapos hiningian niya ako ng konti information about Sancho tapos isasama raw niya yun sa album. Tapos, alam mo nangyari doon? Naprint na yung cd, yung album tapos sabi niya, lahat ng proceeds niya, bibigyan kita siguro 2,000 copies. Lahat ng proceeds niyan sa inyo na. gawin mong pang fund raising. Imagine mo, hindi mo siya kaano ano but he will—yung parang love from god through that person, we really felt it.”

The latest news was when they found out that there’s a cure now for SMA and it is FDA approved in the United States. They are just waiting to be able to receive the treatment.

Sancho engages in water and physical therapies to strengthen his muscles and improve his power motor skills. Hopefully this will help him learn to do things on his own such as dress up and brush his teeth. Yet despite these physical hurdles, Sancho has shown remarkable intellect and maturity, which is uncommon for his age.

According to his mother, “kasama sa condition ni Sancho na he is very cognitively advanced. So at 9 months, he was speaking. I mean it’s unbelievable. Minsan inaaral nga siya ng mga team of doctors kasi they’d never heard a child na parang talk that way. Saka ‘yung knowledge niya, parang in such an early age, parang sobrang deep.”



SINGAPORE SINGING IDOL SA BIYAHENG LANGIT

$
0
0

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa’y samahan niyo kaming bisitahin sila, ito po si Pareng Rey, kasama ang ating Kasanggang si JR Langit binisita namin ang kalapit na Bansang Singapore. Isang Pilipino ang aming nakilala sa Singapore, kakaiba ang kanyang estilo, ginagawa niyang umaga ang gabi at gabi ang umaga upang harapin ang mga challenges ng kanyang pakikipag sapalaran sa ibang Bansa. “Aside from a doing my day to day job as an architect, in the evening I’m a singer and a performer.”

ARCHITECT SINGING IDOL

Kinapanayam namin si Robert Sunga na napanood nitong nakalipas na Biyernes sa aming Biyaheng Langit sa PTV4 ng alas dies ng gabi. Si Robert ay isang professional landscape architect at kilalang mang aawit on the side. Katunayan nakasali siya sa top 4, ng sikat na singing contest sa Singapore. Siya ay napapanood sa telebisyon bilang Singing idol. Landscape architect by profession, at ngayo’y matagumpay na namumuhay sa Singapore. Narito ang kwento ni Robert Sunga.

Robert: I was the top 4 in that show, it’s actually a local talent show here in Singapore and it was shown on TV. It’s like American idol where you have to vote. Just to break free from what I normally do every day because architecture and or designing is a really very stressful job so you need some outlet. I always make it a point na as a part time I can actually sing and perform.

Dalawang buhay ang ginagampanan ni Robert sa Singapore, isa bilang mang-aawit, pangalawa, bilang arkitekto. Ang mga trabahong ito ginagawa niya hindi lamang para magsakripisyo, kundi upang punuan ang mga pangarap na siyang bumubuo sa kanyang pagkatao.

JR Langit: Ano ang very recent project na ginawa mo bilang Architect?

Robert: I just currently finished a project in Middle East somewhere in Deira so it’s a waterfront development, I also did the landscape for Resorts World Hard Rock Hotel.

Binansagang Landscape Architect sa umaga, iniidolong Singer sa gabi. Tubong Calumpit Bulacan si Robert Sunga, isang licensed architect sa Pilipinas.

Robert: after graduating from Bulacan State University as an architect, I took up architecture. After passing my board exam, I think it was 2002, I just worked for about a year sa Philippines. I came here as a tourist and then I was just walking by. Uso pa kasi noon yung for hire naka lagay sa window of an interior design shop. I was walking along there, tinry ko lang if I can actually get a job. Noong pag pasok ko di ko alam interview na pala yun. I got in the next day. They told me to bring all my papers and then they would hire me as an assistant interior designer.

DREAM AND CHALLENGES

JR Langit: Ever since dream mo na talaga ang mag trabaho sa abroad?

Robert: I think it’s always been my dream. I don’t see myself working sa Pilipinas na cause syempre yung lahat ng mga bagong graduate nun mataas yung aspirations. Sabi ko maybe I should challenge myself more and go to Singapore and try something new. I want to be exposed to international projects, doing different projects all around the globe. That’s why I decided to go to Singapore.

Sa ngayon mahigit labing limang taon na siyang nagtatrabaho sa Singapore bilang arkitekto.

JR Langit: Dito sa Singapore marami ka na bang nagawang design?

Robert: In Singapore, and some condominiums as well medyo marami na rin so it’s just that I’m very blessed to be able to get the opportunity to design. Hopefully someday we I use my experience to help din sa atin sa bansa.

PILIPINAS PA RIN!

Bagamat matagal na si Robert sa labas ng bansa, aniya, nais pa rin niyang bumalik sa Pilipinas at dito mag retire.

Robert: Hopefully, we will always go back to where we came from. Syempre mahal ko yung Pilipinas so when I grow, old hindi na makapag work, I hope to teach in my university. They always invited me to like share some experiences here.

REY LANGIT: Papaano kapag may nag offer sayo sa Pilipinas na mas lucrative?

Robert: Pwede naman po para atleast mas malapit sa family.

JR Langit: Sa atin sa Philippines, mayroon na rin bang na design ang company nyo?

Robert: Yes we do have the airport, yung Naia 2 ata or 1 so yeah, and then Resorts World Manila.

ROBERT EARNINGS

JR Langit: kumusta naman Robert yung salary mo, yung kinikita dito?

Robert: So far ok naman. Siyempre mas magaan yung buhay if I have savings. Singapore has a system, since I’m a permanent resident, where get a percentage of your salary and it goes to your cpf which is the central provident fund. When you retire or let’s say you want to go back and renounce your permanent residency, you can actually get it. Malaking malaking bagay malaking tulong din.

JR Langit: Meron din bang masasabi mong parang discrimination, ano ba yung pagtingin ng mga Singaporean sa mga Pilipino dito sa Singapore?

Robert: for one it’s always been a fact na Filipinos are very hard workers. They really do appreciate the fact na meron tayong talent talaga. So they get talents from the Philippines because unang una sa lahat we can speak English. It’s one of the points that foreigners could actually work para mas maayos. In fact they really take care of Filipinos kasi were just here to work and ultimately they know that we are really magaling and dependable.

Bukod sa pagiging abala sa trabaho, isa sa libangan ni Robert ay ang umawit. Isang singing contest ang sinalihan niya sa Singapore, ito ang nagbukas ng maraming pinto sa kanyang singing career.

SINGAPORE IDOL’S TOP 4

Mapalad siyang umabot ng top 4, sapagkat lahat ng kalaban niya dito ay mga lokal na Singaporeans.

JR Langit: Anong song yung nilaban mo dun sa contest?

Robert: Marami. It’s every week and it’s like Singapore idol or American idol. You have a genre. I think the one that I really like performing was Superstar by Karen Carpenter. We have to remash the old to new. After the show I met a lot of musicians. They asked me, “Do you want to form a band or do you want to join us? Do you want to try out?” That’s how I actually ventured into singing here in Singapore.

50/50 SA CAREER

JR Langit: Ano ang mas mahal mo? Ang pag kanta o pagde design mo ng mga landscapes?

Robert: 50/50, pero siguro I think it’s always been singing. It’s the first love. Both of my parents are into music, I mean they’re both in a choir. That’s why I got the exposure to music from my parents.

Sinaksihan namin ang kanyang pag-Awit. Pinakingan ang kanyang tinig at pinanood ang kanyang estilo. Hindi ordinaryo ang kanyang talento sa pag awit.

Robert: Thank you po. At im glad that you guys enjoyed it. It’s a just to you know just to break free from what I normally do every day because you know architecture and or designing is really very stressful job so you need some outlet to of course being Pinoy syempre nasa atin yung puso ng musika so I always make it a point na on a spare time or you know as a part time I can actually sing and perform.

ATTRIBUTION OF SUCCESS

JR Langit: Kanino mo maa attribute ang sikreto ng tagumpay mo rito sa Singapore?

Robert: Sikreto ng tagumpay siguro yung pananampalataya sa Diyos, believing in yourself snd syempre hardwork din. You have to put effort in everything that you’re doing.

JR Langit: Ano yung masasabi mong nabago na sa buhay mo ngayon na successful kana dyan sa kinatatayuan mo?

Robert: I think success is not measured by what we have but when you’re happy. I think I’m more confident. I have a lot of experiences maybe in singing or in the day job.

MEANINGFUL ADVICE

JR Langit: Ano yung pwede mong ibigay na advice sa mga Pilipino na gusto ring subukang makipagsapalaran dito sa Singapore?

Robert: Kailangan know your craft. Nowadays other countries are more advanced than us, so for my profession, you have to be at par, on their level. You need a lot of experience, have the guts, and of course syempre lakas ng loob. Mahirap din ang malayo sa family.

Dalawang buhay ang ginagampanan ni Robert sa Singapore, isa bilang mang-aawit, pangalawa, bilang arkitekto. Ang mga trabahong ito ginagawa niya hindi lamang para magsakripisyo, kundi upang punuan ang mga pangarap na siyang bumubuo sa kanyang pagkatao. Hanggang sa susunod na paglilibot namin siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming “BIYAHENG LANGIT.”

ISTORYA SA LIKOD NG KAMATAYAN NI ISNILON HAPILON

$
0
0

Maraming pinagdaraanang personal ang ating mga sundalo na hindi natin alam. Kung paano naging mas matamis ang tagumpay sa Marawi City, ito ang aming ibabahagi sa inyo sa aming palatuntunang pang television, “Kasangga Mo Ang Langit” na napapanood tuwing Biyernes sa PTV4, alas diyes (10 pm) ng gabi. Aming isinakatuparan ang pananaliksik upang maihatid sa inyo ang kakaibang istorya ng isang sundalo na nakihamok sa mga kalaban sa Marawi, habang kasabayang nahaharap rin sa panganib ang kanyang anak dahil sa malubhang karamdaman.

NARRATIVE

Kinapanayam ng Kasangga team si Capt. Monroe Bongyad na isang miyembro 7th Scout Ranger Company. Dito naranasan niya ang hirap sa giyera sa Marawi at hirap ng kalooban dahil sa naiwan nyang pamilya, lalo na ang kasisilang na anak. Habang nakikipag palitan ng putok sa Marawi, hindi maalis sa isip ni Captain Bongyad ang kalagayan ng anak na tatlong taon din nilang inantay mag asawa bago dumating sa kanilang buhay. Kilalanin natin ang isa sa mga bayani ng Marawi siege at ang kanyang kuwento.

Capt. Monroe: Nag-aagaw buhay yung baby ko, pero dahil ako ay nasa Marawi during operation, wala ako dun sa tabi ng baby ko. Isa pa hong karangalan sa amin na nakakataba ng puso na mag trabaho. Karamihan po sa amin ay may mga personal problems din. Pero dahil sa tawag ng tungkulin, ay nandoon kami sa Marawi.

CONCEALMENT

JR Langit: Hindi na nyo pinaalam sa inyong Mrs. na naroon kayo sa frontline ng bakbakan.

