Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

BIYAHENG OFW SA SOUTH KOREA

$
0
0

Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa’y samahan ninyo kaming bisitahin sila, ito po si Pareng Rey at JR Langit ang inyong Kasangga Team. Ang ating istorya ay hango sa aming Programang “Biyaheng Langit” na inyong napapanood tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes (10pm) sa PTV4.

“Nagkaroon ng stampede noong year 2006, August. Nag walk-in lang ako sa POEA ang daming tao, daming aplikante first day pala kasi nung mga nag-apply. Nagkaroon nga ng stampede sa POEA. Isa po ako dun sa mga applicants na nka experience noon. Ganoon na lamang ang dagsa ng tao ng mag-bukas ang South Korea. Ganoong karami ang nag a-apply dinagsa. Kaya grabe ang pila noong panahon nyun. Pinag daanan ko yong hirap na yon.”

SUCCESS STORY

Fred: Maganda ang buhay ko dito sa Korea, maganda trabaho ko. So far ang income ko maganda. Ang company namin ay consistent sa overtime. Sumusunod sa rules and regulation ng labor dito sa South Korea. Maganda ang aking buhay kahit malamig ang temperutura. Yon lang kapag mainit, sobrang init naman.

College graduate si Fred Rosal, Bachelor of Science In Agriculture, Major In Animal Science, ilang months lang niya nagamit. Dahil dumating na nga itong Korea. Nung nasa Pilipinas pa siya talagang mahirap ang kanilang buhay. Hindi nila nabibili yung gusto nilang bilhin, di siya nakakapunta sa gusto nilang puntahan. Bagamat nakapag tapos naman silang lahat na magkakapatid sa college.

Fred: “Sa Pilipinas ang trabaho ko sales agent, sa isang pharmacy sa beauty ako nagtrabaho, then nag trabaho rin ako sa SM. Iba’t iba ang napasukan ko. Bago dito nag apply sa South Korea.”

STRUGGLE

Ang kahirapan ang nag udyok kay Fred para mangibang bansa. Yung sahod dati ay maliit. hindi kayang bumuhay ng pamilya. Pumanaw ang kanyang ama noong 3-years-old pa lang siya. Kaya nanay na lamang niya ang nagpalaki sa kanya. Pito silang magkakapatid na isinulong ng kanyang ina. Nag titinda-tinda lang ang kanyang inay para mapagtapos lang sila.

Fred: Inisip ko agad noon pano kung mag-pamilya na ako, ano mangyayari sa mga anak ko. Ayokong maranasan ng mga anak ko yung mga naranasan ko. Nakita ko yung mga kapatid ko, lahat sila nag-abroad. Seaman ang 3 kapatid ko. So parang na-inspired ako, naitanong ko sa aking sarili, bakit dito nalang ba ako sa Pilipinas? Bakit hindi ko rin i-try sa ibang bansa, kasi supposedly ang gusto kong kurso ay nursing or kung hindi naman mag-seaman din ako kaya lang nga wala kaming pera. Financial pa rin ang problem hindi naman kami pwedeng mag sabay-sabay sa college. Tinadhana talaga ako dito sa South Korea. Hindi ko naman alam itong Korea, actually kasi hindi naman ako matalinong tao. Ni hindi ko memorize ang flag nitong Korea, pero dito ako dinala ng tadhana.

LUCKY DAY

Papasok ako nun sa trabaho si Julius Babao napanood ko siya, nag announce siya ng 10,000 na katao daw ang kailangan sa South Korea. So nag try ako the following day, tamang-tama day off ko yon.

Fred: Hindi alam ng POEA kung saan ang pila ng mga aplikante sa dami, nagkagulo na nga. Doon palang sa entrance, magulo na. Pinapunta kami sa basement takbo na naman kami, pero sabi nga worth it naman yung pagod, sa awa ng Diyos nakapag exam at nakapasa naman sir.

JR Langit: Kumusta naman ngayon ang basic ninyo dito?

Fred: Okay naman, kaya ngayon ang basic na dito sa South Korea is 1. 5 million won lampas mga 75,000 pesos or around 72 to 75 depende pa yon sa company depende pa yun sa company tapos depende kung may pabonus pa sila or kung mayroon pa silang ibang increase sa na ibinibigay sayo sa depende po yun.

