Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

CHALLENGING TIMES

$
0
0

Mga kabataang ma-a-asahan na ng bayan. Alamin natin kung papaano inuhubog ang ating mga kabataan sa wastong direksyon. Ayon kay NYC Asst Secretary Victor Del Rosario nakatoka sa kanila ang pag-tetrain sa mga kabataan para nang sa ganun mas maging responsible at maging effective sila sa kanilang mga tungkulin bilang mga nahalal na SK officials.

Mas pinalawak na serbisyo publiko ng PCSO. Ayon kay GM Alexander Balutan nag increased na ito ng 27% from the previously years so yung mga natulungan natin na talagang tumatak sa kanilang mga puso na.. dahil nadugtungan yung buhay, buhay sila dahil sa tulong ng PCSO.

Ating sundan ang mga programa at mas pinalawak na serbisyo publiko ng PCSO. Ito ang inyong Kasangga, JR Langit. Ang pangunahing papel ng National Youth Commission, ating alamin. Ako po si Pareng Rey Langit.

Inyong naponood sa aming Programang pang telebisyon, “KASANGGA MO ANG LANGIT” na inyong palagiang sinusubaybayan tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes y medya (10:30pm) sa PTV4.

With NYC Asst. Sec. Victor Del Rosario

YOUTH IS OUR FUTURE HOPE

Ang mga kabataan ngayon ang future leaders ng ating bansa. Kaya naman itinatag ng pamahalaan ang NYC o National Youth Commission upang pangalagaan ang kinabukasan ng ating mga kabataan lalong lalo na sa larangan ng pulitika.

Ayon kay Victor Del Rosario, Asst Secreary ng NYC, pangunahin nilang responsibilidad ang pagbuo ng mga panuntunan para sa ikabubuti ng kabataan at makipag ugnayan sa mga Local Government Units upang matiyak na mayroong mga nakalatag na programa para sa kabataan.

SPECIAL PROJECTS AND PROGRAM

JR Langit: Ano anong mga programa ng national youth commission ang nais naisagawa nito para sa kabataan?

Vic: Well marami tayong nagawa, but let me focus dito sa ating mandato para sa sangguniang kabataan, bakit ko po hinahigh light ito, sapagkat yung ating mga SK ang siyang elected leaders ng ating bansa nung naibalik sila nung 2018 nag karoon ng election ng Mayo dahil sa batas republic act 10742 or yung SK reform act 2016 yung NYC kasi po ay inatasan ng batas na maging incharge po sa mandatory at continuing training ng ating mga SK officials so nakatoka po samin na itrain sila para nang sa ganun mas maging responsible sila, maging effective sila, maging capable sila sakanilang mga tungkulin bilang mga nahalal as SK officials so yan po ang pinaka una. Our budget is for SK naka focus. Sa number 2 may mga special projects and program din tayo na talagang ginagawa natin over the years at saka itong mga international exchange program natin itong mga deserving natin na mga leader ng kabataang Pilipino pinapadala po natin sila sa ibang bansa parang sa ganun magkaroon sila ng exposure to learn specially on aspects ng governance.

THROUGH IMMERSION

Nakatutok ang NYC sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan dahil bukod sa sila ay mga halal na opisyal…malaki ang posibilidad na sila rin ang maging opisyal ng ating pamahalaan sa hinaharap.

Yung national youth parliament lahat na mga sector ng kabataang Pilipino sa buong bansa, more than 200 youth leaders ay pinag isa sa Davao City at yung output nila magkaroon ng mga youth bills yung mga panukala na isusulong. Nung December din sa bagiuo nagkaroon ng national youth summit, lahat ng mga halal na SK federation president sa buong bansa, 1700 ay pinagsama sa bagiuo para mapagusapan kung paano nila patakbuhin yung kanilang respective council, SK council. Meron din tinatawag na mga government intership program. OJT ito, yung mga nag oojt pinapatrabaho sa NYC for immersion at sila naman ay may mga kaunting allowances at aside from research. Napakahalaga ng policy making, extensive yung research pagdating sa kabataan.

Kung si asec Del Rosario ang tatanungin, mas nais nyang magkaruon ng hiwalay na departamento ng pamahalaan para sa mga kabataan at hindi isang simpleng komisyon lamang.

REPRESENTING 30 MILLION FILIPINOS

JR Langit: Kayo po ba ay humihingi ng tulong sa ating gobyerno para mapalawak pa ito ?

