Bahagi ng documentary report ng KASANGGA MO ANG LANGIT team sa makasaysayan at makabuluhang rehabilitation ng Boracay Islands, ang pasimula ay hinatid na namin ni JR Langit sa pamamagitan ng PTV4 (10pm) noong Biyernes. At ipagpapatuloy natin ang pagsubaybay upang malaman ng sambayanan ang buong kaganapan sa isla.
Habang binabantayan ng KASANGGA Team ang Boracay Countdown tayo ay na anyayahang mag moderate sa media forum ng Kapihan sa Aklan.
Apol Zaraspe: I represent KBP chairman of Aklan I have to make some announcement. Kagabi kasi nakausap namin ni chairman Rey Langit si Tourism Asec Ricky Alegre this is with regards to the initial pronouncement ng DOT na merong mga restrictions specially sa trimedia na gusto mag cover sa Boracay. So sinabi ni Asec Alegre na yung restrictions na yun ay nagbago. So pwede na tayong mag extend beyond 5pm at unescorted. Pwede na tayong mag tour ng Boracay kahit saan natin gusto just to cover kung ano ang nangyayari sa Boracay. It’s a big privilege especially sa members ng trimedia sa province ng Aklan. That’s all for now.
Bilang moderator ng “Kapihan sa Aklan” pinabati ko muna ang guest resource person of the day na si Mayor Ciciron Cawaling ng Malay Town, na siyang nakakasakop sa Boracay Island.
Mayor Cawaling: Sa lahat ng Aklanon po nagpapasalamat ako ng malaki, inimbitahan ako ng kapihan sa Aklan ng sa ganun makapag paliwanag naman ang inyong lingkod, ang municipality of Malay. Kailangang kayanin natin, kailangang ayusin natin. Ang hinihingi ko lang sa Aklanon, the province of Aklan magkaisa tayo. We must be united. Sa ganitong paraan sandali lang naman ang 6 months. Baka mamaya 3 months maayos na natin yung problema. Nandyan naman lahat ng national government agency na sumusuporta sa atin.
Let’s be united Aklanon kailangang magtulungan tayo lets say sa rehabilitation kung anong maibibigay natin na tulong sa rehabilitation ng island of Boracay napaka laking bagay na maibibigay natin sa o maiaambag natin sa ngalan ng turismo. After the rehabilitation ofcourse mabalik naman tayong lahat doon.



Aklan Media Forum
Rey Langit: Tulad po ng iba pa nating mga kasamahan sa media, ako po ay narito to be part of the very historical na count down. At patuloy na mag mo-monitor sa kapakanan po ng lahat ng parties, lahat ng mga stakeholders, lahat ng mga mamamayan na bahagi po ng event na ito. Tayong nasa Media ay may obligasyon na iparating po sa ating mga televiewers, sa ating mga listeners sa radio, sa mga mambabasa sa print kung ano po nangyayari sa Boracay Island.
At ito po ay magandang pagkakataon sabi nga, from the horse’s mouth so to speak. Naririto mismo no less than the Mayor himself si Mayor Cawaling. Tayo po ay mag sisilbing tulay para makarating po sa sambayanan ang first hand info para hindi kayo na co-confuse sa mga fake news. These are the group of media men who are very much concerned sa mga magiging development na ire-report hindi lamang sa sambayanang Pilipino kundi sa buong mundo patina sa mga OFWs abroad.
Q & A sa Kapihan
Bilang panimula ng Question & Answer sa Media forum. Para sa ating mga Pilipino napakahalaga ng Islang ito ng Boracay, gayon din sa mga banyagang napalapit na sa kanilang puso ang Boracay. Inalam natin kay Mayor kung gaano ang preparasyon at ginawang pag ahanda ng local government sa rehabilitation na ito ng Isla.
Mayor Cawaling: Actually Rey ang local government of Malay nandyan, preparado tayo meron tayong 6 months action plan. Naayos na namin yan and of course kung sasabihin natin kung ano ang nararamdaman natin, excited tayo, tsaka parang kinakabahan. Nakikipag ugnayan naman sa atin ang national government agencies kung ano ang mga programang ibibigay nila. Lalo na sa mga ma di-displace na workers sa island. 17 thousand na workers, that is formal workers and the informal workers total of 38 more o less na ma di-displace, yun lang nasa loob ng isla hindi kasama yung buong Aklan.
