Ano ang Lymphoma Cancer? Ano ang mga symptoms ng karamdamang ito? Ang pamamaga ng lymph nodes, fever o lagnat, matinding pagpapawis, pagbaba ng timbang, pangangati ng katawan, at laging pagod. Kadalasan ang lymphoma cancer ay kumakalat sa baga, sa atay at utak. Ayon sa mga experto ang gamutan nito ay sa pamamagitan ng chemotherapy, radiation therapy, targeted therapy at surgery.
Ka Rey Herrera: Sabi ko nga sa asawa ko, magpapa chemo therapy ako subalit wala kaming sapat na pera. Sabi niya, mamamatay ka din eh mauubos pa yung kabuhayan natin. Wala pa naman nalibreng nagkaroon ng sakit na ganyan. Kaya sabi ko, masama ang loob ko sa nangyaring iyon pero wala akong nagawa. Ipinahatid na lamang nya ako sa San Miguel, Bulacan, para doon na lamang ako maghintay ng kamatayan …
DOCUMENTARY
Minarapat naming i-document ang istoryang ito ni Ka Rey Herrera upang makapaghatid ng mahalagang mensahe sa mga nawawalan ng pag-asa dahil sa kanilang mga karamdaman. Ibinahagi namin ang kakaibang experience na ito ni Ka-Rey sa aming Programang pang television na KASANGGA MO ANG LANGIT sa PTV4 nitong nakalipas na Biyernes (January 26, 2018) alas-diyes ng gabi (10pm) kasama ang ating Kasanggang JR Langit.
MEDICAL FINDINGS
Taong 1995 nang sinabihan ng doctor si Ka Rey na may tatlo hanggang anim na buwan na lang ang kaniyang buhay dahil sa kanyang Stage lV na lymphoma cancer.
Ka Rey: Lumuluha akong umuwi sa San Miguel, Bulacan para maghintay na lamang ng kamatayan. Sa aking pag higa-higa sa ilalim ng puno ng akasya sabi ko, bakit yung mga kambing sa lahat ng hayop hindi nagkakaroon ng peste.
Ginawa niyang panuntunan ang nakita niya sa mga kambing. Bagamat hindi naman niya kayang kainin ang kinakainin ng kambing dahil matinik ang iba.
Ka Rey: Ang ginawa ko po, pinabunot ko yung ugat ng kugon, ugat ng talahib, parang grass, lahat ng klase ng damo na ugat … nagpalaga po ako nun. Tiniis ko. May kapaitan, may kapaklaan … sabi nga nung aking mga kababata noon, baka yung pag inom-inom mo ng ganyan, baka mamatay ka. Ang mahalaga, sabi ko, ay hindi ako nagpakamatay.








SCIENTIFIC BREAKTHROUGH
Unti-unti niyang nilulunasan ang kanyang sarili. Nasabi niya sa kanyang sarili na kung ito talaga ang kanyang tadhana, wala siyang magagawa. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa hanggang sa inabot siya ng dalawang buwan.
Ka Rey: Makalipas ng dalawang buwan, nakatayo po ako na dati ay naka lock po lahat ng aking mga kasu-kasuhan at ang dinaramdam kong sakit ay hindi ko na matiis. Ang hindi ko lang ginawa ay yung magpakamatay sapagkat sa sobra na dinanas ko na kasakitan at buong magdamag kasakitan sa damdamin dahil yung asawa ko hindi ako pina-chemo. Talagang tiniis ko po yun. Pagkaraan ng dalawang buwan sa pag laga-laga ko po ng mga ugat, damo, halaman … aba eh nakatayo po ako.
Nang gumanda-ganda na ang kaniyang pakiramdam, minabuti ni Ka Rey Herrera na muling sumangguni sa doctor.
JR Langit: Pagkatapos po nun, nagpa check up po ba kayo ulit sa doctor nyo, ano pong sinabi sa inyo?
Ka Rey: Nung lumakas po ako nagbalik po ako doon sa hospital na yun na pinag-check up sa akin na nakapag-detect sa akin na ako’y may lymphoma. Yun pong nag check up sa akin, siya po ay patay na. Nagulat po ako nang hinahanap ko po yung doctor, isang buwan na palang namayapa. Kaya sabi ko, yung nag taning sa akin, nauna pa sakin. Samantalang ako po yung nakalunas sa akin, iyong mga puro damo, ugat, ugat ng kugon, ugat ng talahib, parang grass.
