Nakapanayam natin si Feng Shui Master Aldric Dalumpines sa ating INSIDER EXCLUSIVE Program ng PTV4, regular na napapanood tuwing miyerkoles ng alas otso (8pm) ng gabi. At si Master Hanz Cua sa ating program KASANGGA MO ANG LANGIT sa DzRJ 810khz na napapakingan tuwing ala diyes ng umaga (10-11am) Lunes hangang Biernes.
CHINESE HOROSCOPE THEORY
Ayon kay Master Hanz ang Chinese New Year sa taong ito 2018 ay nag sisimula sa araw ng Biernes February 16. Ang Chinese New Year ay kilala na Spring Festival lalo na sa mga bansa sa East Asia.
Ayon sa Chinese horoscope theory ng earth element ay sumisimbulo sa kabundukan. Ang taong ito ay taon ng brown dog, aso na loyal, caring at trustworthy o mapag kakatiwalaang animal sa Chinese zodiac. Ang ugnayan sa pagitan ng Chinese zodiac at Feng Shui element ay patungo sa pananaw na bigyan ng higit na pansin ang agricultura, environment, real estate, religious o spirituality at territorial integrity.
IBALIK ANG SWERTE!
Inaasahan daw ayon kay Master Hanz ang kaginawahan, swerte at kaunlaran sa buong taon ng 2018. Bagamat ang Chinese zodiac ay may kanyang ups and downs. Abangan ang mga magandang surpresang darating sa inyong buhay sa darating na mga buwan. Sa mga isinilang sa Year of the Rat, mag kakaroon daw ng magkahalong tagumpay at kasawian sa taong ito. Kinakailangan raw ng klarong ka-isipan na makatutulong sa kanyang career at reputasyon. Posible raw ang kawalan sa kita, pag ibig at relationships.
Habang tumatagal ang taon makababawi rin naman sa mga nakalipas na kamalasan sa buhay. Ang katatagan at tyaga ang siyang magpapabago sa takbo ng iyong buhay. Ang patuloy na pakikipag ugnayan sa kapwa ang makapag bibigay sa iyo ng tinatawag na positive sources of energy.




TIGER, RABBIT & DRAGONS
Para sa mga Year of the Tiger, ang relationship o pakikipag ugnayan sa ibang tao ay kakaiba. Sila ay magiging emotional, uneasy at mawawalan ng tiwala sa kapwa pati sa kanyang pamilya at mga kaibigayan na magiging malaking kawalan para sa kanya.
Ang mga isinilang noongYear of the Rabbit na nag hahangad ng kanyang fame at fortune ay magiging matagumpay sa taong ito ng 2018. Makadarama ng dagdag na kita sa kanyang trabaho. Sa negosyo makikita ang kanyang pag angat. Bagamat ang emotional disputes o pakikipagtalo gamit ang damdamin ay malaking kawalan para sa kanya. At pag dating sa pag ibig, ang taong 2018 ay hindi aayon sa kanya.
Lumayo sa mga gastusin at investments. Ang mag asawa na parehong Dragon ay makikinabang sa resulta ng magandang pag titinginan at pag aalalayan. Samantalang ang Single Dragons ay nararapat daw mag hinay-hinay at maging matapat upang makamit ang success sa kanilang pursuit sa pag ibig.
REY LANGIT: And lastly, ano ang forecast mo sa Showbiz at Politika?
Master Hanz: Marami ang magra-rise up sa Showbiz, maraming opportunities para sa mga baguhan. Sa larangan ng Pulitika maganda ang inaharap ng ating 2018, maganda ang takbo ng Pulitika at ekonomiya . Sa negosyo patok ang pagkain, restaurant, Internet at On line business. At ang lucky color of the year ay GOLD!
EARTH DOG IS YELLOW!?
Samantala ayon naman kay Master Aldric huwag palilito sa Chinese New Year Yellow Earth Dog sa marketing gimmick naman ng fake Feng Shui sa merkado. Ang mga nasa sign ng Dragon at Dog ay may challenge sa kanila dahil sa bad energy sa taong ito ng 2018.
WATER DRAGON 2018
Malapit sa kanila ang banta ng bad luck, health, wealth at sadness maliban kung ikaw ay Water Dragon na pinanganak sa taong 1928, 1988 at 2012! Sila ay magiging maswerte sa taong ito ng 2018! Ang mga images, decor, laruan o buhay na pet dogs ay maaaring maging hazardous daw sa bahay o trabaho. Makatutulong daw ang mga Feng Shui experts upang malabanan ang ganito phenomenon.
Maaaring simula sa pag lilinis sa inyong tahanan ng mga dog figurine, dog imaged Chinese calendar o giveaways at sinasabing lucky charms na hindi naman pala. Gayon din sa mga tattoo sa katawan na may larawan ng aso o dragon ito ay nag aattract ng kamalasan o Misfortune sa taong ito.
LUCKY COLOR: GOLD
Mga bunsong anak na babae ay namimiligrong magkasakit at mawalan ng kayamanan kung pinanganak sa taon ng Dragon o Dog year, maliban sa 1988, 1928, 2012. Kaya kinakailangan silang mag-ingat. Ang kulay Gold ay maswerting kulay o lucky earth element color ayon sa Feng Shui sa taong ito 2018! Ang green o violet na sinasabing malas na kulay ay wala raw katotohanan. Ito ay isa raw maling akala. Pinalalaganap upang maging mabili ang Feng Shui lucky charms na sinasabing pangontra sa malas.
Ang sinasabing pinaka maswerte sa wealth, health, career, love, lapitin ng Pera ay ang mga pinanganak sa simbulo ng Pig, Sheep, Snake, Rat, Ox, Horse, Rabbit at Rooster. Unlucky sa wealth sa taong ito 2018 ay ang Dragon, Dog, Tiger at Monkey.
UNLUCKY IN LOVE
Signs ng Kalusugan ay ang Ox, Horse, Rooster, Pig. At unhealthy naman daw ang Tiger, Monkey, Dragon, Dog at Rat. Masuwerte raw sa Career ang Ox, Rabbit, Sheep, Snake, Rooster,Pig. At kabaligtaran naman daw sa Rat, Tiger,Horse, Monkey, Dragon, Dog. Sa Pag-ibig, unlucky in Love daw ang Dog, Monkey, Dragon,Horse, Rat, Tiger. At luckiest in love at lovelife ang Sheep, Pig, Rooster, Snake, Rabbit, Ox.
At ito naman raw ang bagong kasabihan:
KONG HEI Feng Shui and LET THE DOGS OUT!