Capt. Monroe: Hindi ko na po pinaalam. Pagkaalam nya ay nasa Basilan ako. Kada hapon kasi pinu-pull out kami sa likod formation planning at saka briefing ng battalion commander namin. So lahat ng CO nandun kami sa likod. Hindi mo masyado marinig kung may pumuputok dun

JR Langit: Tuwing anong oras yung tawag nyo sa kanya.

Capt. Monroe: Nakakatawag ako. Pag tumatawag naman sya, paminsan sa umaga, o kung minsan hapon na at on going yung operation namin. Masakit man sa loob ko eh papatayin ko yung tawag. Itetext ko nalang siya na busy pa ako at may conference. Masakit man sa loob hindi mag sabi ng totoo pero kailangan eh. Ayokong mahati yung atensyon ng wife ko sa bata. Ang nakaka alam lang po ay yung sister nya. Siya lang yung pinaalaman ko lagi.

At dahil ubos na rin lahat ng kanilang ipon, naglakas loob na si Captain Bongyad na dumulog sa PCSO. Dahil sa pangangailangan pinilit, niyang maabot ang Phil Charity Sweepstakes Office sa pamamagitan ng Facebook messenger. Sadyang hinanap niya si GM Balutan na isa ring dating opisyal ng Sandataang Lakas ng Pilipinas.

REMINISCENCE

Capt. Monroe: Siya yung assistant commandant namin sa PMA noong kadete pa kami. Kilala ko man yung personality nya. Mabait, so hindi na ako nag hesitate na mag message. Kinuha nya yung details at pinapunta nya yung wife ko. So yun hiningan ako ng instruction ni Sir Alex na papuntahin yung wife ko sa office, at siya ang bahala. At that time nasa marawi ako. On-going yung operation so tinawagan ko ang wife ko. Hindi ko en-expect na yung buong expenses pala ng namin sa ospital ay sasagutin na ng PCSO. Laki ng tuwa ko noon, medyo maluha na rin kahit paano dahil hindi ako makauwi pero nandun yung PCSO para alalayan yung family ko.

JR Langit: Ano po ba ang naging karamdaman ng bata?

Capt. Monroe: May problema siya sa internal organs nya, intestinal malrotation. Parang buhul-buhol yung bituka nya at barado ang paglabas. Bawal siyang mag take ng milk so dumaan siya sa dextrose. Kailangan siya ma-operahan.

LIFE AND DEATH DILEMMA

JR Langit: So noong hindi na makaya sa probinsiya doon na kayo nag decide na dalhin sa Manila.

Capt. Monroe: Nag decide kami na dalhin sa Manila kasi mas maraming espesyalista sa Maynila. Dahil sa pinagdaanan namin nag stop po yung wife ko ng 5 months sa trabaho as dentist. Wala po syang income. Lahat ng ipon ko naibuhos ko na po sa operation. Nakapag loan na rin ako at yun ang naging problema namin financially.

Naging mabilis naman ang pagkilos ng PCSO sa kaso ni Captain Bongyad. Tiniyak ni GM Balutan na walang pinipiling kulay o pulitika ang PCSO pagdating sa pagtulong sa mga nangangailangan. Para kay PCSO General Manager Alexander Balutan, binigyan nya ng ispesyal na atensyon ang kaso ni Captain Bongyad matapos mapag alamang kasalukuyan itong nakikipag laban sa Marawi City.

Kinapanayam namin si PCSO General Manager Alexander Balutan.

DIVINE INTERVENTION

JR Langit: GM paki kwento po samin kung papaano nyo po nakilala si Captain Monroe Bongyad?

GM Balutan: JR, sa katunayan nahagip ko lang yan sa messenger ng Facebook. Alanganin na ng oras ng gabi habang namamahinga ako ay nabuksan ko yung messenger ko at merong napakahabang message sa akin. I know na pagkita ko palang ay emergency ito.

Hindi nag atubili si GM Balutan na sagutin ng PCSO ang lahat ng gastos sa operasyon ng anak ni Captain Bongyad ng malaman niya ang situwasyon.

JR Langit: Maluha-luha po siya noong kinikwento nya sa amin yung pagtulong po ninyo at ng PCSO. At hindi nya ine-expect po na sasagutin po lahat ng PCSO ang naging operation po ng anak po nya.

PROVIDENTIAL

GM Balutan: Ang maganda pong istorya nito ay habang nagpapalitan kami ng kwento sa Facebook, ina-asure ko siya na tutulungan namin sya. Na dapat magfocus na muna siya sa front line. Malungkot dyan at pati yung mga kasamahan madadamay because of a lack of concentration and focus. I’ve been in Mindanao for 20 years I’ve been in Marawi for 2 years. I know the feeling of a father-soldier. Kung mawala siya, pati yung bata, I cannot imagine the trauma ng balita dun sa asawa. Ang nawalan ng mister at ng anak – hindi ko kayang konsensyahin yun so bilang dati nyang instructor, as assistant commandant sa PMA, siguro naging palagay yung loob nya na lumapit sa akin bilang isang senior officer ng Armed forces sa PMA.

Ang pagbabakasakali ni Capt. Bongyad ay hindi niya akalain na magbubunga ng maganda.

FRUIT OF GOOD SPIRIT

GM Balutan: Lahat ng tao tinutulungan natin. Ang pag tulong sa ating mga kababayan ay walang kulay, walang dilaw, walang asul, walang pula, walang itim, basta Pilipino kayom tutulungan kayo ng PCSO. Wala ring mayaman at mahirap dahil pagkatinamaan ka ng matinding sakit, lalo na yung tintawag natin na cancer, kahit mayaman ka ay made-drain ka sa pondo. Meron kaming kina-classify from A to F. A ay medyo 40-50% ang makukuha, kung category F ka eh indigent ka at maaaring 100% ang maibigay na tulong sa iyo ng PCSO. Ang fund generation naman namin ay lumawak na rin. Noong inabutan namin last year, ang PCSO ay kumikita lamang ng 37.4 billion. Lahat ng earnings nya mula lotto, sweepstakes and STL. When we were appointed by the President last 13th ng September, napaakyat agad namin at na isara namin yung kita ng PCSO last year 2016 ng 41B. Now we are targeting 50 billion pesos by the end of 2017.

Hindi naman naiwasan ni Captain Bongyad ang maging emosyonal habang nagpapasalamat sa mga nakatulong sa kanila.

EXPRESSION OF GRATITUDE

Capt. Monroe: Unang-una nagpapasalamat ako na natapos yung Marawi, buhay ako at naging matagumpay yung aming misyon. Nagpapasalamat din ako at buhay ang anak ko. Papasalamat ako na marami palang tao na tutulong sa iyo sa gitna ng mga problema – tulad ni Sir Balutan, si Ma’am Josephine Rodilla, Mayor ng Lamitan, mga nakikilala ko lang, nakakasama sa trabaho, mga officers, mga upper class ko sa PMA, yung commander namin, at yung battalion commander namin. Naging magaan yung problema kasi nandyan sila.


STORY BEHIND ISNILON HAPILON’S DEATH

Nung tanungin ni Captain Bongyad si GM Balutan kung paano ito makakaganti ng utang na loob, sinabi ni GM na ulo ni Maute leader Isnilon Hapilon ang nais nyang regalo.

Sineryoso ito ni Captain Monroe Bongyad at makaraan lamang ang ilang araw, isang larawan ng Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon ang ipinadala ni Captain Bongyad. Ipinakita sa amin ni GM Balutan ang text message na ito ni Captain Bongyad at ang larawan ng patay, na naka handusay na si Isnilon Hapilon at mga katagang “Sir, mission accomplished!”

SUMMATION

Kasabay ng tagumpay sa giyera sa Marawi ang tagumpay ring nararamdaman ng pamilya Bongyad sa maganda nang kalagayan ng kanilang anak. Kaakibat ng pagiging isang sundalo ang panganib sa kanyang trabaho kayat tanggap na nila ito kapag sumasabak sa giyera.

Sa kanilang pakikipag laban, hindi lamang ang sarili nilang buhay ang kanilang itinataya. Kaya naman suporta at hindi panghuhusga ang pinakamainam nating magagawa para sa kanila na nahaharap sa ganitong mga pag subok.

Abangan at panoorin ang Part 1 ng istorya at aksyon sa Marawi ni Capt. Monroe Bongyad sa Biyernes ng alas diyes ng gabi sa PTV ang “KASANGGA MO ANG LANGIT”

LIFE AND DEATH AND THE STORY OF ISNILON HAPILON’S DEATH

$
0
0

Our soldiers face countless, silent trials. This is the story of Capt. Monroe Bongyad, a member of the 7th Scout Ranger Company and how the victory of Isnilon Hapilon’s death became sweeter.

While Capt. Monroe was in the field, his mind was with his wife and his newborn baby. He couldn’t tell his wife that he has been assigned to the war front. He didn’t want her attention to be divided between their child and his well-being. It was important that she focus on their baby. His child was born with a complication, intestinal malrotation. It meant that the baby’s intestines are twisted and was causing blockages. His child couldn’t take any milk and after several visits to the provincial hospital, this started to drain what meager savings they had. The baby had to be operated soon. His wife and child had to seek medical treatment in Manila, since hospitals in the cities were more equipped to handle this delicate operation.

Capt. Monroe decided to seek help from Phil Charity Sweepstakes Office (PCSO) regarding his situation. He looked up PCSO General Manager Alexander Balutan, a former officer of Sandataang Lakas ng Pilipinas from the Phlippine Military Academy, and contacted the man through Facebook messenger. He wasn’t sure if the man would answer his request and when he got an answer, it was a blessing sent from heaven. He didn’t expect that PCSO would shoulder all of their expenses. He was teary eyed as he received the details that he later on forwarded to his wife.

GM Balutan assured Capt. Monroe of his assistance. After all, according to GM Balutan, “Sa katunayan nahagip ko lang yan sa messenger ng Facebook. Alanganin na ng oras ng gabi habang namamahinga ako ay nabuksan ko yung messenger ko at merong napakahabang message sa akin. I know na pagkita ko palang ay emergency ito. Walang pinipiling kulay o pulitika ang PCSO pagdating sa pagtulong sa mga nangangailangan.” He told the captain to put his mind at ease and concentrate on his situation at the war front, “Dapat magfocus na muna siya sa front line. Malungkot dyan at pati yung mga kasamahan madadamay because of a lack of concentration and focus. I’ve been in Mindanao for 20 years I’ve been in Marawi for 2 years. I know the feeling of a father-soldier. Kung mawala siya, pati yung bata, I cannot imagine the trauma ng balita dun sa asawa. Ang nawalan ng mister at ng anak – hindi ko kayang konsensyahin yun so bilang dati nyang instructor, as assistant commandant sa PMA, siguro naging palagay yung loob nya na lumapit sa akin bilang isang senior officer ng Armed forces sa PMA.”

Capt. Monroe was beside himself with gratitude, asking how he could repay such kindness, GM Balutan replied that he can do so with Isnilon Hapsilon’s death. After a few days, the Captain sent a photo of the Abu Sayyaf leader’s head, along with the message – “Sir, mission accomplished!”