JR Langit: Bilang factory worker yon?

Fred: factory worker po, dumating ako dito 2007 talagang factory worker tsaka factory worker naman yung ina-apply-an ko that time. Matagal siya bago naka pag adjust. Dalawang buwan ring nag-iiyak si Fred. Talagang hagulgol, talagang parang hindi niya kakayanin.

HOMESICKNESS

Fred: Ang hirap ng trabaho ko sa first company ko, napaka hirap yung tubugan at tunawan ng bakal na halos kung makikita lang sayo na puti naka overalls kami tapos mata lang nakikita, napaka dangerous pa. Tapos yung usok talagang ang hirap, tapos dalawa lang kami. Ang problema pa yung isang kasamahan ko umalis din after few months mag-isa nalang po ako hindi narin ako tinanggal hindi narin ako nirelease na kasi that time pwede kaming mag pa released kaya lang di ako nirelased non kasi wala na ngang ano so pinagtiyaagaan ko yun ng isang taon. Lumipat si Fred ng ibang mapapasukan, ngayon maganda na yung time, ngayon talagang as in homesick na tapos sa trabaho.

Ang pino-problem nya ay ang communication nandoon pa kasi yon 100% na hindi siya marunong ng Korean language. Nagaaaral siya ng Korean language pero yung offer nung Korean language ay 60 hours lang. Paano ka ba matututo? Matututo ka ba sa 60 hours?

NOT SUITABLE JOB

Fred: August so naka adjust po ako sa weather pero yung trabaho talagang inalisan ko yun kasi po kung tuloy tuloy ang visa ko don or don na ako magtatrabaho habang buhay. Hindi tatagal ang buhay ko kasi after work maliligo kami, puro alikabok talagang itim na itim po ang buong katawan mo kase tumatagos yung alikabok sa katawan mo.

JR Langit: Ano naman yung trabaho mo, yung ginagawa mo sa factory?

Fred: Machine operator din po pero yung machine opera- machine nasa isang kulob din, nandoon na siya sa tubugan, yung tunawan ng bakal kaya langhap mo lahat, lahat ng chemical nalalanghap narasanasan ko po yun tinapos ko lang yun 1 contract ko.

JR Langit: Fred paki kwento naman samin yung magandang nangyare sa buhay mo itong swerte na dumating syo na magmula sa manufacturing lincensed to skilled.

Fred: Noon kasi yung e9 visa and 7 visa pag nag apply ka dito sa Korea pag dating mo dito sa Korea ang visa mo is e9 visa non skilled worker, ibig sabihin yung company mo is meron kontrata lang na after 3 years bibigyan ako ng kontrata and then kapag nagustuhan ka 1 year and 10 months na ibibigay sayo parang bonus na yon and then uuwi ka ng Pilipinas. Then mag e-exam ka na naman, kapag nakapasa ka pwede kang kunin ng amo mo ulit. Noon last last year mag a-apply sana ako sa e7 visa, ang e7 visa naman is iba yung requirements niya which is qualified naman ako, college graduate.

JR Langit: Ano yung pagkakaiba ng pamumuhay mo ngayon kumpara nung araw sa Pilipinas?

COMFORTABLE LIVING

Fred: Buhay ko ngayon mas sasabihin ko maganda. Mas madami na kong investment ngayon, mga na na invest ko ngayon sa Pilipinas medyo ok na siya kumpara noon na walang wala talaga kahit kahit pang lakwatsa pang bili ng underwear or t-shirt walang pambili kasi kulang. Kasi sahod mo pang kaen mo lang.
Dito libre kain libre bahay, may binibigay yung employer.

Mayroon siyang mga negosyo sa Pilipinas. Mayroon siyang Spa sa Tandang Sora, Quezon City. “Megz touch of wind and slimming Spa” nilagyan niya ito ng parlor. Meyroon din siyang Skin Facial. Maliban dito may roon din siyang tindahan ng used clothings, Ukay Ukay store na gusto pa niyang dagdagan ng branch. Maniwala kayong nag invest na rin siya sa stock exchange. Binigyan niya ng puhunan ang kanyang kapatid na distributor ng Supplements.

