Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan samahan ninyo kaming bisitahin sila. Ito po si Pareng Rey at JR Langit ang inyong Kasangga team.
Buhay sa loob ng seminaryo, kanyang kinalimutan upang tugunan ang pangarap na makapang-gamot ng may karamdaman. Ito si Dr. Eusebio Paglinawan, limang kurso sa kolehiyo kanyang tinapos lahat ng ito konektado sa pang-gagamot. Kilalanin natin ang nag-iisang Pinoy Urologic surgeon sa Cambodia at alamin kung ano nga ba ang ginagawa ng isang Urologist.
A SEMINARIAN
Doc Eusebio: Ang past life ko kasi is seminarian and then I commited again myself when my father died to become a doctor. So devoted ako sa aking pagiging duktor.
Ang ating istorya ay hango sa aming Programang “BIYAHENG LANGIT”
na inyong napapanood tuwing Biyernes ng gabi ng alas diyes (10pm) sa PTV4.
Dahil sa kanyang kabaitan, madalas hindi na siya nababayaran. Kanyang mga ginagamot, patuloy namang nadaragdagan. Sa Cambodia hindi lamang siya duktor na nang-gagamot ng may karamdaman, para sa kanyang mga pasyente, isa siyang anghel na may kakayanang magpahaba ng buhay ganunrin ang tumulong sa lahat ng nangangaylangan.
FILIPINO SURGEON SA SIEM REAP
Kilalanin natin ngayon ang nagiisang Pinoy Urologic surgeon sa Cambodia at alamin kung ano nga ba ang ginagawa ng isang Urologist.
Siya ang kauna-unahang Pinoy Urologic surgeon sa Siem Reap Cambodia. Dito sa Reaksmey International Clinic amin siyang natagpuan. Ito si Dr. Paglinawan, ang tumatayong Deputy Director ng klinika.
JR Langit: Doc paki-kwento po sa amin yung buhay niyo noon sa Pilipinas bago po kayo nagpunta sa Cambodia?
Doc Eusebio: Marami akong course na natapos. I’m a person na hindi ko despise na mag aral, wala akong rest sa pag-aaral.



FIVE COURSES SA COLLEGE
Tubong Davao si Dr. Paglinawan, aniya nilisan niya ang seminaryo upang magtungo sa Maynila at dito magtapos ng kolehiyo. Nag seminarian siya bago naging ganap na doctor. Nang pumanaw ang kanyang Ama, doon niya pinag tuunan ng pansin ang kanyang pag aaral hangang makapag tapos ng medicine. Limang kurso ang natapos niya sa kolehiyo.
Doc Eusebio: Nakatapos ako ng med tech, medical technology. Nakatapos ako ng AB bachelor of Arts Master in Natural Sciences, marami akong kurso. So when I graduated as a doctor, dumaan ako, first, med tech sa FEU then Manila Central University, as doctor of Medicine. Then after nag specialize ako sa Serious Medical Center as Urologist. Urologic surgeon ako ngayon.
Urologists ang tawag sa mga tulad niyang espesyalista sa pangagamot ng may mga karamdaman sa urinary tract, kidneys, urinary bladders at sa reproductive organs ng mga lalaki.
LIFE IN MANILA
Doc Eusebio: I function as Urologic Surgeon in Metro Manila all over Metro Manila. So siguro ang lifestyle ko sa Manila is I visit almost 7 hospitals every day. Always travelling. Up to Cavite Area.
Hanggang sa isang kaibigan ang nang-engganyo sa kanyang subukan ang kapalaran sa ibang bansa.
Doc Eusebio: I started working in an international hospital as a surgeon. Pero ang function ko naman doon is Urologic surgeon at the same time general surgeon. Tapos when my mother died I went home in davao tapos pagbalik ko dito na ako sa Reaksmey Angkor international clinic. Kasi one time ininvite ako ng friend ko na kausapin ko yung director. From that day he appointed me as Deputy director, on that day when I saw him. I became the Deputy Director of this clinic up to now.
INTERNATIONAL STANDARD
Dahil na rin sa ganda ng kanyang educational background at sa dami ng eksperyensa sa pangagamot, madali siyang napasok at napromote.
Marami ang nasasakop ni Doctor sa pag papatakbo ng Clinic. Iba’t-iba ang kanyang function. Siya ang Deputy Director ng Clinika, at sa absence ng Director siya ang nag-mamanage ng buong Clinic. Napa angat niya ang dating pangkaraniwang clinic sa isang International standard.
Doc Eusebio: what you see now is already upgraded and renovated up to an international standard. Lahat ng equipment lahat ng ano ako ang nag facilitate na magkaroon ng international standard to compete. Because Siem Reap City is an International city also. So yun ng ang target ko ngayon. To keep up with the International standard.