DENGUE at MALARIA

$
0
0

DENGVAXIA

Muling nabuhay ang usaping Dengue makalipas magbigay nang pahayag ang Sanofi Pasteur, ang kumpanyang gumagawa ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia. Ayon sa Global Medical Head nang Sanofi na si Dr. Su-Peng Ng: “We are working with health authorities to ensure that prescribers, vaccinators and patients are fully informed of the new findings, with the goal of enhancing the impact of Dengvaxia in dengue-endemic countries.”

Ito ay puspusan naming tinalakay sa aming “Insider Exclusive” na TV at Radio Program sa PTV at DzRJ. Sina Dr Antonio Dans, President ng Philippine Society of General Internal Medicine. At Dra. Inday Dans ng UP College of Medicine ang aming naging resource persons.

BACKGROUND

Labing isang bansa ang nag-approved na mai-release ang vaccine na ito sa kanilang merkado sa pamamagitan nang mga drug stores, nguni’t ang Pilipinas lang ang nagsa-katuparan ng mass imunization sa mahigit na 700,000 na mga estudyante. Ang bansang Brazil at Malaysia ay nagsimula na, bagamat di kalaunan ay umatras sa mass imunization sa kabataan, edad 9yrs old pataas dahil wala pang pruweba na subok na ang Dengvaxia. Bagama’t mahalaga ang ginawang pagtatapat ngayon at pag amin sa publiko nang Sanofi Pasteur na sa mga hindi pa nagkaroon o not previously infected by dengue virus, ayon sa analysis ay maaaring makaranas nang severe disease infection kung sila ay naturukan ng Dengvaxia.

NEGATIVE REACTION

Ngunit ang reaction naman ng mamamayan, bakit ngayon lang, makalipas na maturukan na ang maraming mga bata na hindi pa dinadapuan ng Dengue.

Masakit mang pakingan ang mga katagang guinea pig, ngunit ganito ang nangyari sa ating mga estudyante. Sila ang nagamit sa experemento o testing sa Dengvaxia na wala pang pruweba. Hindi natin puweding pakipagsapalaran ang buhay nang tao. Papaano kung totoong ang mga bata na unang nabalita na nagkasakit at namatay ay may kinalaman pala sa Dengvaxia. Bagamat wala pang malalimang pag sisiyasat na ginawa sa mga insidenting ito. Sino-sino ngayon ang responsable?   Kanino accountability ang mga ito?

FLASH BACK

Ang ating Kasanggang JR Langit na ating co-host sa “Kassangga Mo Ang Langit at Biyaheng Langit” ng PTV tuwing biernes ng Alas Diyes ng gabi ay tinamaan na rin noon ng severe infection ng Dengue, minsan nang nabingit ang kanyang buhay kaya alam ko kung gaano kadilikado ito, dahil pinagdaanan na namin.

Bumagsak ang kanyang blood platelet at biglaang nangailangan nang siyam na bags ng dugo. Sa dami ng mga tinatamaan ng Dengue nang panahong yon, naubusan ng supply ang Makati Medical Center, hindi naging sapat ang dugo na kinuha mula sa akin upang isalin kay JR. Malaki ang naitulong sa amin ng ating Kasundaluhan-AFP upang mailigtas ang buhay ng aking anak na si JR Langit sa pamamagitan ni dating AFP Chief of Staff General Diomedio Villanueva. Sumugod sa hospital at nag donate ng kanilang mga dugo ang mga sundalo. Ang sumobrang dugo na naidonate kay Jr Langit ng mga Sundalo ay amin namang dinonate sa Makati Med upang pakinabangan ng iba pang pasyente na tinamaan din ng Dengue at nangangailangan ng agarang dugo.

PUBLIC HEALTH EXPERT

Sa ginawa nating pakikipanayam sa Kasangga Program ng DzRJ, ayon pa kay Public Health expert Dra. Susan Pineda Mercado na batay sa abiso ng manufacturer ng Dengvaxia na Sanofi Pasteur ay sa mga hindi pa nagkaka-dengue posibleng magkaroon ng masamang epekto sa katawan, “may be potentially harmful when administered to individuals not previously infected with dengue.”

Sa inilabas na kautusan ng Food And Drugs Administration (FDA), nakasaad dito na ipinatitigil na ang pagbebenta sa nasabing vaccine. Nais rin ng FDA na magsagawa ang Sanofi ng information discimination hinggil sa epekto ng Dengvaxia. Nagbukas na rin ng hotline ang Department of Health o DOH para sa mga sumbong hinggil sa naging epekto ng anti-dengue vaccine na dengvaxia sa mga wala pang dengue subalit naturukan na nito. Maaaring tumawag sa kanilang hotline na 711-1001 at 711-1002.

Payo pa ng public Health expert sa mga magulang ng mga batang nabakunahan na ng Dengvaxia ay huwag mag-panic dahil tinutugunan na ng gobyerno ang usaping ito. Nanawagan rin ang ahensya ng gobyerno sa mga experto na tumulong sa survielance sa mga taong nabakunahan upang mamonitor ang epekto ng vaccine.

THROWBACK

Samantala, labing dalawang taon na rin ang mabilis na lumipas mula ng mamaalam ang ating mahal na Anak at Kasanggang si Reyster Langit. Matarik, madulas at masukal na bundok ang tinahak ng KMAL team bago natunton ang pakay na tribo ng Tao’t Bato. Ang kanyang ginawang documentary ang nagbukas ng kamalayan sa sakit na malaria na kumikitil sa buhay ng mga katutubong Tao’t bato sa Singnapan, Palawan.

Ang kumikitil sa mga bata na “Cerebral Malaria” ay siya ring kumitil kay  Reyster, sa kanyang cameraman, at local reporter ng Palawan na kanyang nakasama sa Singnapan. Sa ngayon ay laganap pa rin sa Pilipinas ang Malaria at ito ay isa nang endemic, na ibig sabihin ay hindi nawawala. Patuloy na pag aaral ang ginagawa at pananaliksik sa ibang Bansa na may kahalintulad na advocacy at paghahanap ng sulusyon sa pagsugpo sa lamok na tinatawag na anopheles na nagdadala ng parasitikong plasmodium.

 

MALARIA’S CHARACTERISTICS

Kung ang mga Lamok na nagdadala ng Dengue ay namumungad sa maruming kapaligiran at sa mga siudad kadalasan, ito ang kabaligtaran ng Malaria.

Ang gusto ng mosquito carrying Malaria ay malinis na kapaligiran, mayabong na Puno, malamig na simoy ng hangin, malinis na tubig sa batis, kadalasan sa kabundukan. Madalas sa gabi sumasalakay.

Ang alcohol sa katawan ay sinasabing nagsisilbing panlaban ng mga may edad sa kabundukan. Sila na mahilig sa pag inom ng alak ay nilalayuan ng lamok kaya kadalasan ay mga bata ang tinatamaan ng Malaria.

Ang mga nakakagat ng lamok na tinatamaan ng Malaria kadalasan hindi nila alam. Makalipas lamang ng labing limang araw (15days) na incubation period sa katawan ng biktima bago magmanifest sa iyong katawan ang mga palatandaan na may Malaria kana. Mabilis ang paglaganap ng millions parasite sa iyong katawan, ang iyong ibat ibang organs sa katawan ang inaatake nito. Laluna kapag humina ang iyong immune system dito mabilis mag-manifest ang malaria.

Hindi kaman mamatay sa mild na Malaria na tumama sa iyo, ito ay mananatili naman sa katawan ng mahabang panahon o kadalasan habang buhay.

ADVOCACY

Hangang sa huling yugto ng buhay ni Reyster ay isang misyon parin ang kanyang ginampanan, na syang nagpamulat ng ating kamalayan na mayroon palang mga katutubo sa Singnapan, Rizal Palawan na nangangailangan ng tulong at kalinga ng Pamahalaan at ng ating lipunan.

Si Reyster ay tumangap ng isang napakahalagang parangal at pagkilala, ang “CMMA SERVIAM Award” for serving God and the Filipino people by promoting human values through mass media. Ito ay isang Jaime Cardinal Sin Award for outstanding service to mankind.

Patuloy ang out reach program ng Kasangga Mo Ang Langit Foundation. Ito ang paraan ng aming pagkilala sa kanyang magagandang nagawa na nag sisilbing inspirasyon namin sa lahat ng mga pag subok at hamon sa buhay.

Ang Kasabihan…

“Death leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.”

LIGHT MOMENTS WITH THE PRESIDENT

$
0
0

THE INVITE

Inanyayahan tayo ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dumalo sa salu-salo ng media sa Davao City nitong nakalipas na Biyernes, Dec.15, 2017. Sa pamamagitan ni Secretary Bong Go mabilis na nakarating sa amin ni JR Langit ang paanyaya ng Pangulo upang maging bahagi sa Christmas Party ng mga mamamahayag ng Mindanao.

THE ONE ON ONE

Nakasabay namin sa eroplano si Spokesperson Sec. Harry Roque at naging productive ang dalawang oras na biyahe namin patungong Davao City. Bagamat hindi naging smooth ang aming paglipad dahil sa paminsan minsang turbulence na aming naranasan, hindi naman nag paawat ang Kasangga Team upang isakatuparan ang one-on-one interview kay Sec. Harry.

Maraming exclusive na istorya ang naibahagi sa amin ni Sec. Harry Roque na hangad naman naming ibahagi sa inyo sa aming Palatuntunang “Kasangga Mo Ang Langit” ng PTV4, Biyernes ng alas diyes ng gabi. At sa Kasangga Mo Ang Langit radio, 10am sa DZRJ 810 khz.

Nakarating kami sa venue sa Davao City na nag sasalita na ang Pangulong Rodrigo Duterte sa micropono at tulad nang nakasanayan na, ito’y walang script. Personal na ibinahagi ng Pangulo ang kanyang nakalipas na mga karanasan bago pa pumasok sa Pulitika. Karamihan sa mga dumalo ay media practitioners ng Mindanao Print and Broadcast. Mga malalapit na kaibigan ng Pangulo na taga Davao, walang national at local government officials, katunayan kami lang ni JR Langit ang mula sa National Media.

THE ANNOUNCEMENT

Makalipas mag talumpati at bumaba ng stage ang Pangulo ay doon na lamang kami lumapit sa harap upang siya’y batiin. Ngunit ng makita niya kami ay muling pinatigil ang MC, pinakuha ang microphone umakyat sa stage at muli siyang bumalik sa podium at nag announce:

Pres. Duterte: “Naririto ang aking matagal nang matalik na kaibigan na magiging senator na si Rey Langit and his son, JR. Kasama si Harry Roque. Papag salitain muna natin.

OUR MESSAGES

Na unang nagsalita si Sec. Harry, at ibinahagi niya ang kanyang pamaskong mensahe. At sa aking pag sasalita ibinahagi ko naman ang personal na experience nang aming pamilya kay Pangulong Duterte. Kung papaano napalapit at naging mag kaibigan si Mayor Digong at ang yumao kong anak na si Reyster. Ang pagiging magka-klase nina Reyster at Sec. Bong Go mula grade school hangang high school sa LaSalle Greenhills ang isa sa naging daan upang mapalapit si Reyster kay Digong.

