Ang matagal nang problema ang basura ng Boracay island, ating balikan sa dokumenaryo ng ating kasanggang si Reyster Langit.
Kamakailan ay tinawag na cesspool ng ating Pangulong Rodrigo Duterte o tapunan ng basura ang dati ay mala paraisong dagat sa Boracay island at inirekomenda rin ng inter agency committee na ipasara ng isang taon ang isla para tuluyang malinis. Bagamat 6 na buwan lang ang pananaw naman ng Pangulo. Sa pagpasok ng taong dalawang libo, kasabay ng pagdami pa ng tao at turista sa Boracay ay nagkaroon na rin ng tatlong truck para humakot ng basura na itinatapon sa maliit na dumpsite sa isa sa tatlong barangay ng isla.
FINALLY
Matapos ang mahabang panahon, kumikilos na rin ang pamahalaan upang ayusin ang napabayaang paraiso. Paano umabot sa puntong nais nang ipasara ang Boracay island dahil sa basura, ating alamin.
Noong 2005, tinatayang nasa apat na raan pa lamang ang mga business establishments sa Boracay island at pumapalo pa lamang sa halos kalahating milyon kada taon ang turistang dumarayo duon. Sa kasalukuyan, libu-libo na ang establisimiyento at milyon na ang pumapasok na turista sa isla.
Malinaw rin na mas nangibabaw ang negosyo kaysa pagpapahalaga sa kalinisan ng mala paraisong isla. Sa ginawang pakikipanayam ni Kasanggang Reyster kay Glen Sacapanio, ang Barangay Chairman ng Balabag noon, ipinagtapat na masama talaga ang loob niya dahil concern sila sa mga pangyayari, dahil Barangay nila ang unang apektado dito, habang pinagtatalunan pa ang National at local na pamahalaan kung ano ang dapat na gawing paraan para rito.



FLASHBACK
2005 ay nagpalabas na ng dokumentaryo ang Kasangga mo ang Langit hinggil sa problema sa basura ng Boracay. Nakapanayam din ng Kasangga team noon si Karen Reina ng Boracay Chamber of Commerce.
Karen: “Ecologically , environmentally you know the environment of Boracay is very sensitive it’s very fragile and it is not able to withstand the influx of so many visitors to the island now were also not saying we don’t want them here what were actually saying is we need to put in the proper infrastructure before we actually go out and promote the island because there so many things that are not in place there are boats out there people don’t want to see boats you know the mode of transportation its pollutive its all those tricycles are smoke belchers and not only air pollution there’s also noise pollution we get many complaints about the noise that the generators that the tricycles are generating and theres the power the power is not enough or I don’t know what it is but the service of the power right now is not up to part and when we expect more people to come in its going to be taxing all those resources not to mention the water the storage ecologically.”
CARABAO-DRAWN
1980’s pa ay problema na ng Boracay ang Basura. Sa katunayan, dalawang kalabaw na may kariton lamang ang pang hila nila ng basura at sa mainland pa itinatapon ang mga basura mula sa isla. Hiniwalay nila ang mga nabubulok, nagkaroon pa ng color coding para sa mga hindi nabubulok tulad ng plastic, de lata at iba pa, ngunit marami pa rin ang hindi makasunod sa polisiyang ito. Nagsisimula pa lamang makilala noon ang Boracay ay nagkaroon agad ng krisis nang mapabalita ang e-coli bacteria sa maganda nitong karagatan.
Sa pagpasok ng taong dalawang libo, kasabay ng pagdami pa ng tao at turista sa Boracay ay nagkaroon na rin ng tatlong truck para humakot ng basura na itinatapon sa maliit na dumpsite sa isa sa tatlong barangay ng isla. Ang problema, maliban sa lupang pantakip sa mga basura sa dumpsite, napakarami ring residente at establisimiyento ang hindi sumusunod sa segregation.
SURRENDER
Ganito naman ang mariing tugon ni Glen Sacapanio, Baranggay Chairman ng Balabag sa naging katanungan ni Reyster Langit.
Reyster: S ir ang nangyayari ho yung mga kasamahan ho ninyo , yung kabaranggay ho ninyo sumusunod dito pero yung residente ng ibang brgy e hindi naman nagpapatupag ng segregation system.
Glen: Ganun na ang nangyayari kasi titingnan natin na nakikita namin dito sa dumping site talagang malaki na ang volume talagang bumalik na yung dati at ang paniwala ko na maayos ito dahil merong seminar na ginanap sa isla ng Boracay maraming solda leaders na ang dumalo bakit ganun pa rin ang nangyayari kaya yung sa akin lang panawagan ko lang sa lahat ng ahensya na wala na at di na namin ntalaga kaya toh , kung ganito pa rin ang mangyayari na i-jojoined lahat ng bgry sasabihin icocntrol ang dumping site ng management of muncipal government, walang mangyayari ako’y susurender na talaga kung ganyan di maaksyonan ito.