WEAKNESSES

Fred: Maganda ang kita rito pero kung waldas naman, wala rin. Mostly mga Pinoy dito waldas, shopping doon, shopping dito, punta doon mangbabae, mag bar, mag casino may mga kilala ako niyan at inaabuso talaga umuuwi silang luhaan.

Si Fred ay isang machine operator ngayon bagamat kahit saang linya siya ilagay hindi naman siya tumatangi. Ano man ang ipagawa sa kanya ng boss niya sinusunod niya. Kaya halos na ikot na niya ang lahat ng mga machines sa kanilang kumpanya. Wala siyang social life sa South Korea. Kahit na maroon siyang sasakyan ay hindi rin siya nakagagala. Straight 3 years na lagi siyang pangabi. Kaya itunutulog na lamang niya ang kanyang umaga.

PLANS and COMMITMENT TO ACHIEVE

Fred: Kasi may goal ako sa buhay alam ko kailangan ko ng may target akong sahod within this month dapat kailangan kong maka sahod ng ganito kasi may pupuntahan yung pera kasi may mga babayaran property. May nabili na kasi akong property sa tagaytay, may house and lot akong 2 sa bicol, isa then sa bulacan. Yun sa bicol pinatayuan ko ng malaking bahay and then sa bulacan naman bumili kami sa subdivision.

Kahit pagod na pagod na si Fred hindi pa rin niya alintana. Health o kalusugan ang lagi niyang inaalala. Kaya naman hindi niya kinakaligtaan na uminom ng vitamins upang may panlaban siya sa kapaguraan.

CHALLENGES IN LIFE

Fred: Sige sige lang kahit 2 days straight kaya ko yan, 36 hrs of duty kaya ko yan sir.

JR Langit: Once a week, ang day off ba every Sunday?

Fred: Sunday, pero may trabaho pa rin kami.

Iba-t-ibang pag subok ang umabot sa kanya. Ang discrimination hindi nawawala. Kahit na nakatutulong ang mga South Korean sa kanya, matindi pa rin ang discrimination. At naroroon pa ang language barrier na madalas hindi sila mag kaintindihan.

Sa trabaho iba’t-iba ang makakaharap mo. Kung ano man ang personalidad nila kailangan mo yun tanggapin. Pakikisama mo lang sila.. lahat naman siguro dito sa buong mundo sa iba’t ibang lahi merong ganun mga mentality. Kunting umaangat ka gusto kang hatakin pababa. Pero hindi ako nagpapatalo. Doon lang ako sa goal ko, focus lang ako sa goal ko.

Kung paano nilalabanan ni Fred ang intriga sa kanyang trabaho. “Sabi nga the best revenge to your enemy is to ignore them. I’m just ignoring them, kung ano man ang sinasabi nila hindi ko na pinapansin.”

Isa sa mga OFW na aming nakapanayam ay si Fred. Sa Korea na nakilala ni Fred ang kanyang napangasawa. Sa South Korea na rin pinanganak ang kanilang unang supling. May sariling pamamaraan si Fred kung paano niya nilalabanan ang kanyang boredom o kalungkutan. Nanunood siya ng movies, madalas niyang ka-chat ang kanyang pamilya sa Pilipinas. Mayroon rin siyang isang beer o isang soju, Korean beer na pampatulong.

LOW-STRESS CAREER PATH

Fred: Nag put up ako ng mga negosyo if ever man na hindi man palarin mayroon akong uuwian sa Pilipinas magiging stable pa rin yung buhay namin. Hindi kami magugutom hindi ma eexperience nung anak ko yung mga na experience namin noon.

JR Langit: Mahirap bang maging citizen dito?

Fred: Ang hirap sir ang daming requirements. Aminado ako na hindi ako matalino pero masipag ako. At
tsaka matiisin, yun ang panlaban ko dito sa South Korea. Hindi ako madaling matuto, slow learner ako pero machaga ako tsaka masipag ako.

JR Langit: Ano yung maiaadvice mo sa ating mga kababayan, sa ating mga televiewers na gusto din sumubok ng kapalaran dito sa Korea?

Fred: Pag igihan mo yung trabaho mo, dapat stick ka lang sa company mo kase pag okay ka naman sa company yung performance mo, mag bibigay naman ng bonus yan. Sa amin maswerte na ako kasi meron kaming 100% bonus sa company. Tapos always pray. Number one yan. Pray lagi. And then Korean language nga dapat mag-aral ka.