Noon pa man na wala pang balak na pumasok sa national politics si Mayor ay na predict na ni Reyster na magiging Pangulo ng Bansa ang isang Mayor Rodrigo Roa Duterte. Maka ilang beses na na-share sa amin ito ni Reyster nang nabubuhay pa ito, maging sa nakababata niyang kapatid na si JR Langit. Kaya nga takang taka si Mayor sa naging prediction na ito ni Reyter, at ito ang nasabi niyang isang destiny.

Naibahagi ko sa aking mensahe sa pagtitipong ito kung papaano pinadama ni Mayor Digong ang kanyang pagiging isang tunay na kaibigan, ang unang government official na dumating sa amin upang maki-isa sa aming kalungkutan.

Pres. Duterte: “Rey please don’t mind me, entertain your visitors, I will just stay in that corner, I will reflect and pray for Reyster.”

THE SPECIAL GIFT

Isang special gift para kay Pres. Duterte ang aming ibinigay ni JR Langit, isang hand made na men’s leather bag kaloob ng mga persons with disability mula sa HARL group ng Laguna. Natuwa ang Pangulong Duterte sa handcrafted na men’s bag na ito na pinakiusap na ating bitbitin at ipag kaloob sa ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mula sa kanyang mga taga hanga na may kapansanan. Sa aming kahilingan nagparinig ang Pangulong Duterte ng ilan sa kanyang mga paburitong awitin, tulad ng “Ikaw.” Tayo ay inanyayahan ring umawit at sumayaw.

Hindi natapos ang aming gabi sa media party. Na anyayahan kami na samahan ang Pangulo upang bisitahin ang tinatawag na “Panacañang of the South”. Bago itong renovated. Nag lakad kami ng ilang minuto lang sa kalapit na gusali.

THE STORY TELLING AND MEMORIES

Habang nag iikot sa gusali nasabi niya na magandang i-display dito ay ang paintings o larawan ng mga kinikilalang bayani ng Mindanao, tulad nina Lapu Lapu at Francisco Dagohoy. Ibinahagi niya ang kuwento at background ng mga ito. Naibahagi ko rin sa kabilang banda sa Pangulo ang istorya ni Magellan na aming natuklasan ng kami ay mag-Biyaheng Langit sa Lisbon Portugal kung paano ibinebenta ni Magellan (isang Portuguese) ang kanyang mga paglalayag sa kalapit na bansang Spain upang kumita.

Lumawak ang aming pag uusap ng Pangulong Duterte, napunta ang usapan sa Presidential debate noong 2016, ang suporta ng China sa Pilipinas, ang relasyon ng Tokyo, Japan at Pilipinas, ang pautang ng Tokyo para sa Subway Phase 1 sa Edsa, ang aking exclusive na ginawang pakikipanayam noon kay dating US President Obama, ang usapin ng Federalism, at iba pa.

Nagbalik tanaw din kami sa pag bisita ko sa kanya sa isang maliit na tinutuluyan niya noon ng siya’y Mayor pa lamang. Nang gumamit ako ng CR sa loob ng kaisa-isa niyang maliit na silid at 1st first time ako na makakita ng “unique na carpet” na hindi ko kayang tapakan, kung bakit? Ako na lamang at si Digong ang nakakaalam. Naging tema rin ng usapan kung bakit siya na punta sa isang maliit na bungalow na yon, at ang sagot niya noon sa akin ay, “Pinalayas ako ng aking misis! ”

Nag tawanan kami, sabi pa nga niya. “Totoo naman yon.” Ilan lamang ito sa napakarami naming tema na napag usapan. Mga memories na mahirap malimutan.

THE DISRUPTION

Samantala nag simula nang mag ingay ang mga kababaehan (senior citizens) na malalapit sa kanya, umawit from a distance upang maputol na ang aming usapan. Lingid sa aming kaalaman inip na inip na pala ang mga personal friends ng Pangulo at upang maputol na ang aming walang katapusang kuwentuhan.

Natigil ang aming kuwentuhan dahil sa pag awit nila ng desintunadong, “Thank you, thank you, ang babait ninyo, Thank you.”

Parang nag-sisimula pa lamang kami sa kwentuhan ng Pangulong Digong, alas-kuwatro (4am) na pala ng madaling araw.

STORY TELLING AND MEMORIES WITH THE PRESIDENT

$
0
0

Last Friday, Dec. 15, we were invited by President Rodrigo Roa Duterte to a Christmas party for media people in Davao City. He coursed the invitation through Secretary Bong Go. Spokesperson Sec. Harry Roque rode with us in the 2-hour plane ride to Davao City. Despite the turbulence we encountered, the Kasangga Team wasted no time in conducting a one-on-one interview with the Secretary.

When we reached the venue, the President was in the middle of an extemporaneous speech. He talked about his experiences before he entered politics. Most of the guests were media practitioners of Mindanao Print and Broadcast. Some of the President’s close friends from Davao were there. In fact only JR Langit and I were the only ones from national media.

After his speech we proceeded to greet the President. But when he saw us, he went back on stage and announced our presence, “Naririto ang aking matagal nang matalik na kaibigan na magiging senator na si Rey Langit and his son, JR. Kasama si Harry Roque. Papag salitain muna natin.” Spokesperson Sec. Harry Roque gave his Christmas message while I regaled the crowd on how we became friends of the family. It was my son, the late Reyster Langit who predicted that the mayor would one day be the president of the Philippines. My son was also Sec. Bong Go’s classmate from grade school till high school back in LaSalle Greenhills. When Reyster passed away, the mayor was the first government official who consoled us in our grief. He travelled all the way from Davao City the moment he found out about it. He humbly told us, “Rey please don’t mind me, entertain your visitors, I will just stay in that corner, I will reflect and pray for Reyster.”

JR and I gave President Duterte a handmade men’s leather bag, created by HARL. A group of people with disabilities based in Laguna. The President was touched by the gesture.

Of course the night wouldn’t be complete without some music. The President sang a few songs for the crowd and invited us to sing and dance along to the music. Before the night ended, we were invited to visit Panacañang of the South, which was a few minutes away from the venue. It was newly renovated.

The President gave us a personal tour of the place. He planned to put up paintings of Mindanao heroes on its walls such as Lapu-Lapu and Francisco Dagohoy. After he gave us the story of each hero, I also informed the President an anecdote regarding Magellan. Something we found out during our Biyaheng Langit segment at Lisbon Portugal. The discussion grew deeper and touched on the Presidential Debate of 2016, China’s support, and our relationship with Tokyo, Japan. He discussed Japan’s loans for the Phase 1 of the Edsa Subway, my exclusive with US President Obama, Federalism among other things.


He also remember how we visited him in his house back then when he was a Mayor. His residence was much smaller. When I used his CR inside his room, I saw a unique carpet that I couldn’t step on. As to why, that remains to be a secret that Digong and I share. He explained why he ended up living in that small house, “Pinalayas ako ng aking misis!” We laughed and he told us that it was true. This was among the topics we talked about. Memories that can’t be forgotten.

ONE ON ONE W/ THE PRESIDENT’S SPOKESPERSON

$
0
0

PILOT: “Ladies and gentlemen kindly keep your seatbelt fastened. We will be experiencing air turbulence.”

Hindi naging sagabal ang air turbulence sa aming pag lipad patungong Davao. At nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa aming naging talakayan ni Presidential spokesperson Harry Roque para sa aming “KASANGGA MO ANG LANGIT” TV program sa PTV tuwing Biernes, alas diyes ng gabi (10pm). Ilan sa aming napagusapan ang hingil sa issue ng Martial Law sa Mindanao, ang hingil sa rebellion at terrorismo, kung ano ang maaaring maging epekto rin nito sa 2018 Baranggay at SK election sa Mindanao.

VARIOUS ISSUES

Napag usapan rin namin ang mga isyung bumabalot sa bansa tulad ng Dengvaxia controversy, issue ng LTO car plates, ang base pay ng mga Government Uniformed Personnel. At ang hingil sa naging pahayag ni Joma Sison na open pa rin sila sa peace talks.

Rey Langit: Secretary, madako naman po tayo dito sa mukhang napaka gandang relasyon ng Metro Manila o ng Pilipinas at saka ng Tokyo. Parang nais ng umpisahan yung subway dito sa Metro Manila at mukhang ok na ok na po itong ah hundred four billion yen na initial na loan na binigay nitong Tokyo sa atin.

Sec. Roque: Tama po yan. Alam mo maganda dun sa Pilipinas at Tokyo pareho tayong maraming lindol at dahil dyan parang angkop yung teknolohiya ng Japan para sa subway sa Pilipinas. Marami kasing natatakot na kung subway, at kung lumindol, baka maguho yung subway system. Pero sa Japan naman o sa dami ng kanilang earthquakes, hindi naman naguguho yung kanilang subway system. Yan po yung isang mabuting balita na inuwi namin sa Pilipinas nung pumunta po ng pangalawang beses ang ating pangulo sa Japan o sa Tokyo. Tuloy-tuloy na at naniniwala ako na itong subway ay isa sa solusyon dun sa matinding traffic problem natin sa Metro Manila.

SWS SURVEY

Rey Langit: Yung ipinalabas ng SWS na recent survey, positibo ang mga Pilipino na sa darating na taon 2018 ay gaganda ang kanilang buhay. Marahil secretary, dama na nila ang preparasyon ng mga proyektong ito na Build, Build, Build ng Duterte administration.

Sec. Roque: Talaga naman po may basehan ang bagong pag asa ng ating sambayanan. Unang-una napaka laki po ng pag lago ng ating ekonomiya. I sa na po tayo sa pinaka mabilis na pag lago noh of 6.9 so far ano ang inaasahan natin ay 6.5 lamang mas mataas pa ang ating paglago, mabilis keysa sa bansang China. Sa katunayan panglawa tayo noh sa buong daigdig pinaka mabilis na paglago ng ekonomiya at sasamahan mo panga ng Build, Build, Build sasamahan mo pa nung TRAIN ay talaga namang at saka yung kampanya ni Presidente laban sa korapsyon.


THE TAX REFORM LAW

Naikuwento ni Secretary Roque kung magkano ang inaasahang kikitain ng pamahalaan sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) para magamit sa Build, Build, Build.

Rey Langit: Secretary sa tax reform bill napaka ganda ng suporta ng kongresso bagamat merong mga agam-agam na while ang karamihan sa makikinabang dito ay mga ordinaryong manggagawa. Sa level ng dating hindi nag e-enjoy dahil halos malaki ang reduction sa kanilang yearly income at take home pay. Pero ang sinasabing adjustment naman daw nito sa goods at sa services, ipapatung sa excise tax. How true is this?

