Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

ANAK TV SEAL AWARDS 2018

$
0
0

Muling tumangap nang parangal ang ating mga palatuntunang “Kasangga Mo Ang Langit” at “Biyaheng Langit”. Mga programang kinilala ng Anak Tv Seal Awards na katangap tangap sa ating mga kabataan na palagian ninyong napapanood sa PTV4 tuwing Biyernes ng alas diyes (10pm) ng gabi.

RECOGNITION OF ACHIEVEMENT

Ako na si Pareng Rey at Kasangga JR Langit sampu nang aming Staff at crew sa ilalim ng HIP TV Inc. ay nagpapa abot nang aming taos pusong pasasalamat sa taon-taong pagkilala ng Anak TV Seal Award sa aming mga palatuntunan. Makakaasa po kayo na lalu pa naming pag iibayuhin ang pag hahatid ng Kaalaman at Aral hindi lamang sa nakatatanda kung hindi patina sa ating mga kabataan.

Gayon din ang aming pasasalamat sa lahat ng ating mga masugid na tagapanood at mga kaibigan na nag paabot ng kanilang pagbati.

Sa pagsaludo ng pamunuhan ng MIT Messenger sa pangunguna ng kanilang Chairman Kj Kim at CEO James Lee. Magkakasama kaming nagdiwang sa muling pagtangap ng pagkilala ng Anak TV Seal Award 2018 ng aming mga palatuntunang pang telebisyon na Institution na sa larangan ng Public Service, sa paglilikod sa ating mga mamamayan dito at sa ating OFW sa ibayong dagat.


ANAK TV SEAL AWARDS


INTERNATIONAL AND KOREAN ENTERTAINERS

Nakapiling rin namin sa araw na ito Dec 7, 2018 ang ating Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao at pamosong Korean K-Pop group na Chic Angel.

Hindi naging sagabal ang grupo ng Korean entertainers na Chic Angel sa routine practice ni PacMan para sa kanyang papalapit na laban sa Enero 2019. Katunayan nag pamalas pa ng dance number ang korean entertainers kay Senator Manny bilang paghanga sa Pambansang Kamao.

Sa ginawa naming exclusive na pakikipanayam ni Kasangga JR Langit kay Senator Pacquiao kanyang ibinahagi ang kanyang ginagawang preparasyon sa kanyang panibagong laban at mga dumadalaw na kaibigan sa kanyang ensayo.

“Nag sisilbing insperasyon ko ang mga yan na dumadalaw sa aking practice, lalo na sila, ang Chic Angel ay galing pa sa Korea.” Ayon pa kay Manny.

Ang pagdalaw sa bansa ng grupong Chic Angel ay upang makita ng personal ang Pambang Kamao at suportahan ang pormal na pag lulunsad sa Filipinas ng MIT Messenger sa Manila Conrad Hotel nitong nakalipas na Dec 4, 2018.

NUMBER ONE ENDORSER

Si Senator Manny Pacquiao ang nangunang international figure na nag endorse sa MIT Messenger dahil naniniwala siya sa magandang hangarin ng internet platform na ito para sa ating mga mamamayan.

Sen. Pacquiao: “Alam kong malaki ang maitutulong ng MIT Messenger sa atin. Ang modern technology na ito ang future para sa ating mga kabataan, malaking tulong sa ating mga negosyo at communication sa anomang panig ng mundo. Ang social media, platform na MIT Messenger ay pakikinabangan ng husto ng ating mga OFW sa abroad sa pakikipag usap nang libre sa kanilang mahal sa buhay sa pilipinas.”


With Chairman KJ Kim of MIT MESSENGER


 

GUEST SPEAKER

Sa gabi nang parangal at pormal na pag lulunsad ng MIT Messenger, naging pangunahing taga pag salita si Department of Labor Secretary Silvestre “Bebot” Bello III. Sa kanyang mensahe, binigyan niya nang pagpapahalaga at pagkilala ang maitutulong ng MIT Messenger sa ating mga OFW. Kanyang pina unlakan ang pagkakaloob ng pamunuan ng MIT Messenger na espasyo sa kanilang internet platform ang mga OFW mula sa iba’t ibang dako nang mundo. Upang mabilis na maparating ang kanilang mga hinaing at concerns sa tangapan ng Dole. Upang lalong mapabilis ang serbisyo para sa ating mga Overseas Filipino Workers sa alin mang panig ng mundo in the spirit of Public Service. Dumalo rin sa pagtitipon ang Social media blogger na si Ms. Mocha Uson at nag bigay ng kanyang maikling mensahe. Dumagsa ang napakaraming media friends.

SPIRIT OF PUBLIC SERVICE

Nasundan nang ilang minutong lectures ng mga Korean technology expects, sa kanilang pagsasalita ibinahagi nila ang pag kakaiba ng MIT Messenger sa mga kasalukuyan nang mga social media platform tulad ng Viber at Facebook. Nagkaroon rin ng signing of MOU sa ilan pang partners ng MIT Messenger. Ibabahagi rin ng PAGASA ang mga updated weather reports at forecasts sa kalagayan ng panahon bilang bahagi ng Public Service ng PAGASA-DOST at MIT Messenger.

GAMES & ENTERTAINMENT

Bilang host nang pagtitipon aking inanyayahan ang ilan nating mga bisita na sumali sa isang katuwaan at patimpalak. Gamit ang MIT Messenger app sa kanilang personal na cellphone, ang unang tatlo (3) na makatatawag sa aking Cellphone Number ay tatangap ng tig iisang gadget, tulad ng iPad. Tatlong mga taga-media ang nag wagi, ngunit ang hindi ko inaasahan na halos umusok ang aking personal na cellphone sa dami nang tawag, sa walang tigil na ring tone.

Naitala ng MIT Messenger ang may 305 calls sa aking cellphone sa gabing iyon, na lingid sa aking kaalaman ang lahat pala ng mga guests ay mabilis na nka pag download ng MIT Messenger app. Ito’y bahagi lamang ng Special episode na ating ipalalabas sa ating Kasangga Mo Ang Langit program sa PTV4 na napapanood tuwing Biyernes ng alas diyes ng gabi.


Senator Manny Pacquaio, the Kasangga Team Pareng Rey & Jr Langit w/ the K-pop group Chic Angels.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trending Articles