Dahil kapag sinabing control dumping site wala ng mag-tatapon dito ng mixed, na ang ibig sabihin ang tinatapon lamang dapat ay yung nabubulok.
RECYCLE THAT NEVER WAS
Samantalang yung mga pupwedeng irecycle ay ilalagay sa MRF, yung recovery area tulad nang kanilang pinagawa, ngunit nang inspektionin nina Reyster ay wala namang laman ito.
Glen: Wala namang laman at andito sa, humahalo naman dito sa ah nabubulok kaya ano ba to at parang na niloloko ko yung aking mga residente ng brgy Balabag dahil kami sa brgy tuloy yung campaign namin sa segregation tapos ngayon dito sa site andito rin pala ganun din ang sistema.
Aminado ang tigapamahala ng basurahan sa Boracay na hindi sila mahigpit pagdating sa pagpapatupad ng ordinansa sa basura.



ISSUE OF DISCIPLINE
Isa pa rin sa kinapanayam ng Kasangga Team ay si Engineer Manuel De Los Reyes. Iniipon muna raw nila ang basura para hindi sila mahirapan sa pagtatabon o pag cover nito. Pag dating daw segregation hindi nila maasahan ang tao na gawin ito. kaya ang nangyayari ay halo halo rin ang tambak na basura. Kasabay ng pagpapatupad ng paghihiwalay sa nabubulok at hindi nabubulok na basura ang paglikha ng MRF o materials recovery facility kung saan dinadala ang mga basura na puedeng i-recycle. subali’t sinasabing hindi rin ito nasusunod dahil halo halo pa rin sa dumpsite ang mga nabubulok at hindi nabubulok.
Engr: Tatambakan namin ng lupa yan for covering tapos may mga nakita naman siguro ninyo na may mga collectible naman kami dyan na na-segregate.
QUARRYING PROBLEM
Isa pa rin nilang problema sa dumpsite ay ang pang cover o pang tapal at equipment na gagamitin sa maramihang basura na kanilang tatakpan sa araw-araw.
Engr: Sa pantapal, bawal naman dito yon lupa na kukunin at itatambak, dahil sa dineclare ang Boracay bawal ang quarrying sa island.
Reyster: Kung bawal ang quarrying dito, e saan nyo ho kinukuha yung lupa na tinatambak niyo ho sa mga basura?
Engr: ang ginagawa namin humuhukay lang kami mismo dito sa dumpsite na pang cover, nahihirapan din kami na kung doon pa kami kukuha sa mainland e masyadong magastos hindi siguro makaya ng local government na ganyan ang operation na doon pa kukuha sa mainland ng pang cover.
REACTIONS
Para sa isang mala paraiso subali’t napakaliit na isla, hindi naaayon na magkaruon ng dumpsite sa Boracay.
Ayon naman kay Lara Salaver, Boracay Foundation: Actually ang Boracay is not, hindi viable na magkaron dito ng dumpsite because madaming factor, actually the best solution is I transfer yung dumpsite a control dumpsite, doon is zero zero garbage yung magkaron tayo ng segregation at saka recycling at recycling composting etc.
Engineer Manuel De Los Reyes: Sa ordinance ay nakasaad na pwede silang isyuhan ng temporary closure hanggang hindi nila nabayaran ang payment penalty sa violation. Bagamat kanila ring inamin na hindi sila masyadong strikto sa pag oobliga na magbayad at kanilang problema sa mga violators kung sino pa raw ang may kasalanan sila pa ang matapang, at sila na nag papatupad lamang ng ordinansa sila pa ang kinakaya kaya ng mga ito.
Karen Reina: I think Boracay has a lot of potential still it can really be a major it already is but it can be more of a major income generating even for the country what we need to do is fix the infrastructure before we go out and promote the island that is paramount you know importance I mean they’re talking about expanding the airport, expand the airport more visitors are coming in but the resources are not in place you know were not were not even up to the sour age I mean there’s an ordinance for connection not everyone is connected.
SUMMATION
Sa nagdaang mahigit sampung taon mula 1991, nanatiling open dumpsite ang tambakan sa barangay Balabag at pagpasok lamang ng taong dalawang libo nang gawin itong controlled dumpsite o yung araw araw ay tinatakpan ng lupa. Kung susumain ang mga nangyari, malinaw na hindi napaghandaan ang pagiging progresibo ng Boracay pagdating sa basura. Isa sa problemang nakita noon pa sa Boracay ay mas naging mabilis ang pagdating ng mga bisita kaysa sa pagdevelop ng mga imprastraktura na kailangan sa isla.
Malinaw rin na mas nangibabaw ang negosyo kaysa pagpapahalaga sa kalinisan ng mala paraisong isla. Matapos ang mahabang panahon, kumikilos na ang kasalukuyang pamahalaan upang ayusin ang napabayaang paraiso. Laging isa-isip ang kasabihan:
“Basurang itinapon mo, babalik at babalik sa iyo!”