Sec. Roque: Well ito pong TRAIN na tinatawag natin ito po talaga ay importante sa Build, Build, Build program ito po yung nag re raise ng at least 120 billion para dun sa ating Build, Build, Build program. Binaba po yung mga halaga na hindi na kailangan magbayad ng buwis hanggang 250 thousand na ngayon at bagamat merong mga excise taxes sa petrolyo, sa asukal, sa pagbili ng kotse, sa tingin ko po in the long run yung Build, Build, Build magbubunga rin sa mas maraming trabaho at kabuhayan sa ating mga kababayan. Bagamat mas malaki yung indirect taxes na babayaran nila, ay yung pag pupuntahan naman ng indirect taxes para sa proyekto ang makikinabang rin ay yung taong bayan at habang tayo’y may proyektong ganyan ay nagkakaroon din ng pag lago ang ating ekonomiya dahilan para lumaki rin ang kita ng lahat ng mga Pilipino.

VETOED SOME PROVISIONS OF TRAIN

Samantala venitoed ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang bahagi ng unang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN). Ilan as mga na-vetoed ng Pangulo ay may kaugnayan sa pagbawas sa income tax rate ng empleyado ng Regional Headquarters, Regional Operating Headquarters, Offshore Banking Units, at Petroleum Service Contractors at subcontractors. Ang exemption sa percentage tax ng gross sale, resibo na hindi lalampas ng limang daang libo (P500,000.) At isa pa sa na-veto ng Pangulong Duterte ay ang exemption ng mga petroleum products mula excise tax gamit bilang input, feedstock o raw material sa pagawa nang petrochemical products, o pagre-refine ng petroleum products na bilang kapalit ng fuel para sa natural gas gamit sa power plants. Ang hiwalay na trato sa sales ng goods at services sa teretoryo ng customs na at sa tourism enterprise zones. Ang hingil sa incremental tobacco taxes.

Ang nilagdaang tax reform measures ng Pangulong Duterte ay mag kakabisa simula sa January 1, 2018.

MINDANAO’S MARTIAL LAW

At sa kabila ng pagpapalawig pa ng martial law sa Mindanao, tinitiyak ni Sec. Roque na walang dapat ipangamba dito ang mga mamamayan.

Sec Roque: Ako po ay naniniwala na sa talagang pusot damdamin ni presidente ay nais talaga nya magkaroon ng kapayapaan. Ang problema, habang nakipag usap kasi ng kapayapaan walang senseridad yung NPA. Atake ng atake ng kasundaluhan. Ipakita lang ni Joma Sison ng kanyang senseridad. Mag a-anebersaryo na – ano ba naman yung wag silang mag atake ng kasundaluhan at sabihin na maski walang suspension of military activities. Maraming paraan para iparating ang sinseridad kayang gawin yan ni Joma Sison kung gugustuhin nya.

PILOT’S INTERRUPTION

Hindi pa tapos ang aming talakayan ni Sec. Harry Roque-

PILOT: “Ladies and gentlemen, your captain speaking, we are now on our descent and preparation for landing.”

SUMMATION

Isang masaya at makabuluhang paglalakbay ang naganap sa Kasangga Team (with JR Langit) patungo sa Davao City upang tugunan ang paanyaya ng Pangulong Duterte.

Nakakataba ng puso na kahit isa na syang Pangulo, hindi nakakaligtaan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na personal na maanyayahan kami ni JR sa kanyang pag titipon at bigyan ng personal panahon upang sariwahin ang mga nakalipas nang panahong buhay pa ang aking Anak na si Reyster na kanyang itinuring na matalik na kaibigan. Tulad na lamang ng prediksyon sa kanya ng aking yumaong anak na si Reyster, na nakaukit sa kanyang kapalaran ang maging Pangulo ng Bansa.

SPECIAL CHRISTMAS GREETINGS

Sa pamamagitan ng ating column “ANG INYONG KASANGGA” dito sa manilaspeak.com sa inyong mga mambabasa at taga subaybay ipinaaabot nang ating mga special na kaibigan ang kanilang pag bati sa inyo:

Sec. BONG GO:
Sa lahat ng televiewers ng Kasangga mo ang langit, sa mga nagbabasa ng Column ni Sir Rey, Maligayang pasko at Manigong bagong taon sa inyong lahat. Kasama po namin ang Kasangga ng Langit na si Jr and sir Rey Langit. Maraming pong Salamat.

Sec. HARRY ROQUE:
Merry Merry Christmas ang mensahe ko sa inyong lahat, sabay sabay nating matamasa ang biyaya ng may kamal, hangad ng ating Gobierno ang matiwasay na pagsulong ng Bayan.

PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE:
Isang Maligaya, Mapayapa at Maunlad na Pasko at Bagong Taon ang aking nais na iparating sa ating Mamamayang Pilipino.

Rey Langit:
At sa ngalan nang aking anak at kasanggang si Reyster sa langit, ang aming pagbati sa inyo ni JR Langit ng Merry Christmas and Happy New Year. Hangad na patuloy naming mapag ibayo ang paglilingkod sa sambayanang Filipino.


KASANGGA YEAR END REPORT

$
0
0

Mga istoryang inyong kinagiliwan nitong 2017 tampok sa isang taon ng Kasangga mo ang Langit. Mga kwento ng kabayanihan, pulitika, giyera at iba pa. Muli nating sariwain ang mga istoryang nagbigay sa atin ng inspirasyon, pagasa at entertainment.

DIGONG AT SI REYSTER

Inspirasyon ang naibigay ng mga episodes na Super Sancho at ang pintor, Ang kwento ni Weng. Isang makabuluhang episode tungkol sa giyera sa Marawi City ang inihandog naming sa inyo at karanasan ng isang sundalong nasa bingit ng disgrasya ang anak habang sya ay nasa giyera. Naging tampok rin sa Kasangga Mo ang Langit ang giyera kontra droga ng Pangulong Rodrigo Duterte at nakilala natin si King Kuluban at ang kanyang auxiliary Kings na katulong ng Pangulo sa pagsusulong ng Federalismo.

Pinakahuli rito ang masayang selebrasyon sa Davao City kasama natin ang Pangulong Rodrigo Duterte. Mahirap kalimutan ang importansyang ibinigay sa amin ni JR Langit ng Pangulo Duterte nang bumalik pa ito sa podium kahit tapos nang magsalita para lamang ipakilala kami at tawagin sa entablado. Dito nagkaruon ako ng pagkataong sariwain ang naging magandang pag kakaibigan ng Pangulo at nang aking yumaong Anak na si Reyster. At kung paano napalapit ang aming pamilya kay Mayor Digong ng Davao.

110 TRIBES

Sa ilalim ng Federalismo, umaasa si King Kuluban na matatamo nila ang kalayaang pamahalaan ang sarili nilang lugar at tribo.

JR Langit: Paano nyo po nakikita ang Pilipinas sa ilalim po ng Federalismo?

King: Sa ngayon po ah nalaman namin na pag ito federalism na bigay natin sa buong Pilipinas ay malaki yung tungkulin na magawa natin kasi po mayroon namang tinawag namin FPIC, free and prior informed concern ng buong Pilipinas kasi po sa ngayon mabigyan na natin ng tungkulin ang tribo na 110 tribes po so wala ng tinatawag natin na harassment or other abuses of the tribes.

KURATONG BALELENG

Buwan ng Hulyo, naging kontrobersyal ang pangalang Espenido makaraang pangunahan ang pagsalakay sa tahanan ni Ozamis city mayor Reynaldo Parojinog para mag serve ng search warrant.

REY LANGIT: Simultaneous na sinerved ninyo anim na search warrant.

Inspector Espenido: 6 na search warrant, so apat na bahay yan. Farm lang yun ni mayor at saka yung isang konsehal ang dalawa. So yong sa kay vice mayor ganun parin ang kinuha. Hindi kinuha yung hard drive kaya nakapa labas sila ng hard drive yung cctv, yung footage. Pero ang sakin instruction, kung makuha natin yung camera paano pa maka record yun. bayaan nyo lang yung hard drive. Ang importante ay hindi makuha ang picture yung confidential agent natin na kapit bahay nila, sila talaga yung sumama kung saan sila saan ang daan, ganun ganun.

REY LANGIT: Bakit sinasabing nakapag paputok pa ng baril ito pong si mayor parojinog? Dahil po ba dun sa paraffin test?

Inspector Espenido: May fire fight na dun sa exchange of fire sa loob, number one sa soco sa result ng soco sa paraffin test na nag positive sila na mayron mayron ng powder burn tsaka yung iba na security nila.

MARAWI WAR EPISODE

Isang makabuluhang episode tungkol sa Marawi City ang inihandog naming sa inyo at karanasan ng isang sundalong nasa bingit ng disgrasya ang anak habang sya ay nasa giyera. Labing dalawang araw pa lamang mula nang ipanganak ay isinalang na sa operasyon ang sanggol.

Captain Monroe Bongyad : Nag passed out actually, yun nga nag decide yung doctor pina revive nag decide ulit yung doctor na ilipat ulit sa isang ospistal na mababantayan sya ng maayos sa private hospital naman dun parin po sa Naga city so umabot sya mga May 5 na confine hanggang sa naging ok nag balik sya ng Samar sa Catarman pero ako naman balik nako ng Basilan so May 23 pumutok na, dun sumabay po yung nagka complication yung baby ko nung pumutok yung marawi. 26 May dinala ulit sya ng hospital so that time dahil na naka red alert na may warning order na rin po tsaka ilang commanding officer hindi ko basta basta maiwan yung unit ko na I de deploy na kmi sa marawi so in short, kumbaga naging nanay at tatay yung asawa ko sa anak namin na wala ako .
Sa gitna ng digmaan sa Marawi, habang tumatagal, lalong nagiging mahirap maabot ang misyon ng tropa ng pamahalaan…..ang makuha ang mga lider ng Maute-Isis na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

JR Langit: para po sa inyo ano po yung pinaka mahirap o pinaka mabigat na inyong pinagdaanan ditto sa laban nyo sa marawi?

Capt. Monroe: Siguro yung yung last part po kung saan na kuha na si Isnilon. From nag start kami nun na nandun sa sector na yun august 31 na pinasok kami doon, then dun na halos malapit na kami sa lake eh dikitan na yung laban nag ipon ipon na rin yung kalaban so ibig sabihin mas marami yung ano nila mas marami na yung pumuputok sa tropa so yun na medyo mahirap dahan dahan lang hanggang sa ayun nga nakuha na yung target namin hindi rin namin ineexpect na nandun pala sa sector namin, yung iba kasing battalion tapos na naka abot na sila sa finish line. yung finish line namin actually yung kuan ng lake yung pinaka reckoning. yung kami kami yung medyo nahuli dun yun pala dahil naipon ipon na yung ano kalaban nandun sa sector namin andun na rin yung yung dalawang leaders na magkasama pala dun.

DEDICATED SA OFW

Siyempre hindi mawawala ang pagtatampok natin sa ating mga OFWs. Hirap nang kanyang buhay sa Pilipinas ang nagtulak kay Ronilo Vitoriano na magtrabaho sa ibang bansa bilang seaman at iwan ang kanyang career bilang mang aawit sa Pilipinas.

JR Langit: At bakit nyo naisipang gumawa ng mga kanta para sa mga OFW?