Sa ngayon si Dr. Paglinawan lamang ang nag iisang Pinoy na Urologic surgeon sa bahagi ng Siem Reap, Cambodia.
JR Langit: Tapos yung mga kapwa doctors ninyo, ibat-ibang lahi na sila?
Doc Eusebio: Most of the doctors they are Korean doctors. one obstetrician Korean doctor and one ct-scan doctor. And there is one Cambodian doctor and the owner is a regional doctor he’s a Chinese.
I function both in all fields here. Nasakop ko na pati general surgery, urology, internal medicine, sakop ko na yung mga problematic case. Ako na ang nag hahandle and I control the way na dapat ma-implement ang international standard.
MISSION AT CHARITY WORK
JR Langit: Ano po yung karaniwang idinadaing ng mga Cambodians sa inyo? Tsaka ano po yung ibinabayad nila sa inyo kapag ganun na wala silang pambayad?
Doc Eusebio: Dito ang mga pumupunta sa clinic na ito yung mga nakaka afford, although they try very much to pay for the clinic, ang payment kasi dito standard ang fee, hindi naman masyadong mataas.
Kaya lang sobrang hirap ng mga Cambodians, pupunta sila dito sa clinic, magpapagamot sila sa mga duktor kung grabe na. Ang mga common illness dito yung sa mga gutom. Yung mga malnourishment or ulcer, mga diseases caused by Hygiene. Kasi yung history nila hygiene eh.
Nabibilang ang Cambodia sa isa sa pinakamahirap na bansa dito sa Asya, kaya naman, marami sa mga ginagamot ni Dr. Paglinawan ay walang pambayad.
Doc Eusebio: siguro ako yung doctor na hindi yumayaman. Kasi kapag nakita kong umiiyak na yung pasyente naawa na ako. Yung professional fee minsan nalimutan ko na.
Para sa kanya sapat na ang mga ngiti buhat sa mga napapagaling niyang pasyente. Ang kanilang taos pusong pasasalamat ay hindi mapapantayan ng pera at anumang materyal na bagay.
Ang challenge sa profession ni Doctor Eusebio ay kung papaano makapag liligtas ng buhay, “how to save a life” ika-nga. Simula’t sapul ito na ang kanyan advocacies. Marami na siyang natulungang mga katutubo sa Pilipinas, mga Aetas, muslim, mga naninirahan sa mga slum areas sa south ng Pilipinas. Pinupuntahan niya mga liblib na lugar at ito ang nag bibigay sa kanya ng kasiyahan at pansariling kaligayahan. Tulad ng mga challenge na dumarating sa kanya ngayon, iba’t-ibang karamdaman ng mga cambodians ang kanyang tinutugunan, at kapag napapagaling niya, ito ang nag bibigay sa kanya ng lubos na satisfaction.





PIECE OF ADVICE
Ang mensahe ni doctor sa mga nag nanasang maki pagsapalaran sa Cambodia, dapat na mag isip-isip na mabuti. Dahil hindi rin basta basta ang buhay rito. Marami rin daw ang hindi sineswerte. Dahil wala naman talagang recruitment para sa mga workers ang Cambodia na nangyayari sa Pilipinas. Kadalasan nag tutungo sa Cambodia bilang turista, ang iba ay adventure na mag ahanap ng trabaho. Nag oover stay sila, ngunit wara pa ring makitang mapapasukan. Kaya marami ang nagsisibalikan sa Pilipinas na bigong makakita ng trabaho sa Cambodia.
JR Langit: Ano po ang karagdagang mensahe ninyo sa ating mga kababayan sa Pilipinas, dun po sa mga tao na gustong sumubok ng kanilang kapalaran dito sa Cambodia?
Doc Eusebio: Hindi ganoon kadaling makakita ng trabaho dito. Ang medical hindi nga click dito eh. Kasi kakaunti lang ang mga medical institutions dito na hiring for medical people kasi the rate of Filipino doctors is high. Hindi nila kayang bayaran ang Filipino doctors eh. Ang mga nurses din hindi nila kayang bayaran. Kasi kung minsan marami kasi na Cambodian company na they prefer Cambodian people kasi mas mababa ang pay.
SUMMATION
Dahil sa kanyang kabaitan, madalas hindi na siya nababayaran. Hindi naman lahat ng bagay ay Pera. Kanyang mga ginagamot, patuloy namang nadaragdagan dahil ito ang kanyang mission at adbokasiya sa buhay.
Sa Cambodia hindi lamang siya duktor na nang-gagamot ng may karamdaman, para sa kanyang mga pasyente, isa siyang anghel na may kakayanang magpahaba ng buhay ganun narin ang tumulong sa lahat ng nangangaylangan.
Hanggang sa susunod na paglalakbay ito po si Pareng Rey, siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong patuloy na pakikipag-lakbay sa amin ni JR Langit sa ating “Biyaheng Langit.”