Naririto ang pagpapatuloy ng ating ginawang EKSKLUSIBONG pakikipanayam kay Ghadzali Jaafar, MILF Vice Chairman for Political Affairs sa aming pang umagang palatuntunang Kasangga Mo Ang Langit (6-7am) sa DWIZ 882Khz, na sabayang naririnig sa mga provincial stations ng RPN nationwide.
PAGBABABA NG SANDATA
REY : Vice Chair Jaafar pag usapan natin ang disarmament at decommissioning…., alam kong mabusisi ang prosesong ito. Malinaw na ba ang guidelines tungkol dito?
JAAFAR : Alam ninyo nagkaroon ng agreement tungkol sa bagay na ito ang decomissioning ng mga armas. Dapat linawin natin ang surrender na kalimitang binabanggit ng mga kapatid natin sa media, surrender ay iba po sa decommissioning. Ang decommissioning ay to put beyond use ang mga baril na ito. Ang surrender ay tulad ng mga nangyari noong mga unang panahon sa Mindanao ay sinu surrender ng isang tao ang kanyang baril at sinusuklian ng gobyerno ng project o kaya pera. Itong decommissioning ay bahagi ng normalization at itong normalization ay bahagi ng negotiated political settlement para solusyonan ang problema sa Mindanao.
RELIGIOUS OBLIGATION
REY: Naalala ko ang sinabi ni British Ambassador Asif Anwar Ahmad, sa kanila sa Northern Island ay inabot ng 25 years ang disarmament at decommissioning pa lang…
JAAFAR: Kami po sa leadership ng MILF very religiously and sincerely tinutupad namin kung ano man ang nasa agreement na yan. Sapagkat religious obligation ng isang Muslim na tumupad sa isang agreement . Ito po ay ginawa ni Prophet Mohammad many many years ago in Saudi Arabia nang siya ay lumagda sa isang Treaty. Ang Treaty na ito ay treaty of Bolivia, si Prophet Mohammad ay tumupad sa lahat ng agreement na ito. Ganun rin po ang ginagawa ng MILF ngayon because ang leadership ng MILF ay collective at consultative which is Islamic sapagkat sa isang Muslim hindi ka pwedeng lumabag sa isang agreement dahil malaking kasalanan yan at yan ang desisyon ng MILF ginoong Rey Langit.
MGA LUMANG SANDATA
REY: Vice Jaafar, ma share ko lang sa inyo dahil matagal rin tayong naging reporter…. yong mga nasaksihan kong nagbababa ng mga sandata kalimitan ang mga Baril na kanilang sinusurender sa gubierno ay hindi na nagpa function, mga sinaunang Baril pa tulad ng mahahabang Springfield. Ang mga bago hindi sinusurender.
JAAFAR : Opo alam ko po ang tinutukoy po ninyo, yan po ay di sakop ng agreement. Kaya yung mga nag surrender noon ay walang agreement . Itong agreement na ito by foreign country Malaysia involved dito ang international community, nandiyan ang Europe, Norway…. Nandiyan ang turkey , ang Indonesia , Malaysia , Brunei , Libya, even Japan and this is covered by agreement. Yung ginawang pag surrender in the past na isinurrender niya tulad ng tinukoy ninyo ay luma ng mga armas , non functional this time I dont think it will happen because if you do that under this agreement sacred ang pagtupad sa agreement na yan dapat so lumalabas na hindi sinsero ang mga tao sa under this agreement.
MILF GUN FACTORY?
REY: I wouldn’t know kung masasagot nyo ng categorical ito, kamakailan merong ifiniture sa isang telebisyon at may nagkukwento na witness na nagsasabing ang MILF daw ay may sariling private factory ng mga baril, how true is this, Vice?
JAAFAR: Unang una, siguro pati kayo di kayo kumbinsido sincerely 100 percent na MILF yun, kung MILF siya bakit di siya nagpakita ng mukha, bakit iniba yung boses nya anybody can do that, with due respect po sa inyo kahit kayo kaya nyong iplano yung ganyan but I know you will not do it sapagkat labag yun sa konsensiya ninyo kaya nga kabilang sa panawagan namin huwag sana nating sakyan ito, we must separate to this issue may problema tayo sa Mindanao.
POLITICALLY MOTIVATED?
REY: May hinala ba kyo kung sino ang puweding gumawa nito?
JAAFAR: Kung sinomang mga pulitiko na sumasakay sa isyu to farther their political interest sapagkat ang kawawa ay ang bayan natin, kawawa ang maraming tao, nadadamay dapat magtulungan tayo mga leaders, mga revolutionary leaders at yung mga political leaders, Bangsamoro political leaders include it, para mawakasan natin sa pamamagitan ng mapayapang solusyon ang problema sa Mindanao. Marami ng taong namatay at anong maidudulot ng ganung taktika, ibig kong sabihin it’s very simple ang gusto nila para masira lalo ang MILF.
LAGING NASA FOREFRONT
REY: Kung sa bagay, sa mga nakausap kong ilang SAF members ang hangad nila ay kapayapaan, sabi nga nila sila na siguro ang unang mag hahangad ng katahimikan dahil sila lagi ang napapalaban, sila ang laging nasa gitna ng enkuwentro.
JAAFAR: Opo, ganyan din po ang panawagan namin sa lahat sapagkat ang nangyari sa Mindanao ang giyera sa Mindanao for the past more than 40 years apektado hindi lamang kaming mga Muslims apektado hindi lang mamamayan ng Mindanao kundi mamamayan ng Luzon, Visayas sapagkat kung may bakbakan sa ibang bahagi ng ARMM or outside of ARMM sa mga kalapit na probinsya ang laging pinapadala ng gobyerno ng Pilipinas ay yung commandant nito army, marines, PNP at marami sa mga ito taga Luzon, tiga Visayas at in battle, sa giyera sila lagi ang naka front.