JR Langit: Sino-sino po ba ang mga taong maituturing ninyong nakatulong po sa inyo?
Ka Rey: Ang nakatulong unang una ang Panginoong Diyos. Siya ang may ibig na tahakin ko ang buhay na ito sapagkat hindi ko naman inakala na ang isang hamak na kagaya ko nalunasan ko ang aking sarili eh nakatulong pa ako sa ibang mamamayang Pilipino. Hindi nyo naitatanong at pinagmamalaki ko po – under graduate po ako ng grade lV, walang karunungan kung ikukumpara sa iba, salat po ako sa karunungan pero batbat po ako ng kaalaman at karanasan.
HEALING POWER
Hindi ipinagkait ni Ka Rey sa maraming may karamdaman ang natuklasan niyang ginhawa mula sa mga pinaghalu-halong damo at ugat ng punongkahoy at halaman. Tuklasin ang dalang milagro ng mga ugat, dahon at buto ng mga prutas at gulay sa ating kalusugan.
Ang kwento sa likod ng kilalang King’s Herbal, ating alamin.
Ka Rey: Talagang pag may nabalitaan ako sa isang lugar na terminal case at tinanggihan na ng doctor, pinupuntahan ko po yun. “Baka ho gusto niyong subukan yung naranasan ko” eh laga laga lang po ako nun, dala ko yung kusinilya, meron akong dalang isang pick up noon, binabantayan ko hanggang abutin ako ng ilang araw sa bahay nung mga tao na pinauwi na ng doctor. Abay nalulunasan po eh, talagang mga taong kilala, yung ex-mayor, ex-kapitan mga gunun. Kaya nga sabi ko marami po akong natulungan ng ganun lang kaya nga humantong po sa year 2000, ayan na po nabalita na po ako na nakakalunas ika si Ka Rey Herrera ng ibat ibang uri ng karamdaman.








ANCIENT REMEDY
JR Langit: Paaano po ninyo nalaman ito pong pagsasama-sama ng mga ingredients na nakakagaling?
Ka Rey: Yan po ay binubuo po ng ugat ng malunggay, ugat ng kugon, ugat ng talahib, dahon ng banaba, dahon ng guyabano, dahon ng alagaw, dahon ng santol, lahat halos ng prutas po na namumunga na kinakain natin ang bunga gaya po ng avocado pag inisip po niyo avocado, sabi ko bakit nilikha ng Panginoong Diyos na ang avocado’y malaki pa ang buto kesa sa laman, inisip ko po yun. Meron itong mahalagang bagay na gagampanan sa daigdig. Ang ginawa ko po, kinuha ko yung buto ng avocado, yung laman manipis. Yun po ay isa sa katangian ng King’s Herbal at ang buto ng santol, buto ng avocado, buto po ng langka, yung sinasabi nila na mga buto-buto na bawal sa arthritis, yun po ang lunas ng arthritis. Gaya po ng guyabano, maraming buto ang atis, maraming buto ang bayabas. Maraming buto yan, sabi ng lolo ko. Imbis na antibiotic, totoo po kahit anong karamdaman pa pag langgas mo ay dahon ng bayabas eh sandali lang po.
THERMOGENESIS
Masusi niyang pinag aralan ang kanyang sarili. At ang naging epekto sa kanya ng mga halamang sangkap na kanyang pinagsama sama. Naobserbahan niyang nalulunasan halos lahat ng karamdaman na kanyang pinaggagamitan ng kanyang iniinom.
Ka Rey: Hindi po ako nagsasabing mainam ang Kings Herbal, marami pong kumukuha, sila mismo po ang bumabalik sa akin nagpapasalamat. “Ka Rey, salamat po, nawala po yung aking asthma”; “Ka Rey, salamat po, nakakalakad na po ako ngayon, nawala po yung aking arthristis”; “Ka Rey, maraming salamat po, nakaka-ihi na po ako, yung prostate ko po nag normal”; “Ka Rey, malambing na ako sa asawa ko”. Sila po ang nagsasabi kaya pinag-aralan ko kung papaano pinalalakas nitong King’s Herbal ang immune system. Pag ang immune system ng tao ay malakas, ano mang klase ng karamdaman kaya niyang lunasan. Luzon, Visayas, Mindanao, dinayo po ako at marami po akong napatunayan na sa ngayon, milyon-milyong Pilipino na po ang natutulungan ko sa pamamagitan po ng damu-damo.