Noong unang mag declare ang ating mahal na pangulong Duterte about the cesspool sa Boracay, yung area na yun baka hindi alam ng ating mga mamamayan sa Aklan hiwalay yun dito sa long beach na 4 kilometers the cesspool na dineclare. Doon po yun sa eastern side sa Balabag site na kung saan andoon po yung outpool ng sewerage and treatment plant o STP ng TIEZA and managed by Ayala group of companies. So ang kailangan talaga roon ay i-rehabilitate yung area because yung STP natin yung original STP na dyan. Nilagay sa barangay Balabag halos hindi na functional yun eh. Parang ilang taon na rin. Then gumawa ng bago ang Ayala group of companies dito sa side ng Manoc-Manoc ng STP na hindi talaga kayang anuhin yung dami ng business establishments sa island of Boracay. Kailangang i-rehabilitate and ito. The sewerage treatment plant at saka itong drainage system of the island ng Boracay kaya nga sumulat ako Rey sa DPWH kung pwede kailangan itong mga technical people to make a plant for the whole island of Boracay specially the drainage system yung isahan lang na plant, and nagpapasalamat naman ako sa DPWH sumagot naman sila sa ating request.
Problematic Sewerage Treatment
Hindi alam ng lahat kung gaano ka complicated ang sitwasyon dito sa Boracay at kung ano ang gustong i-address ng ating national government, not to mention ang mga violations sa easement na 30 meters mula sa shore.
Sa pag ikot namin kasama ang team ng “KASANGGA MO ANG LANGIT” sa pangunguna ni JR Langit maraming self demolition na ng mga establishments ang nasimulan, gayon din ang expansion sa main road, ang zoning na hindi talaga sinunod at ang forest land na alam naman natin by law na no build zone pero natayuan pa rin.
Ang pinaka-seryosong problema ay ang sewerage treatment plant na hindi sapat upang ma-accommodate ang lahat ng establishments. Ang treatment plant ay nag di-discharge pa rin ng ginamit na tubig sa karagatan. Ito ang seryosong nakaka pollute sa karagatan, at kung papaano ma po-protektahan ang tubig ng beach ay isang prioridad. Sa panahong ito marami ng makabagong technology, nariyan ang system na hindi na itatapon o nag di-discharge ng anomang ginamit na tubig ang isang establishment.
New Technology
Rey Langit: Mayor, have you thought of an idea o technology na pupwedeng ma address yung very specific na problem na yun na hindi magiging pollutant sa ating beach o karagatan?
Mayor Cawaling: Meron tayong ordinansa Rey na requiring resort owners 50 rooms and above na magkaroon sila ng sariling STP. Yung STP na yun kailangan humingi sila ng discharge permit sa DENR para i-discharge doon sa drainage system. Sa ngayon marami akong nakakausap tungkol dun sa pag solve ng problema and the last group na naka usap ko Rey ay itong mga Korean group na nagpakita sa akin kung papaano ma so-solve ang problem ng hindi na tayo magtatapon sa drainage system but within their jurisdiction. Yung area nila yung resort andon mismo ma ti-treat nila yung tubig. So yung waste water natin na ito ay mati-treat at mare-recycled para muling magamit ng establishment walang tapon. 99% na walang tapon. Kung may kaunting sludge, lets say 1% ito ay puwedeng magamit na fertilizer at walang odor.
Yun ang nakikita kong solusyon and after this kailangan ma review ko ng husto yung ordinansa namin sa STP. Sa ngayon kasi ang treatment plan ay kailangan i-discharge pa. Kasi mMalinis yun ang sabi nila, but kung ito ay recycled, gagamit pa ito ng resort like sa gardening, like sa CR noh so mas maganda yung ire recycle yung waste water nila sa ano na lang nila para hindi na tayo magka problema sa drainage system na kung saan ang drainage system kasi papunta yan sa dagat noh. Actually ang drainage system natin is solely intended lang para sa rain water para wala tayong problema.
Ang tubig na umiikot o recycled at hindi idi-discharge ay malaking kapakinabangan sa karagatan o kalikasan. Ang treated water na pwedeng gamitin sa washing, sa shower at ibang pangangailangan sa bahay, bagamat maaaring hindi potable na pweding inumin.
Mayor Cawaling: Well of course sa waste water at sa new technology pwedeng magamit po yan, kahit inumin mo kasi meron tayong new technology na yung maruming tubig pwedeng gawing malinis, depende po sa class ng water treatment system na gagamitin.
Water Savings
Rey Langit: So ito po ay magiging less costly sa establishments dahil hindi tataas ang consumption nila sa tubig kasi umiikot lamang po sa kanila yung treated water na yon.
Mayor Cawaling: yeah tama yan kasi kung may binabayaran sila sa tubig ngayon, at kung magkaroon sila ng proper technology na ito within their area sa resort. At ma rerecyle lang ang tubig o ma gamit na hindi na lalabas sa gusali o building at gamitin na lang sa gardening, para sa CR o sa washing malaking kabawasan yun sa babayaran nilang tubig siguro 50% na babawas sa kanilang kunsumo, because instead na gumamit sila ng 100% sa water utilities o water providers ma ka cut yun, because of the new technology pwedeng bumawas dun sa babayaran nila.