Ronilo: Dati akala ko end na ng singing career ko eh, nung nag asawa ako then sabi ko kapag nag abroad ako siguradong hindi nako makaka gig, hindi nako maka gawa ng songs kasi iba na yung lifestyle eh. Pag nasa abroad ka pala mahirap at ah malayo sa family so ang ginawa ko naman instead na mag mukmok sa isang tabi ginawa ko syang positive gumawa po ako ng mga songs sabi ko ituloy ko yung pag kanta atleast ma reverse ko po yung isip ko instead na malungkot ako lagi kasi nga malayo sa family gumawa ako ng mga songs make ko ng inspiration para sa family ko at makatulong na rin po ako sa mga OFW na malungkot sa abroad kasi naririnig nila yung mga songs ko sa OFW websites, web streams, at OFW stations radio stations fm stations abroad.

Mga kwentong nakapagbibigay ng inspirasyon ang handog namin sa KMAL. Syempre, sino ang makakalimot sa kwento ng Nanay na nagbalik eskwela at ang kasipagan ni Tatay Jaime. Ang Masayang bata na may mataas na pangarap kung ilarawan ni Sancho ang kanyang sarili.

SI SUPER SANCHO

JR Langit: Is that batman?

Sancho: Yah, I only draw those things.

JR Langit: What’s your message to your mom?

Sancho: I love her. She is so beautiful and famous. She’s famous. My mom is famous.

JR Langit: Anong favorite ninyong bonding ni mommy mo?

Sancho: Lots of stuff and lots more. I like to draw. I like to do lots of stuff. Go around, plays around. Well, and I like to spend time with my family. Im a happy boy with big dreams.

JR Langit: These are all your collections?

Sancho: Yes.

JR Langit: Why do you collect airplanes?

Sancho: I like it but I haven’t got it in a while

JR Langit: Why airplanes?

Sancho: I’ve been interested since I was 4 yrs old.

JR Langit: What model is this?

Sancho: I think its A380.

JR Langit: How about this one?

Sancho: That is a 747.

ANG PINOY ARTIST

Kamakailan, umani ng papuri sa social media ang likha ni Weng, gamit lamang ang makukulay na ballpen.
Partikular dito ang iginuhit ni Weng Dayrit na larawan ng national treasure na si Whang Od na personal pa nyang idinelliver sa Kalinga.

JR Langit: ito rin ata yung ginawa mong ballpen art kay Wang Od.

Weng: Opo Wang Od, oo yun gumawa ako sir tapos dinala nga dun sa hinatid ko sa Kalingga.

JR Langit: Sige nga ikwento mo samin yung experience mo dun?

Weng: Nakakapagod mag lakad. Hindi sila pala yung napagod ayun medyo ano 13 hours yung byahe isang oras na lakad mahirap kasi maliit lang yung daan tapos bangin na yung sa ano tapos matarik na yung bundok na aakyatin.

JR Langit: Bakit naman naisipan mo na sya yung I-drawing mo?

Weng: Parang kasi yung yung kilala sya tapos ano isa din sya sa mga hinahangaan kong artist kasi dahil ano sya yung kultura nila inaano parin nya hindi nya binibitawan kahit alam ko 100 years old na sya eh, so ayun nag tatattoo nga sya mambabatok yun tapos idinrawing ko dahil tribute na rin sa kanya yun.

PROUD HIGHSCHOOL SI NANAY

Nanay: Gustuhin ko man mag aral noon eh labing dalawa kaming magkapatid tapos yung tatay ko rin no read no write din sir. tapos yung nanay ko pang karaniwan lang na may bahay at sa dami naming makapatid hindi talaga kami kayang tustusan magaral. Kaya nauna samin yung kabuhayan, pang araw araw naming sa buhay para kami makaraos sa araw araw namin.

STREET WARRIOR SI TATAY

Si Tatay Jaime ang Street warrior! Sya si Jaime Dagami o Tatay Jaime para sa mga nakaka kilala sa kanya.

Tatay Dagami: Gigising ako ng alas tres mga alas tres y medya aano na ako dun sa kalsada nagdadahan dahan pag ano para nag umpisa na ako mga alas kwatro nagwawalis nako ng kalsada. Dahil wala pa, kulang pa ang sasakyan wala pang sagabal pag dating ng ano edi tapos nako nyan mga bago mag alas otso.

Hindi mawawala ang mga kwentong adventure at sports tulad ng rc racing, arnis at syempre mga kakaibang alaga tulad ng exotic pets.

Maliit, mabilis at nakaka aliw.

RC RACER NI KUYA

Rains: So you test your car, you test the wait trans, then you make up the adjustment to make it faster. That’s the thing that got me hook in the hobby.

 

MUNDO NG ARNIS

Kumpletong Martial Arts

Grandmaster Dagooc: Ang arnis ay complete martial art kasi dyan na yung pwede ka gumamit ng pamalo ‘yung arnis nga, gumamit ng siko, gumamit ng tuhod, gumamit ng knife, even the scrambler. Scrambler means, indonesian martial arts. Pero tayo may mga crambet din tayo.

BULLBULLIES

Si Joms Gallano ay member ng BullBullies, nag aalaga ng American Bully.

Joms: Agresibo sa tingin ang BullBullies pero mabait at masarap kasama. Matatakot ka talaga i-approach or hawakan pero magugulat ka once na hawakan mo siya or maalagaan mo sila, ‘yung ikaw mismo ‘yung maka-experience, sobrang ano eh, sobrang ganda ng temperament nila. Talagang companion.

EXOTIC

Exotic Pambihirang alaga, tapat na mga alaga.

Kerwin: Ang madaling alagaan is ball python. Kasi ang ball python, kumpara sa mga sawa, at mga Burmese, maliit lang siya tapos sa Africa nakatira sila sa behrouz. So kapag nai-stress sila, compared sa mga sawa na nag-i-strike, sila, nagbobola lang sila.

SUMMATION

Iba’t ibang mukha, mga personalidad at mga kamangha manghang kwento ang inihatid ng Kasangga mo ang langit nitong 2017.

Kumpletos rekados ang isang taong handog sa inyo ng “Kasangga mo ang Langit” na napapanood tuwing biernes ng alas diyes ng gabi (10pm) sa Ptv4. At naririnig araw-araw ng alas diyes ng umaga (10am) sa radyo, sa DZRJ 810khz.

Asahan nyo ang mas magaganda pa at makabuluhang mga kwento sa 2018. At muli nyo kaming samahan ni JR Langit sa mga susunod pang mga taon ng Kasangga Mo Ang Langit. Hangad ko para sa ating lahat ang higit pang MANIGONG BAGONG TAON buhat sa inyong mga KASANGGA!

TRAIN, AARANGKADA NA!

$
0
0

Tinalakay namin ng husto ang hinggil sa mainit na issue nang Tax Reform for Acceleration and Inclusion na may acronym na TRAIN. Kung papaano mabebenipisyohan ang mga mamamayan sa mga naka salansang infrastructure na siyang mag papasigla sa ating economic productivity.

Sa aming “INSIDER EXCLUSIVE Kapihan” na linggohang napapanood sa PTV4, 8-9pm at live na napapakingan sa DZRJ 810khz ng alas nueve (9am) ng umaga tuwing miyerkoles at simulcast live sa:

Explore TV Channel 17,
Fil Products Cable, Butuan City
Idol FM Legazpi City
DyMe Masbate
107.1 POWER FM Puerto Princesa Palawan.
97.1 WOW FM Roxas Northern Palawan.

Aming naging guests sina Commissioner Jose Gabriel “Pompee” La Viña ng Social Security System (SSS) at Atty. Paola Alvarez, Assistant Secretary ng Department of Finance (DOF). Tinanong ko kay Asec. Paola Alvarez papaano poponduhan ng TAX package na ito ang DuterteNomics upang ma-sustain ang growth momentum ng bansa.

8.1 TRILLION IN SIX YEARS

Asec. Alvarez: Explain po natin yan, maraming nalilito kung paano daw natin ito ma-wowork itong ating train. So yung train po ang tax integration and inclusion act. Ang plano natin dito is yung long-term niya is to increase the GDP growth ng Philippines from 6 to 7% for the next six years.

Ang gusto po nating mangyari is by 2022 ay ang Philippines po ay mid-income country na parang Thailand at Malaysia, at by 2040 ay high income country na po tayo ng parang Japan at Korea. So para gawin po ito, ang plano po ng ating administrasyon ay to spend 8.1 trillion in the next six years. Ang gagawin po natin dito, kaya po tayo nag-raraise ng pondo is para po makapag-fund po tayo sa infrastructure unang-una, health, education at social protection. So paano po ito makakaapekto sa ating bansa? So unang una po yung infrastructure spending, ito po talaga yung nakikita nating magboboost ng maraming investments. Kasi kung titignan niyo yung ating kapitbahay, lalo na yung Vietnam at Cambodia, talagang nagbubuhos po sila ng investments nila para sa infrastruktura. Para mo magkaroon ng maraming businesses dito, kailangan po maayos yung daan, yung ating train system para po mabilis ang movement ng goods from one place to another, mas mura. Yung ating mga ports, airports, seaports, kailangan po nating ayusin yan para po may mas marami tayong ma-attract na investors.

2ND HIGHEST INCOME TAX SA ASIA

Rey: Nabanggit niyo po ang ating mga kapitbahay sa ASYA, how true na tayo ang 2nd highest income tax in ASEAN 2nd to Thailand?

Asec. Alvarez: Totoo po yun, kasi kung titignan niyo po yung income tax natin. 1997 pa po yan nung huli nating inayos. So kung titignan niyo yung highest bracket diyan na 500,000. Yung value po nun, annually na 32%. Yung 500,000 nung 1997, hindi na po yung value nun ngayon. Kung titignan niyo yung mga kumikita ng 21,000 they are being taxed at the same rate ng 32%. Masyadong mabigat po ito, kumbaga kung entry level ka or nagtatrabaho ka sa BPO. Malaki po yung nababawas sa ating sweldo.

Rey: Umpisahan natin sa ating mga minimum wage earners, nagwoworry po sila baka daw tamaan ang kanilang kita. Halimbawa yon kanilang night shift differential, overtime, holiday, hazard pay. Mayroon bang revision sa unang salansan ng tax reform package?

SA MINIMUM WAGE EARNERS

Asec. Alvarez: Ang talagang magbebenefit po sa ating tax reform ay ang ating low income earners. Yung iba po kasi nalilito, so ganito po yan. Number one, yung earning 250, 000 annually, magiging tax free na po yun. Tax excempt na po sila. So in addition to that, yung mga may bonuses from 100,000 annually, tax excempt na rin po yun. So 86% ng ating tax payers. Malaki po talaga ang mababawas sa ating mga tax. Pangalawa po yung mga minimum wage earners, ito po yung nagkakaroon tayo ng mga issue. Sabi po nila, mahihirapan po yung mga minimum wage earner kasi wala po talaga silang relief na makukuha pag binawasan mo yung income tax, kasi tax excempt pa rin naman sila. Yung pag-aadjust nila ng mga goods katulad ng auto excise, oil excise, at broadening of the VAT base. Sila po ang sinasabing matatamaan. Para hindi sila matamaan, yung mga low income earners, diyan po tayo magpopondo ng ating social protection, health at education. Kung titignan niyo po, dadagdagan po natin yung benepisyo nila, lalong lalo na yung mas mababa ang kita, so mas madadagdagan nila yung kanilang pension, magkakaroon tayo ng direct transfer programs. So ishishield natin sila by giving them the transfers. Mas effective po yung transfer subsidies kaysa nag-eexempt tayo. Kasi pag nageexempt tayo, minsan nagkakaroon ng leakages.