Vic: Yes, infact nga po ito personal ko na advocacy, inisyatibo ko sinusulong natin yung pagkakaroon ng youth affairs kasi sa ngayon po sa kasalukuyan yung national youth commission mandato po nasa batas po yan napaka limitado po although alam naman po natin na talagang gingawa ng kasalukuyang administrasyon ang lahat para sa kapakanan ng kabataan pero yung NYC limitado tayo e kasi policy making lang tayo at coordination we are not in executive department where we can implement major projects and programs kalat po yung mga programa ng gobyerno sa pangkabataan bawat ahensya may kanya kanya po at yung budget po natin sir hindi po siguro kayo makapaniwala we are representing 30 million filipinos 21 million on which would be voters in 2019 napakalaking sector hindi lang kami ang ngayon kundi ang kabataan pa ang kinabukasan pa pero yung budget po namin is only hundred seventeen million a year.

Sa pamamagitan ng hiwalay na departamento, naniniwala si Asec Del Rosario na mas matutugunan ang mga pangangailangan ng kabataan sa bansa lalo na sa larangan ng edukasyon.

ACTION PRIORITIES

JR Langit: Para sa inyo po ano yung nakikita niyong problema na mabilisang dapat aksyunan ?

Vic: Nako po kuya sir napakarami pong issues nilista ko nga eh at number 1 jan syempre yung edukasyon pa rin. According sa data 3.6 million yung out of school youth natin ngayon hindi nag aaral pero itoy bumaba kasi napakaganda yung program ani president yung batas sa universal tertiary, universal access to quality tertiary act or yung libreng martikula or tuition para sa mga nag aaral sa kolehiyo malaking bagay yun ganun pa man patuloy yung challenges pagdating sa edukasyon sa out of school youth yung unemployment naten, nasa 1 million pa ren although napaka ganda bumaba na yan, then napakaganda ngayong yung program ni president yung build build build talagang nag gegenerate ng mga trabaho kasali na jan yung mga sector ng kabataan nanjan yung mental health problem depression maraming kabataan ngayon ang depress, suicide, sabi nga sa pgh atleast 1 person is admitted dun sa issue of mental health depression. Nanjan ang pagtaas ng hiv nakakabahala , kuya 32 cases everyday, infections everyday 80% of each ay mga kabataan so talagang kabataan ang mukha ng hiv ngayon. Nanjan ang teen age pregnancy, 25 babies ang ipinapanganak bawat araw na galing po yan sa mga nanay. Ang road accidents na mostly sa mga victims ay kabataan pero ang nakakabahala po talaga sir ito itong green ph project nagsasabi dun 7 out of 10 filipino youth don’t have a dream in life nakakabahala po yan walang pangarap so yan ang talagang gusto ko sanang matutukan.

At siyempre hindi nawawala ang pangamba ng NYC sa mga kabataang nagugumon sa bawal na gamot at mga kabataang nahihikayat na maging rebelde.

PATRIOTISM TOWARDS OUR COUNTRY

JR Langit: Ano pa po asec yung future plans ng NYC?

Vic: Well may mga special projects tayo, priority natin malaking usapin ngayon yung anti insurgency napaka aktibo yung pagrerecruit ng mga makakaliwang grupo kaya yung chairman naming si cardema is very passionate on his advocacy na talagang icultivate natin yung sense of patriotism, nationalism, love for country para hindi sila maengganyo madala ng mga makakaliwa. Number 2 yung disaster preferness kailangan din ng mga kabataan na manguna dun sakanilang mga kalayunan pagdating sa pagtulong sating gobyerno pagdating sa disasters and kalamidad at magkaoon po tayo ng special projects dito sa project happy tungkol sa hiv awareness program kasi napakahalaga at ah magkaron din po tayo ng special projects fit feel ito yung hikayatin yung mga kabataan to engage healthly living and healthy lifestyle mag eexcercise para healthy yung pangangatawan at the same time para mailayo sa bisyo ng droga.

Samantala mas pinalawak na serbisyo publiko ng PCSO, ating talakayin.

Sa aming pakikipanayam kay PCSO GM Alexander Balutan.

GM Balutan: Sabi ng ating pangulo kailangan no balance out of billing na. Out of the bucket ng maralitang mga pasyente. So yun po yung major accomplishment natin.

JOB GENERATION

Mas malaking pondo, mas maraming matutulungan. Ito ang pangunahing prinsipyo na sinusundan ni GM Alexander Balutan ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes office. Bukod sa tulong medical para sa ating mga kababayan, napakaganda rin ng resulta ng job generation ng PCSO.

Isa sa pinakahuling proyekto na nilahukan ng PCSO ang malasakit centers, kung saan pinag isa na ang mga ahensyang pinagkukunan ng tulong upang hindi mahirapan ang mga nangangailangang may sakit nating kababayan.

NOW 67 BRANCHES NATIONWIDE

JR Langit: Tuloy tuloy pa rin po ang pag tulong na ginagawa ng PCSO.