Road Widening
Kaugnay ng road widening, bago pa pormal na pumasok ang DPWH sa Isla nagkaron na ng mga self demolition ang mga establishments. Bagamat ang problema naiwanang bukas ang ilang mga drainage na pwedeng maka aksidente sa mga nagdaraan, laluna sa gabi. At kanilang mga tinabas na concretes ay naiiwanan lang sa side walk.
Mayor Cawaling: Actually Rey yung unang pa buksan ko yan from Balabag diretso sana yan hanggang station 3, but yung ginawa ko ginawa ng engineering department tapos na yun, eh because pumasok yung provincial government pumasok itong BIWC tsaka itong microasia, so nagkaron ng parang clastering dito. Lets say pagpasok ng provincial government, so natigil yung inumpisahan ko. Pinalagyan ko na yung parang straight na road na yon ng bakal para hindi ma disgrasya yung dumaraan, so natapos dun, siguro about a kilometer from barangay Balabag down ito. Dito banda sa cramp nung sa station 3 going down. Yun naman ang inano ng provincial government so syempre andoon sila, ok magtutulungan yan tama. Yung sinabi ninyong mga debris na binungkal doon sa drainage system so yun na ng dapat alisin natin at saka yung dapat tabunan yung mga butas na yung na binutas nila dapat wag iwanan yun.
So kailangan kung wala silang pagtatapunan yung central mrf pwede namang ipa hakot yun papuntang mrf.
Kasi mayron tayong area, so ganun kailangan lang ang tamang action na gagawin. Kung may problema the local government andon palagi to coordinate to cooperate with the different government agency, national provincial o what so ever andyan tayo.
TIEZA’s Mandate
Hindi maaalis na hindi pag usapan ang issue ng responsibility dito, halimbawa ang mandate ng TIEZA na maliban sa promotions, malawak ang kanilang responsibilities sa development at supervision nang Isla. Hindi masyadong naririnig na pinag uusapan ang active involvement ng TIEZA.
Mayor Cawaling: Ah thank you Rey itong TIEZA dati itong Philippine tourism authority. Ang TIEZA kasi ay ang implementing agency ng department of tourism especially sa mga infrastructures.
Ang problema natin katulad nung sa drainage and sewerage yun ay under talaga sa TIEZA at saka ayala so dapat sana yan ay ma i-turn over sa local government kahit yung drainage system para ma monitor natin ng husto ng local government. Lets say private yan syempre kung ano yung proyekto nila dapat i-monitor nila, sila dapat mismo ang mag mo-monitor but sa lahat ng oras, kasi ang local government ang natural ang masisisi dyan ang mayor ah rey. Kasi jurisdiction ng mayor ang area na yan so lahat ng problema kahit hindi problema ng mayor si mayor ang sisisihin nyan.



Rey Langit: Kaya na i-raise ko lang po yang clarification na yan mayor, fair is fair dahil baka naman hindi lang po nakakarating sa media, sa amin ang tinatrabaho ng TIEZA. As far as I can recall nag cover po ang kasangga mo ang langit team, na program sa television at nag document way back year 2005 ang contribution noon ng Tieza, nang tourism authority pa ito, ang paglalagay nila ng incinerator, na hindi po na maximize ang gamit sapagkat alam naman po natin na bawal ang usok, bawal po ang pag sunog ng basura na nag dudulot ng pollution dito sa Isla ng Boracay. Nung naikabit na nila yung incinerator wala na rin kaming nabalitaan. Wala na po kaming narinig na iba pang ginawa po ng tieza mayor baka naman hindi lang po nakarating sa amin.
Ineffective Incinerator
Mayor Cawaling: Well tama yan yang incinerator na yan because during I think nung unang umupo ako eh may ibinigay na incinerator sa amin pero ilang buwan lang yun nagamit dahil maliit lang naman and we back of waste in the island of Boracay so yun parang lang doon sa pwedeng ma sunog so wala pa tayong sewerage system noon. Pumasok ang PTA na ngayon ay tieza yun nga naumpisan yung 100% na manage by PTA before dito sewerage treatment plan. So kung pag usapan natin ang sa ating waste noon po ako Rey mayron tayong 22 thousand cubic meters of ah waste na iniwan sakin that in 2014.
Ito kasi yung daily basura natin more or less 17 tons a day sa ngayon yung iniwan na yun na solve ko yun nung umupo ako. Kasi yung trailers na hindi na nagha haul from the island of Boracay na dapat I de deliver doon sa sanitary landfill natin sa mainland so nung umupo ako within more than 2 months na solve natin yun. Na haul ko lahat nung 22 thousan cubic meters na yun I trinansfer ko sa mainland at katulong ko yung mga haulers. Kasi wala tayong pera noon, only 5 million and I need 22 million just to haul that waste from Boracay down to the mainland’ so ang ginwa ko tinawag ko lahat ng haulers association, tumulong sila sa akin. Ang sabi ko akin ang gasolina, ang tao, ang truck ang bag sa inyo para ma solve lang natin yung problema ng basura sa isla. So nakipag tulungan sila sa akin.