FUEL AT AUTOMOBILE EXCISED TAX

Hinimay namin ang usaping excised tax para sa gasolina o fuel at automobile.

Asec. Alvarez: Yung sa fuel po, yung sinasabi nilang iaangat natin from four pesos to ten pesos. Ang ginawa po nating computation diyan, kaparehas po ng pag-gauge natin sa low-income tax. So, kung titignan niyo rin po, 1997 pa nung huling inadjust yung oil excise. So yung oil excise apat na piso noon. So kung titingnan niyo ngayon, apat na piso pa rin yung oil excise. Yung same logic ng inflation na value ng 4 pesos nung 1997, hindi na po yun yung value ngayon. Inaadjust po natin siya para malaman yung halaga ng apat na piso noon, ang katumbas po noon ay sampung piso na ngayon. That is an increase of 6 pesos. So dahil po mabigat yung biglaang pataw na apat na piso, ang minabuti po ng kongreso is to stagger na 3-2-1 na para po mayroong buffer na hindi agad agad hindi ganun kataas yung presyo ng gasolina. So, to clarify naman po niyan, kung titignan niyo kasi, noong 2011 meron pong instance diyan na yung presyo ng langis, nag-increase ng 200 percent. Pero kahit naman nag-increase ng ganung kataas yung presyo ng langis, hindi naman po nag-shoot up lahat ng commodities. Kung baga yung mga regular na bilihin, kung nag-increase man yung kanilang presyo, hindi masyadong malaki. Kung baka maliit, incrimental. So, healthy pa rin po yun. Ang sinasabi po natin dito is yung inflation rate na finoforecast sa atin would be for 2 to 4 percent. Ang sabi sa atin ng BSP at BBM, yung mga expert sa pagcocompute ng inflation is kung kahit i-increase mo yung ating oil excise, manageable pa rin yung inflation kasi it would still be within yung forecast natin.

PASA-PASA SYSTEM

Rey: Ngayon paano naman natin i-aaddress yung mga PASA? Na kapag tumaas ang gasolina, lalo na sa mga public transport, tulad ng Jeepney mabilis na ipinaPASA ito dun sa mga mananakay.

Asec. Alvarez: Naiintindihan natin yan. Dahil magkakaroon ng sinasabing pasa, maglalagay tayo ng direct subsidies. Ito na yung programa natin na pantawid pamasahe, pantawid kuryente, ang gagawin natin yung jeepney modernization. Kasama po yun dito. So, yung pantawid pamasahe dito, magbibigay tayo ng voucher system para yung mga public utilities na sinasakyan natin, hindi po sila maaapektuhan sa singil sa langis kasi magkaka-direct subsidy. Maliban po dito yung modernization. So ito yung mga proyekto na gusto natin, yung luma na jeep na delikado na mausok. Yung nacoconsume na fuel na hindi malinis, kumbaga yung mga Euro 2 pa lang yung engine nila, i-uupgrade natin yun para maging Euro 4, which is kalahati yung consumption ng gasolina atsaka yung kanilang body, chassis, mas magiging malinis ang jeepney kasi i-uupgrade natin. Maliban dito, magkakaroon tayo ng pantawid kuryente, yung matatamaan yung mga maliliit lang ang consumption ng kuryente. So marami tayong ginagawa na subsidy program. Yung poorest, yung 50 na mas mahihirap po talaga , sila yung may mga direct transfers kasi sa tingin po natin, sila talaga yung mangangailangan. So ishishield natin sila through direct transfers.

BAGONG TAX SA KOTSE

Rey: Yung sa mga nakakaafford naman. Yung mga mayayaman. Paano kino-compute yung para sa VAT, plus excise tax, plus net pricing ng auto. Paano yung description natin diyan?

Asec. Alvarez: So, sa mga automobile po, ang ginawa natin diyan, yung graduated din. Kunyari yung mga Vios, yung Mirage, mas mababa yung tax nila from 2 to 4 percent. Pero kunyari yung mga sobrang mahal na sasakyan. High end, luxury. Kunyari, yung mga Maserati, BMW, Mercedes, mas mahal po yung kanilang mga tax kasi kung nakakaafford ka ng mas mahal na sasakyan, dapat magbayad ka ng mas mahal na tax kasi mas mayaman ka eh. So dun sa lower-end vehicles, hanggang yung lagi nating ginagamit tulad ng Fortuner, Innova, yung ganyan po, yung mga nakaka-afford nito, sila yung mas makaka-benefit sa pagbababa natin ng income tax atsaka yung sa corporate income tax sa susunod nating packages. So yung sinasabi na kahit bigyan mo kami ng breaks sa income tax, mauubos pa rin kasi mag-aadjust ka sa ibang mga bagay. Hindi po totoo yun. Kasi mas magiging malaki pa rin yung take-home pay mo compared dun sa i-i-increase natin na revenue generating para ma-compensate yung irerelease natin sa income tax.

SUMMATION

Ang Moody’s Investors Service ay nagsabi na sa credit outlook ito ang magbo-boost sa credit rating ng Bansa, dahil magbibigay sa gobierno ng panibagong simula, o fresh revenue stream.

Ayon naman sa Fitch Ratings na ang President’s intervention ay malaking bagay upang mapabilis ang proseso at maging ganap na batas ang panukala. Malaking tulong na gawing priority ng Gobierno ang Tax Reform.

At ang Deutsche Bank ay nag pahayag na maliban sa fundamental economic benefits, ito ay mag bibigay ng positibong hudyat sa mga investor na ang gobierno ay may political will upang gawing ganap na batas ang isang unpopular laws na ma-institute ang isang long-term structural economic reforms.

TRAIN: TO BENEFIT MID- AND LOW-INCOME WAGE EARNERS

$
0
0

This discussion seeks to answer how TRAIN or Tax Reform for Acceleration and Inclusion will benefit the masses while being able to fund the infrastructure projects that were meant to boost the economy. Our guests were Commissioner Jose Gabriel “Pompee” La Viña of the Social Security System (SSS) and Atty. Paola Alvarez, Assistant Secretary of the Department of Finance (DOF).

During the “INSIDER EXCLUSIVE Kapihan”, a weekly show on PTV4, this was simulcast live in the following channels aside from DZRJ 810khz:

Explore TV Channel 17,
Fil Products Cable, Butuan City
Idol FM Legazpi City
DyMe Masbate
107.1 POWER FM Puerto Princesa Palawan.
97.1 WOW FM Roxas Northern Palawan.

According to Asec Alvarez, TRAIN seeks to benefit the economy by increasing the GDP growth from 6 to 7% for the next six years. That means by 2022, the Philippines will be a mid-income country, similar to Thailand and Malaysia. If the growth continues, by 2040 we shall be a high income country similar to Japan and Korea. For this to happen, we need to spend at least 8.1 Trillion in the next six years to fund the infrastructure projects that will affect health, education and social protection. Increasing infrastructure projects will boost businesses that need goods to be moved cheaply, efficiently and effectively from one place to another.

Regarding our income tax law, it was last changed in 1997. The highest bracket is 500,000 – that value then is different. Thus a person earning Php 21,000 (an entry level salary for some BPOs), is being taxed the same rate as 32% which is heavy. TRAIN seeks to benefit low-income earners especially those earning 250,000 annually. It exempts them from paying taxes. Those with an annual bonus of 100,000 will also be exempted.

For those earning minimum wage – they will have what we call social protection program on health and education that will shield them from excise taxes and broadening of the VAT base. They will be given a social benefits card.

Regarding excise tax on fuel, it was adjusted based on the inflation rate. Congress decided to stagger the increase for the next 6 years. The changes will be incremental. As for subsidies like the “pantawid pamasahe, pantawid kuryente”, we will do this by the modernization of the jeepney. A voucher will be given as a part of the pantawid pamasahe subsidy program affecting public utility vehicles. The upgrade will also result to having vehicles that will consume less gas. As Asec Alvarez explained, “Yung nacoconsume na fuel na hindi malinis, kumbaga yung mga Euro 2 pa lang yung engine nila, i-uupgrade natin yun para maging Euro 4, which is kalahati yung consumption ng gasolina atsaka yung kanilang body, chassis, mas magiging malinis ang jeepney kasi i-uupgrade natin. Maliban dito, magkakaroon tayo ng pantawid kuryente, yung matatamaan yung mga maliliit lang ang consumption ng kuryente. So marami tayong ginagawa na subsidy program. Yung poorest, yung 50 na mas mahihirap po talaga , sila yung may mga direct transfers kasi sa tingin po natin, sila talaga yung mangangailangan. So ishishield natin sila through direct transfers.”

Regarding those than can afford to buy their own vehicles, they are expected to pay higher taxes based on the market value of their cars. “So, sa mga automobile po, ang ginawa natin diyan, yung graduated din. Kunyari yung mga Vios, yung Mirage, mas mababa yung tax nila from 2 to 4 percent. Pero kunyari yung mga sobrang mahal na sasakyan. High end, luxury,” Asec Alvarez added. “Kunyari, yung mga Maserati, BMW, Mercedes, mas mahal po yung kanilang mga tax kasi kung nakakaafford ka ng mas mahal na sasakyan, dapat magbayad ka ng mas mahal na tax kasi mas mayaman ka eh. So dun sa lower-end vehicles, hanggang yung lagi nating ginagamit tulad ng Fortuner, Innova, yung ganyan po, yung mga nakaka-afford nito, sila yung mas makaka-benefit sa pagbababa natin ng income tax atsaka yung sa corporate income tax sa susunod nating packages. So yung sinasabi na kahit bigyan mo kami ng breaks sa income tax, mauubos pa rin kasi mag-aadjust ka sa ibang mga bagay. Hindi po totoo yun. Kasi mas magiging malaki pa rin yung take-home pay mo compared dun sa i-i-increase natin na revenue generating para ma-compensate yung irerelease natin sa income tax.”

D’ MASSACRE!

$
0
0

Ilang oras makalipas nang malagim na pangyayaring massacre sa pamilya Carlos, aking pinakiusapang makapanayam si Dexter Carlos, ang ama at kaisaisang natirang miyembro nang pamilya Carlos ng San Jose Del Monte Bulacan.

Ang pakikipanayam ay aking ibinahagi ng live sa ating tagapakinig ng “Kasangga Mo Ang Langit” radio program na napapakingan araw-araw ng lunes hangang biyernes, 10-11am sa DZRJ 810khz at simulcast live sa:

  • Explore Tv Channel 17,
  • Fil Products Cable, Butuan City
  • Idol Fm Legazpi City
  • Dyme Masbate
  • 107.1 Power Fm Puerto Princesa Palawan.
  • 97.1 Wow Fm Roxas Northern Palawan.