GM Balutan: Ah.. that’s correct po impact from original 52 branches namin nationwide from PCSO kung saan nag hihingi tayo ng tulong sa mga kababayan natin sa mga probinsya eh naging 67 na branches na ito nationwide, bawat isang branch na ito merong pondo po na tumutulong for example sa Davao 850,000 a day ang inuubos po diyan. Sa Nueva Ecija 1 billion a day so na uubos po yung mga pondong ganun at mailapit natin ang tulong medical doon sa mga probinsyang malalayo lalong lalo na yung mga tawid dagat pa tulad ng mga island and municipalities and provinces kung saan doon pa sila sa mainland at hindi na nga inaabot. kung minsan may mga istoryang ganyan yung pasente nila doon sa syudad para lang makahingi ng tulong.

Isa sa mga masigasig ring nagsusulong ng Malasakit centers sa pakikipag tulungan sa PCSO at iba pang ahensya ng pamahalaan si SAP Bong Go. Kasabay ito ng pangangalaga rin ni Go sa ating mga kabataan.

ONE STOP SHOP

For more than years na kasama niya si pangulo hindi sila mahilig sa publicity pero alam namin na napakaraming kabataan Pilipino ang natulungan nila at nung nakaupo na si pangulo si sap bong go talaga number 1 yung malasakit center niya what a brilliant idea walang nakaisip ng ganun one stop shop, alam namin sa buong pilipinas ngayon ang daming kabataan ang nakikinabang sa libreng gamot sa libreng pahospital, sa financial medical assistance. Number 2 yung kanyang sport led activities na talagang nagbigay ng encourage sa ating mga kabataan at alam po naming na si sap bong go ay naging instrumental para mailmplement yung libreng tuition para sa ating mga kabataan. Milyon milyong mga kabataan ang nakikinabang, just very lately sir napakalaking tulong ni sap bong go yung released ng guide lines from DBM on the youth of SK funds na talagang matagal ng hinintay ng ating mga SK.

Upang lalong mapalawak ang serbisyo publiko, plano ng PCSO na palawakin ang operasyon ng Small town lotter na mas pinipili na ngayon ng ating mga kababayan kumpara sa illegal na jueteng at iba pang illegal numbers game.

FUTURE PLANS

JR Langit: And lastly Gm ano po ang inyong future plans para sa 2019.

GM Balutan: Of course kailangan nating paigtingin ang fund generation natin, ang iniisip nga namin mga new gamings ang papasok ay yung tanong kanina mga online beting pag aaralan namin yan kasi iniisip natin na baka mag plateau ang fund generation ng PCSO dahil nalatagan na natin ang probinsya ng STL at mahigit kumulang sa 12,000 na outlet ng lotto nationwide at titignan nating kung how we can stretch yung imagination ng PCSO para makakalap ng pondo at ito naman eh pag nag karoon ka ng malaking pondo off course iincrease din ang ating mga beneficiaries dito and will continue also to expand yung mga branches baka mag dagdag pa kami ng lima o anim, lalo na doon sa malalayong lugar.

EMERGING TECHNOLOGY

Pinag aaralan na rin ng PCSO ang paggamit ng App para sa mas mabilis na pagtangkilik ng mananaya. Hindi natin maitatangi na ang emerging technology ay makatutulong ng malaki sa isinusulong ng PCSO sa pagpapalawak pa ng mararating ng kanilang gaming.

JR Langit: Kung pwedeng makagamit ang messaging app para po sa pagtaya ng ating mga kababayan na gusto pong tumaya sa PCSO sa inyo pong gaming.

GM Balutan: Yes, yun nga ang iniisip ngayon ng PCSO, aming pinag aaralan kung saan tatargetin natin ang ating class A, B,C ng ating populasyon, makataya din sila kasi merong mga iba dyan na hindi na makapunta sa mga outlets natin they can access or bet in their own homes kung saan ang sinasabi nating text beting pero merong mga legal impediments dito may mga ahensya raw na sinasabi kanila raw yung gaming na ito. Proprietary rights daw nila ito, kaya malamang may mga legal battles kami, e-aassest natin ito kung pwede natin I launch ito kasi may mga issues na dapat dapat nating i-klaro muna.

SUMMATION

Hindi natatapos sa isa o dalawang training ang paghubog sa mga kabataan para maging maayos na tagasilbi sa bayan. Hindi rin natatapos sa isang matagumpay na proyekto ang pagbibigay ng mas malawak na serbisyo publiko sa mga nangangailangan nating kababayan.

Ganyan ang target ng National Youth Commission at Phil Charity Sweepstakes Office sa patuloy nilang pagpapayabong sa kanya kanya nilang tungkulin sa sambayanan. Hindi tumatalikod, patuloy nilang inaharap ang iba’t ibang mga pagsubok at hamon ng panahon na dumarating. Ito ang tinatawag nating challenging times!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trending Articles