Ang inyong lingkod ay naanyayahan bilang kinatawan ng Pilipinas sa ginananap na “International Convention on Peace & Prosperity” ng asian region nitong nakalipas na Nov. 15, 2018 na ginanap sa Seoul, South Korea at dinaluhan ng mga delegado mula sa mga bansa sa Asia Pacific. Ang highlight ng pagtitipon ay nakasentro sa magandang panimula nang pag kakàsundo ng bansang dating mortal na magkaaway na South Korea at North Korea.
Ang gusot na ito ay dati nang pinangangambahan nang marami nating OFW sa South Korea, may mahigit na animnapung libo (60,000) mga kababayan natin ang nag hahanap buhay dito, ang ilan ay nagka pamilya na at na naninirahan sa South Korea. Isang malaking karangalan na ako ay mapili nang South Korean Government upang maging kinatawan mula sa pribadong sector at grupo ng mga mamamahayag mula sa Pilipinas.
SYMBOLIC EVENT
Sa anim na mga bansa sa Asya, tayo ang napili na umakyat sa stage at mamagitan sa South Korea at North Korean representatives habang binabasa ang historical at symbolic na “Announcement of Declaration of Peace.”
Kasama ko ang Kasangga Team sa pangunguna ni JR Langit, kami ay inanyayahan kasama ang mga kinatawan ng ibang bansa sa Asya na saksihan ang mga pagbabago sa JOINT SECURITY AREA ng DMZ o kilala sa tawag na Demilitarized Zone. Ito ang boundary ng South at North Korea matapos nilang tangalin ang mga matataas na uri ng armas, sandata na nakaumang sa magkabilang panig sa nakalipas na ilang dekada.
Ang tinawag na armistice agreement ay nilagdaan noong Korean War upang matigil na ang sigalot sa magkabilang panig. Ngunit hindi pa rin ganap na tumahimik noon ang North at South Korea.



Visit of Asian delegates at a DMZ or Demilitarized Zone.



WEAPONS-FREE BUFFER ZONE
Mula ngayon ang boundery na ito ay magiging “weapons-free buffer zone” na. Bagamat hindi pa tapos ang usapin ng sinasabing nuclear weapons ng North Korea.
Bagama’t ang boundering ito ay kinatatakutan ng marami ay patuloy pa rin na dinaragsa ng mga local at foreign tourists. Milyon milyon ang tinatayang pumapasyal sa pook na ito taon-taon.
Hindi napigilang hindi bangitin ng North Korean speaker sa convention ang nagawang force labor sa kanilang kababayan ng mga sundalong hapon noong panahon ng guerra na sinabi nilang hindi naging sapat ang naging pahayag ng opisyal ng Japan na “i am sorry!”
SCARIEST PLACE ON EARTH
Minsan na itong tinawag na “scariest place on earth ” ni dating Pangulong Bill Clinton nang America.
Ito ang dating kinatatakutan at pinangangambahang lugar sa ating planeta.
Tayo ay nag silbing saksi sa mga bagbabago rito. Kamakailan lamang ay pinayagan na sa kauna-unahang pag kakataon na mabisita ang kanilang mga kamag anak sa South Korea nang mga pami-pamilya ng naipit noong gierra at naging idwaan ng South at North Korea. Makalipas ng may dalawang linggong pag bisita ng mga taga North, sila ay sinundo ng North Korean Government upang muling bumalik sa loob ng North Korea.
FUTURE & EXCITING EVENTS
Sa darating na December 2018, si North Korean President Kim Jong Un ay tatawid naman sa South sa paanyaya ni South Korean President Moon Jae-in. At sa susunod na taon ay maaaring payagan na ang delegasyon ng South Korea na pumasok naman sa North Korea. Kung papalarin at muling maaanyayahan, maaaring masaksihan ninyo sa pamamagitan nang Kasangga Team ang makasaysayang kaganapang ito.
Ang kilalang Demilitarized Zone ng magkabilang panig ay minsan nang ginawan nang istorya noong 90’s sa pamamagitan ng music video nang pamosong bandang SEO TAIJI & BOYS na naging pamoso sa buong daigdig lalo na sa mga Koreano.



I was called upon on stage to witness the symbolic “Announcement of the Declaration of Peace” bet. North & South Korea.
BONDING WITH OFWs
Hindi dito nag tapos ang ating mission sa South Korea. Tayo ay naanyayahan rin na bisitahin ang ilan nating mga kababayang OFW sa Seoul, South Korea. Pinakingan natin ang kanilang mga daing at problema na may kaugnayan sa kanilang mga trabaho. Amin silang kinapanayam at ito ay mapapanood ninyo sa ating “BIYAHENG LANGIT sa KOREA” na palagian ninyong sinusubaybayan tuwing Biyernes ng alas diyes ng gabi (10pm) sa PTV4.
SUMMATION
Sabi nga nang kasabihan, walang permanente sa daigdig na ito. Ang lahat ay nag babago sa pag lipas ng mga panahon. Isang napaka gandang ehemplo ang kasaysayang ito ng North at South Korea. Dating mortal na mag kaaway, makalipas nang ilang dekada, pinag hilom rin ng panahon ang kanilang mga sama nang loob. Natuto rin silang mag patawad sa isa’t isa. Sa kasagsagan nang aming mga pagpupulong sa loob ng hotel, nagpa tuloy din demonstration ng mga mamamayan sa labas ng gusali dahil napag alaman nila na dumalo ang delegasyon ng North Korea sa ginanap na convention.
Bagama’t hindi pa lubusang natatapos ang ilan pang mga issues sa pagitan nang South at North Korean, sa ating nakita at nasaksihan naroroon na hangarin nang mag kakabilang panig na tapusin na ang kanilang gusot.






During the 2018 International Convention for “Peace And Prosperity” in the Asia Pacific (Nov 16, 2018) Philippine delegate Rey Langit together with the North Korean official was called on stage by Chairman An busu of South Korea.