Binigyan ako ni Secretary Cimatu ng 17 days to solve the problem of waste of the island of Boracay. So within 13 days na solve ko.
Yun nga nagpapasalamat sya na solve ko kaagad sa waste management, complete kasi tayo sa budget dyan almost yung environmental fee natin Rey na 110 millions nacollections natin inalis na roon ang 17 million para sa provincial government na share nila na 15% almost 90% of that environmental fee nakokolekta ng local government napupunta sa solid waste natin. So 86 million nyan 234,000 napupunta yan sa sweldo lahat ng mga services para lang ma solve natin yung problema sa waste.
Rey Langit: How true mayor na yun pong binabayad sa environmental fees ng mga pumapasok sa Boracay, last year halimbawa, sa computation kung 2 million ang mga guests na local at foreign, meron pong hundred fifty million (150 million) revenue, sa LGU po ba ang punta nito?
Collection And Share
Mayor Cawaling: Actually nong 2017 kumolekta tayo ng 127,693,220. ang collection now 15% of that 127 million’ napupunta yan sa provincial government as their share. So about 17 million napupunta sa provincial government na share na yun, dapat gamitin sa isla ng Boracay base sa ordinansa natin. yung share ng environmental fee kailangang dun gamitin sa tourism and environmental protection of the island of Boracay. Yung sa atin sa local government of Malay ginamit lahat yan sa sweldo ng tao, sa hauling lang 38 millions ang budget ko dyan for the year so doon napunta halos lahat ng environmental fee. Service natin sa sweldo hauling kasi malaki yan so dun napupunta. So yung 157 million 115 million mataas yun, dahil yung mga Aklanon naka registered nga sila pero free wala silang bayad, nakalista sila sa arrival sa registration at isa pa yung 20% na mga students, mga senior citizen, yung mga pwd bawas din yun, libre sila kahit kasama sa bilang at registration. We have down to 127 at syempre naka resibo yan, ganyan ang totoong nangyari sa environmental fee.
Rey Langit: Sa lumitaw na report sa media for the year, something like 56 billion in receipt sa tourism alam ko sa national government po napupunta ang nabanggit na revenues. Ano naman po ang share dito ng LGU sa 56 billion na ito?
Goes To Aklan Province
Mayor Cawaling: yung 56 billions na yun na total tourism receipts ang lahat ng pumapasok dito sa Boracay. Malaki ang naibibigay ng Boracay sa province of Aklan, hindi po sa local. Nagbibiro nga ako, sabi ko kahit isang billion lang sana bawat taon ang ibigay sa Boracay island hindi tayo magkaka problema. Yung mga drainage system na may problema maso-solve natin yan. But ang share lang ng local government of Malay ay based sa IRA, internal revenue allotment. So annually yung sa buong isang taon itong 2017 binibigay ang share lang ng Boracay ay more than hundred million yun, lang ang share. Because maliit din ang lupa ng Malay maliit rin yung population. Dun sa income tayo babawi so tatlo yan population, land area and income, yun nga ang masakit, pero masakit man sa atin eh dapat sana malaki ang magiging share ng local government of Malay because we were making money of about 56 billions. Kahit isang billion lang sa loob ng isang taon ibigay nyo sa bayan ng Malay para wala na tayong problema pati yung buong Aklan.
Mag Ihigpit Muna Ng Sinturon
Rey Langit: kung ang responsibility ay sharing po sa business sector, stake holders, ito pong mga small and medium scale enterprises na naron, sana pagdating sa revenues eh ganon din. Malaking sakripisyo po kung mawawala po ang mga tourist in 6 months definitely affected po yung revenue for the national, affected ang revenue for the LGUs na mangagaling sa environmental fees.
Mayor Cawaling: Tama yan rey, kasi tinanong ko na sa accounting natin sa 2018 mayron nakong budget, ang local government of Malay mayrong budget na 500 millions now itong 6 months na to nakikita namin na mga 200 millions ang mawawala sa local government so yung 5 sa 2019 yung 200 millions na yun na mawawala sa kaban ng bayan ng Malay because of closure, lahat ng madi displace, lahat ng business na mawawala, sabi ko mag mag hihigpit tayo ng sinturon muna. Kung 6 months matatapos kaagad yung lugar ok, kung less than 6 months mas lalong ok, at yun nga malaki lang ang epekto sa collection ng local government more that 200 millions ang mababawas doon sa effective budget natin for the next 2019.