*
Bago pa man nailabas sa merkado ang King’s Herbal ay marami na itong napatunayan. Hindi na bago sa paggamit ng herbal si Rey dahil nakagisnan nya ito sa kanyang pamilya. Maasahan sa gitna ng karamdaman. Tinawag ni Ka Rey na King’s Herbal ang kanyang likha, dahil sa ang ibig sabihin ng kaniyang pangalan ay “Hari”.
MIRACLE CURE
Ka Rey: Ang akala nga nga iba, medico ako. Sabi ng iba, “Mahipo ka lang ni Ka Rey, gagaling ka na”. Hindi po ako ganun. Ang akin po ay puro herbal na nasa kabundukan. Kapag sakit lang ang problema ninyo, may lunas po yan. Ang hindi ko lang kayang lunasan ay yung kamatayan. Sapagkat gaya nung slogan ko, “Walang gamot ang kamatayan pero may lunas ang karamdaman.”
Hindi inakala ni Ka Rey Herrera na ang sakit niyang cancer ang magdadala sa kaniya ng ginhawa sa buhay. Bagamat marami nang napatunayan, inirerekomenda pa rin ni Ka Rey ang pagpapatingin sa doktor kapag may karamdaman.
Ka Rey: Ang mga doctor po ay kakampi natin. Gawa nga po ng napagtapat ko sa inyo na ako’y undergraduate ng Grade 4; hindi ko alam kung ano ang karamdaman ng tao. Kaya ang aking payo: kumonsulta sa doctor bago gumamit ng King’s Herbal. Matapos gumamit ng Kings Herbal, magbalik muli sa doctor para makita ng doctor kung ano ang naging epekto o kung nalunasan yung kanyang karamdaman. Ang nagsasabi ng karamdaman ay ang mga kaibigan nating doctor. Sila rin ang nagsasabi na nalulunasan yung diabetic sya rin ang may karapatan mag sabi sapagkat ako po hindi ko naman alam yung tusok tusok na yun yung pindot pindot na yun ang doctor po ang nakaka alam kaya yung mga kaibigan natin na doctor yan na po ang ginagamit nila.
HERBAL FARM
Sa ngayon ay may sariling farm na si Ka Rey para sa mga ugat, dahon at buto na kailangan nya sa King’s Herbal. Mayroon na rin itong mga laboratoryo kung saan ginagawa ang King’s Herbal.
JR Langit: Saan po nanggagaling itong mga ingredients nito?
Ka Rey: Local po lahat at isang araw makikita po ninyo yung plantasyon po natin. Malawak-lawak na rin yung plantasyon natin na kinukunan ng ugat ng kogon, ugat ng talahib, ugat ng bakiskisan. Dati ang lutuan ko lang, laga-laga lang. Ngayon, high-tech na. Hindi ko na hinahawakan. Dati hawak ko ang pitsel, sinasalin ko sa bote. Ngayon, puro machine na. Pag ipinasok ko ang isang toneladang dahon, isang tinoladang ugat, o kung ano man, paglabas po King’s Herbal na. High tech na po. Hindi na ako gumagamit ng kamay. Paglabas po, naka-bote na, naka label na. Iyan po ang sinikap ko sa 17 taon. Sinikap ko na lalong mapag-ibayo at makasunod ako sa makabagong panahon kaya ang King’s Herbal ngayon pwede nang ipagmalaki. Ang laboratory po natin ay tatlo na at ibinabalita ko rin po na nakapagdadala na rin tayo sa ibang bansa.
SUMMATION
Inspirasyon at pagasa para sa mga halos sumuko na sa buhay. Milagro, paniniwala at kagalingan. Iyan ang mga natutunan natin sa kwento ni Ka-Rey Herrera. Tulad nga ng slogan ng King’s Herbal, “Maaaring walang gamot ang kamatayan, pero may lunas ang karamdaman.”