Rey Ang aking taos pusong pakikiramay Dexter sa sinapit ng pamilya mo.

Dexter:Salamat po.

Damang dama ko ang kalungkutan sa tinig ni Dexter habang siya ay aking kinakapanayam.

Rey Ikaw personally, pakiwari mo kayang gawin ang pagpaslang sa buo mong pamilya ng nag-iisa lang na tao?

Dexter: Hindi talaga ako naniniwala na siya lahat ang may gawa niyan.

Rey Nataon naman na may kaliitan lang itong lalake, base sa obserbasyon mo nagawa kayang man-laban nang misis mong si Estrella at yung biyenan mo?

Dexter:Yes sir, nakita ko na may mga sugat yung kamay ng asawa ko, sa braso may sugat ganun din sa biyenan ko. Panong sasabihin niya na walang nagawa, di ako naniniwala sa binitawan niyang impormasyon.

Slaughter

Rey Dun sa mga sugat sa kamay, indikasyon ba ito na sumalag sila sa unday ng saksak? Anong klaseng patalim ba ang ginamit?

Dexter:Kutsilyo yung ginamit. Kase nung nandito yung mga SOCO, sabi ng SOCO, nakatakbo pa yung asawa ko at saka nakahawak siya ng putik, ibig sabihin, malamang hinila at dun ni-rape sa may pinto.

Rey Nakababa pa si misis mo ng bahay?

Dexter:Opo, nakababa kase sa taas sila natutulog, bumaba siya sa labas ng bahay.

Influence of drugs

Rey Doon sa naulinigan ko sa presscon kanina, ito ay nasa influence ng drugs at alak, ganun ba?

Dexter:Yes naniniwala ako dun na adik yan.

Rey Dexter, sa mga naging salaysay mo na merong mga lalakeng umiigib sa inyo, na minsan ay tumitingin sa pamilya mo, ito bang prime suspek na ito na si Carmelino Ibañez ay kasama doon sa mga lalakeng yun?

Identities

Dexter:Kasama po at tsaka yung pangatlong dinala, ýun ay kasamang nag-iigib dito sa bahay.

Rey Itong si Carmelino Ibañez, malapit lang ba ang bahay sa inyo?

Dexter:Malapit sir, dalawang bahay lang ang pagitan.

Rey Matagal nyo nang kilala ito?

Dexter:Di ko kakilala yan pero yung mga anak ko ang nagsasabi na yan ay kapatid nung kumare namin. At saka yung anak ng kumare ko kase laging nandito sa bahay kaya sinasabi nila na tito nila yan. Pero di ko alam ang pangalan, mukha lang ang alam ko sa kanya.

Rey Alam mo ba kung ano ang trabaho nito?

Dexter:Wala yang trabaho, tambay lang yan.

(Ayon sa mga otoridad, hindi makaapekto ang muling pagbaliktad ng statement ng massacre suspect sa kasong rape at murder na isinampa ng Bulacan PNP.)

Rey Noong mangyari ito bale naka-on duty ka bilang isang securty guard? Mula what time to what time ba ang duty mo?

Dexter: Bale 19:00 hours to 07:00 hours po.

Rey So, pag uwi mo galing sa duty, dun mo palang natuklasan yung pangyayari?

Dexter:Opo.

Rey Sino sa pamilya mo ang una mong nakita?

Dexter:Yung biyenan ko sir dahil sinilip ko sa bintana, tapos pangalawa yung asama ko, nandun sa labas ng pinto na namin na bukas na.

Rey Pagdating mo sa bahay di mo agad binuksan yung pinto?

Dexter:Yung pintuan kase sa harap naka-lock, kinatok ko, dahil wala pa ring nagbubukas kaya sinilip ko yung bintana, yung bintana kase namin sir, nakikita sa loob, bale ang nagko-cover lang yung kurtina. Tamang- tama na nakausli yung kurtina, sinilip ko nakita ko yung biyenan ko na naka-hubad, saka duguan siya. Tapos umakyat ako doon sa taas para doon ako magkaroon ng access sana, nakita ko na rin yung asawa ko na nandun na, duguan at patay na rin.

Rey Nung makita mo sila na ganito na ang ayos at wala ng buhay, ano ang ginawa mo, ano naramdaman mo?

Traumatized

Dexter:Ang naramdaman ko nun ay lungkot at kaba, nag-iiyak na ako at nagsisigaw. Na kung may nakakita man lang na pumasok sa bahay. Kase pinatay na lahat ng pamilya ko yun yung nasabi ko sa labas, sa mga tao na nakikita ko dito sa labas.

Rey Mga anong oras nga yon Dexter, alas- 8 na opasado?

Dexter:Pasado na 8:30. O quarter to 9 po.

Rey Tapos yung tatlong mga anak mo ay nasa 2nd floor?

Dexter:Yes po, sa kwarto.

Rey Malupit, pati mga bata, hindi pinatawad.

Dexter:Yes po.

Rey Papano ang pag sasaayos ng mga bangkay, saan mo balak na iburol sila?

Comfort And Support

Dexter:Dito po sa Bulacan, bale tinulungan ako nila mayor at congresswoman, sila po ang lahat na namahala sa kabaong at paglilibingan po.

Rey Taga-Bulacan ka ba talaga o galing ka sa ibang lalawigan at dyan lang kayo namuhay?

Dexter: Dalawang taon kami rito na nakatira na sa Bulacan.

Rey Ang origin mo, ano ang pinanggalingan mong lalawigan?

Dexter:Sa Cagayan Valley

Rey Yung mga relatives mo naroon sa region 2?

Dexter: Yes po nandun sila

Rey Alam na nila yung nangyaring ito?

Dexter:Alam na nila kase gusto ko nga na papuntahin na sila rito kase wala akong kasama sa pagdadalamhati. Kase po nahihirapan na ako.

Rey May nakikita ka pa bang ibang motibo? Bukod duon sa nasabi mong may balak na masama sa may-bahay mo itong suspek?

Dexter:Wala po akong ibang makitang motibo nila sir, kundi rape lang.

Hindi lamang ang sinumpaang salaysay ng suspect na si Carmelino Ibañez alyas miling ang pinagbasehan ng kaso laban dito. Ang isa sa pinagbatayan ng mga otoridad ay ang impormasyon na galing sa isang saksi na nakita si Ibañez na papalabas ng bahay ng mga biktima na may bahid ng dugo at walang pang-itaas na damit.

Rey Wala namang nawala sa inyo?

Dexter:Wala naman pong nawala, walang nasira maliban lang sa dalawang kutsilyo na nawala.

Rey Yung ginamit ba na kutsilyo sa pag paslang ay galing sa inyong bahay?

Dexter:Hindi ko po alam kung yung kutsilyong nawala ay yun yung ginamit sa pagpatay sa pamilya ko.

Ayon sa witness may itinapon din ang suspek na bagay malapit sa lugar, na di kalaunan ay nadiskubre ng mga pulis na kitchen knife.

Rey Very unusual ang ganitong pangyayari, alam kong napakahapdi at sukdulang experience ito sa buhay mo. Ang naalala kong halos kahalintulad na pangyayari noon ay ang insidente sa bf homes parañaque, sa pamilya Visconde na buong pamilya rin. Hindi ko lubos maisip kung papaano ang isang taong na nasa wastong katinuan ang makagagawa nito. Ano ang mga balak mo ngayon Dexter?

Future Plans

Dexter:Wala pa akong maisip na balak kundi inuuna ko muna tong pamilya ko na mailagay sila sa tama. Hinihintay ko lang yung relatives at kapatid ng misis ko para mapag-uusapan namin kung kailan namin sila pwedeng ilibing kase wala pa po sila. Sa ngayon, wala pa po akong nagiging plano.

Rey Kung mananatili ka sa Bulacan o uuwi ka na sa lalawigan ninyo, ang mga parents mo ay nasa lalawigan, buhay pa sila?

Dexter:Opo, sa pagtira dito siguro di na ako titira, kase kung dito pa ako titira, baka mawala na ako ng katinuan kung dito pa rin ako titira.

Rey Ang pag lilibingan ba diyan na rin sa Bulacan?

Dexter:Dito na rin sa Bulacan po.

Rey Tatagan mo lang ang sarili mo Dexter, hindi gawang biro ang inabot mong pag subok na ito sa iyong buhay. Mahirap mang maunawaan, ituloy mo parin ang panalangin para magabayan ka.

Dexter:Maraming maraming salamat po mr. Rey langit sa pagkakataong ito.

Summation

Minsan masasabi mong napakalupit ng tadhana. Ang ganitong karumaldumal na pangyayari at pagsubok sa buhay ay mahirap maarok at maunawaan. Ang mamatayan ng mahal sa buhay ay nangyayari kaninoman, ngunit ang mawalan ng mahal sa buhay na dinaan sa dahas at kalupitan ay dobli hapdi na mararamdaman. Masyadong malupit ang pagkakapaslang sa pamilya. Maliban sa pang aabuso, tinamo ang 45 saksak ng kanyang misis at 32 saksak ng kanyang bulag na biyenang babae. Hindi rin pinatawad ang kanyang mga anak na isang (1) taong gulang, pitong (7) taong gulang at labing isang (11) taong gulang.

Damang dama ko ang pagsubok na pinagdaraanan ngayon ni Dexter. Dumaan man ang mahabang panahon hindi pa rin kayang maghilom ang sugat at hapdi na dinulot nito sa buhay ni Dexter. Sa paghahatid ng kanyang pamilya sa huling hantungan nasambit ni Dexter ang paghingi niya ng patawad, dahil wala siya upang ipag-tanggol ang kanyang pamilya sa kalupitang sinapit nang kanyang mga mahal sa buhay. Hustisya para sa kanyang pamilya ang inahangad ngayon ni Dexter Carlos at dalangin para sa kanya na malampasan niya ang mabigat na pag subok na ito.

BULACAN FAMILY MASSACRE

$
0
0

During our show “Kasangga Mo Ang Langit”, we interviewed Dexter Carlos. He is the father and the remaining survivor of the massacre, wherein 5 members of his family was slain in San Jose del Monte, Bulacan. According to police reports, his wife had 45 stab wounds, the blind mother-in-law had 32 stab wounds. His 3 children, ages one, seven and eleven were also murdered in cold blood.

Dexter’s grief was palpable as he answered questions regarding the death of his family. He described the anguish as he saw the wounds on the bodies of his wife and mother-in-law, detailing SOCO reports that his wife could have been raped as well.

Dexter also narrated how the prime suspect, a jobless, nobody named Carmelino Ibañez would linger around the neighborhood, watching his wife. In fact the killer himself was a neighbor.

It was when Dexter came home from his shift as a security guard, that he noticed something amiss. He checked the windows and that was when he saw the gruesome sight of his in-law bathed in blood. As he entered the house, he came across the bloody body of his wife before he collapsed screaming, consumed with heartbreak, realizing that his entire family was gone.

It was also during the burial that he broke down, asking his family’s forgiveness for not being there during their time of need. For not being able to protect them when they needed him most. For now, he wishes to seek justice for the deaths of his family.

Viewing all 617 articles
Browse latest View live