Ilan pang paalala sa mga nagbabalak na makipag sapalaran sa South Korea dapat maipasa yung exam na ibibigay ng POEA at ng HR de Korea. Prepare youself, maging matatag, study Korean language. Homesickness ay number 1 na kalaban ng mga nag tatrabaho sa ibayong dagat. Labanan yung tukso, bisyo. Kapag kumikita na mag-save kayo.

JR Langit: Mayroon ka bang gustong batiin sa Pilipinas?

Fred: Binabati ko po pala yung mga taga bicol na relatives ko. Sa misis ko kay jane, sa anak ko si kylie and then mama beth at sa mga kapatid ko.
Sa mga relatives ko sa Pilipinas… Merry Christmas sa inyo, Happy New year and see you soon.

BRIDGING THE GAP

Samantala sa kagandahang loob ng GLOBE TELCO Face time sa ating OFWs at kay Sap Bong Go.

JR Langit: Hello senator, narito kami sa South Korea kasama ang mga kababayan natin rito.

OFWS: Anneong Hasseo Senator.

Rey Langit: Magandang pagkakataon ito at na-contact ka ni JR. Opportunity ito Sap para sa ating mga OFW, na merong concern related sa legislation, tamang tama kapag ikaw na ang naka upo pwede mong gawing priority itong legislation sa Senado. Alam kong hindi pa napipirmahan ng presidente ito, ito ay hindi pa ganap na batas. Nag woworry lang sila, may concern sila, sandali lang…. nasan yung isa na nag explain sakin kanina? O sige sabihin mo kay Sap Bong go yon concern ninyo.

OFWS: Magandang hapon. May concern lang kami tungkol dun sa SSS tsaka napasa na bill 2018 yung kay Senator Gordon kasi ang pag kakaintindi namin pag na-implement yun, mawawala na yung oportunidad na binibigay ng Korea sa amin. Pwede naman sanang mag lagay ang SSS ng tao dito as a representative para ma-settle namin yung mga ano namin sa SSS. Kung wala silang tao pwede rin naman iattouch nila sa halimbawa sa pag labas namin sa bansa sa OEC o di kaya sa membership OWWA pag nag renew kami willing na willing po kaming mag bayad sa aming SSS, kaso nga lang wala kaming malapitan dito wala representative ang SSS wala kaming mahingan ng assistance kaya ayun ang kinababahala namin.
Kasi pag napirmahan na ni Pangulong Duterte yan both, yung OFW tsaka ang government ng Pilipinas wala namang makikinabang tanging ang mga amo namin tsaka Koreans ang makikinabang. Pagkaka intindi namin lahat ng OFW sa buong mundo ang ima-mandatory. So kung ipapa-implement maaapektuhan yung magandang opportonidad na binibigay sa amin. Nangangamba kami na mawawala yung mga benificiaries yung magagandang binibigay dito samin, which is napaka laking tulong sa amin, pag uwi namin yun talaga ang inaasahan namin.

SAP Bong: Sige kunin mo yung number ko kay JR Langit, tapos ibato mo sa akin yung ditalye ng concern mo na yan, sasagutin ko agad, sisilipin ko ngayong linggo. Yung sinasabi mo kakausapin ko si Sen. Gordon at babantayan ko sa opisina ni Pangulong Duterte kung ano yung maitutulong natin.

OFWS: Ok ok senador thank you

SAP Bong: Alisin ninyo yong pangamba ninyo

OFWS: Maayon adlaw

SAP Bong: So ibato mo sakin yung detalye please ah.

OFWS: Ok po sir ok po sir

SAP Bong: Salamat.

OFWS: Thank you sir asahan ninyo kami asahan niyo po kami, 101% suportado namin kayo .

SAP Bong: Salamat po, salamat

JR Langit: thank you, thank you SAP Bong.

Hangang sa susunod na pagtatanghal, ito po si Pareng Rey Langit siguradong hindi kami mauubusan ng kwentong Pinoy, dahil sa bawa’t sulok nang mundo ay may Filipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipag lakbay sa aming “BIYAHENG LANGIT”


Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trending Articles