REY: Sa sagupaan laging may nasasakripisyo, laging may collateral damage o casualty….. Kawawa ang kanilang pamilya, kawawa ang kanilang mga anak.
JAAFAR: You know to whom it may concern sabi nila ang giyera in battle ay matamaan at yung tinatamaan nasusugutan yung iba ay namamatay so ang biktima lahat tayo kaya dapat wakasan na natin ito and another thing may narinig kaming opinion, personal opinion siguro ng isang maaaring official narinig ko sa isang radio local radio kanina, maaaring guest nila kanina itong official na ito na sinabi itong nangyaring ito sa Mamasapano, the Mamasapano incident ginising nito ang Nationalism sa puso ng mga Pilipino maybe that’s true but “Not at the expense of the lives of so many PNP SAF.” Hindi lahat ng Filipino against their Muslim brothers sapagkat walang maidudulot na kabutihan ang nangyari ngayon sa kanila we are citizens of the republic of the Philippines magkatulad po tayo kung meron po kayong karapatan Ginoong Rey Langit according sa Philippine Constitution, ganun din po kami.
HYPOTHETICAL NA TANONG
REY: Vice Chairman, not pre-empting whatever probe or inquiry na isinasakatuparan ng magka kabilang panig, hypothetical kung saka-sakaling magkaroon ng hindi paborable na findings sa MILF ang truth commission or board of inquiry ng PNP, ito po ba ay tatanggapin ng MILF?
JAAFAR: Kung yun ang totoo, again I’m not questioning yung magiging result ng fact finding ng truth commission, pero if it is true hindi naming pwedeng i-reject di tanggapin ang katotohanan but I have something to say about the proposed question of truth commission to investigate issue on the incident in Mamasapano ang pinaguusapan sa BBL ang proposal i-create itong independent truth commission may mga personalities na nabanggit nakita ko sa TV tatlo unquestionable yung kanilang personality, ngunit ang di maganda doon, na hintayin muna ang result ng findings, it will take more than a year. Habang hindi nilalabas ang finding ng truth commission idedelay muna ang process ng pag approve sa BBL. I think this is counterproductive to all of us.
FAST TRACK INVESTIGATION
REY: Bagama’t purely speculation ito at this point in time, dahil di pa natin alam kung gaano kabilis o kabagal ang Inquiry, katunayan ang senate ay magsasakatuparan ng inquiry 3 times a week, ibig sabihin ipa-fast track nila….
JAAFAR: Opo, totoo po, naniniwala po ako sa inyo sa insidenteng Mamasapano meron dalawang parte ito sa parte ng SAF-PNP at sa parte ng Bangsamoro people, in this case yung MILF combatants na nandun meron mga sibilyan na nadamay, ngayon maraming civilians ang nageevacuate hanggang ngayon natatakot sila at marami sa mga ito mahirap, isang kahig isang tuka ika nga Ginoong Rey Langit you know, as if you are punishing this people the longer they stay in this evacuation center na kung saan-saan pinahihirapan natin sila dapat tingnan din ito ng gobyerno ng Pilipinas at mamamayang Pilipino.
TANONG NA NAGHAHANAP NG KASAGUTAN
REY: Sa ginawa ko pong pakikipanayam kay General Getulio Napeñas Jr. , ang relieved head ng PNP-SAF 44 meron siyang hanging question, sabi niya kung magkakaroon ako ng pagkakataon na makapanayam ang MILF itanong ko raw bakit yung pinaghahanap na si Marwan at Basit Usman ay naroon sa nasasakupan, o teritoryo ng MILF?
JAAFAR: Alam po ninyo meron pong negotiations going on peace panel ng gobyerno ng Pilipinas, peace panel ng MILF, with due respect po kay Gen. Napeñas Jr. baka hindi pa po niya..kasi di siya member katulad ko di member ng peace panel baka meron pinaguusapan yung dalawang peace panel tungkol sa bahaging ito na hindi siya naiimpose hanggang dyan na lang po ang pwede kong sabihin tungkol sa bagay na ito sapagkat hindi po ako directly involved.
RIGMAROLE
Ang PNP Board of Inquiry, AFP, NBI sa pangunguna ng mga state prosecutors ng DOJ, Inquiry ng Congress, In Aid Of Legislation ng Senate, Commission On Human Rights, ang ideang Truth Commission at Special Investigative Commission ng MILF, lahat sila ay gustong makibahagi sa pag tuklas ng katotohanan.
Nawa ang imbistigasyon ng bawat grupo ay makatulong upang ang hinahangad nating linaw ang siyang mangyari at hindi mauwi sa isang uri ng “Rigmarole” na lalupang makapag papalabo sa issue.
Marami pa ring nakabitin na katanungan na hangga ngayon ay nag hahanap ng wastong kasagutan. Isa na rito ang tanong na: “Alin sa grupong ito sa palagay ninyo ang pinaka credible na Public Inquiry na puweding sandalan, paniwalaan ang findings na katangap tangap sa magka kabilang panig at makapag bibigay ng hustisya sa ating FALLEN 44?”
QUOTABLE QUOTES
“Injustice anywhere is a threat to justice everywhere.” – Martin Luther King, Jr.
“I’m for truth, no matter who tells it. I’m for justice, no matter who it’s for or against.” – Malcolm X
Photo credit: Philippinen Nachrichten