2 Feet 6 Inches
Nag flashback sa aking ala-ala ang isang sikat na Radio drama sa DzRH noong 1980’s na aking pinroduce at dinerect, ito ang pamosong “Magnon”, isang action fantasy na ang kasa kasama sa istorya ng main character rito na si Magnon ay si “Weng-Weng” na laging nasa kanyang balikat na isang maliit na tao na siyang nag bibigay sa kanya ng suwerte. Si Weng sa istorya ay may extra ordinary powers.
At ngayon sa tunay na buhay ay nakilala namin ang isang Weng. Si Weng ay nasa wheelchair, 2 feet 6 inches lamang ang kanyang laki. Ang tunay niyang pangalan ay Erwin “Weng” Dayrit.
Osteogenesis Imperfecta
Ang kakaibang istorya na aming ibabahagi sa inyo, na naibahagi namin sa aming manonood sa palatuntunang pang telebisyon na “Kasangga Mo Ang Langit” na napapanood tuwing biyernes ng alas-diyes ng gabi sa PTV4 nationwide.
Bata pa si Weng nang makumpirma na meron itong Osteogenesis Imperpecta o yung kundisyong madaling mabali ang kanyang mga buto. Weng na aming nakilala ay mayroon namang Extra Ordinary talent. Talentong hindi kayang hadlangan ng pisikal na kakulangan. Ang talent niya ay Paintings na gawa sa makukulay na ballpen.
Weng: “Nung bata ako hilig ko na talaga yun parang inborn na sakin yung gusto ko talaga yung pag do drawing.”
Hindi naging hadlang kay “Weng” ang kanyang kapansanan para abutin ang kanyang mga pangarap.
JR Langit: Bigyan mo kami ng konting kaalaman tungkol sa iyong kondisyon.
Weng: Ah yung kondisyon ko, mayroon akong Osteogenesis Imperfecta, sabi nila brittle bone. Nung bata ako mabilis akong mapilayan. Siguro sa isang taong kahit apat na beses mapipilayan ako, pag nag buhat ako o pag mali bagsak ko madaling ma deform mga buto ko. Tapos siguro mga one month to two months healing yun ganun kaya medyo pero ngayon anon a yung ano ko condition ko parang syempre kabvisado ko na mga galaw ko nakaya ko nang maiwasan yung mapilayan ako ganun.
Kami po ng ating Kasanggang Langit ang mag hahatid sa inyo ng kanyang mga pinagdaanang pagsubok sa buhay, tutukan ninyo ang kasaysayan ni Erwin “Weng” Dayrit. At samahan nyo kaming maging inspirado sa kwento ni Weng.
High School Life
JR Langit: Nasa anong edad ka nung naisip mo na kakaiba pala yung kondisyon mo?
Weng: Siguro nung mag high school, kasi medyo nagkaka ganon na iniisip ko yung normal na nagagawa ng iba na hindi ko nagagawa. Halimba nung high school marami ligawan, tapos lakwatsa, lakaran ganun, parang di ko kayang gawin yung.
Kasi ang high school life masaya diba? Pero parang hindi ko na-enjoy ang high school life, dun ko naisip na iba ako sa kanila ganun.
Sa kabila ng mahirap na kalagayan, nakapagtapos pa rin ng 2 yr drafting course si Weng.
Weng: Gusto ko talaga na Fine Arts, so wala namang Fine arts sa Pampanga. Sa Manila pa, mahirap naman para saking yung mag travel sa Manila tapos ditto ako. Kung doon naman ako titira mahihirapan din ako kasi doble gastos din kasi kailangan ko rin ng assistant or sasakyan.
So wala akong choice kundi yung drafting pinaka malapit na course, yun natapos ko naman. Ngayon ay kabilang na si Weng sa Guhit Pinas, isang samahan sa Social media ng mga may talento sa sining.
Ball Pen Art
Weng: Nung una ang gamit ko lang doon acrylic, tapos charcoal tapos nung nasama ako sa group may nakita ako na nag bo-ballpen, ano ballpen art yun. sinubukan ko yun tapos yun naka drawing na ako tapos dun na ako nakilala yung sa ballpen.
Silipin natin ang mga Obra ni Weng.
Kamakailan, umani ng papuri sa social media ang likha ni Weng, gamit lamang ang makukulay na ballpen,
National Treasure
Partikular dito ang iginuhit nyang larawan ng national treasure na si Whang Od na personal pa nyang idinelliver sa Kalinga.
JR Langit: ito rin ata yung ginawa mong ballpen art kay Wang Od.
Weng: Opo, Wang Od oo yun gumawa ako sir tapos dinala nga, hinatid ko sa Kalingga.
JR Langit: sige nga ikwento mo samin yung experience mo dun?
Weng: Ah nakakapagod mag lakad. Hindi sila pala yung napagod, medyo 13 hours yung byahe isang oras na lakad. Mahirap kasi maliit lang yung daan tapos bangin na yung, tapos matarik na yung bundok na aakyatin.
JR Langit: bakit naman naisipan mo na sya yung I drawing mo?
Weng: ah ano yun ah parang kasi yung ano, kilala sya tapos, isa din sya sa mga hinahangaan kong artist . kasi yung kultura nila inaano parin nya hindi nya binibitawan kahit alam ko 100 years old na sya ayun nag tatattoo nga sya mambabatok yun tapos idinrawing ko dahil tribute na rin sa kanya.
Pinoy Pride
Mayroon rin syang Obra na para sa pambansang kamao, Senator Manny Pacquiao na pinamagatan nyang Pinoy Pride.
JR Langit: bakit ba si manny ang gusto mong ipinta?
Weng: syempre ano naman sya, para sakin bayani na rin sya dala dala nya pangalan ng Pilipinas. Yung parang ano Pinoy Pride nga sabi nga. Idol ko rin sya syempre magaling sya eh.
Markado para kay Weng ang Setyembre a tres dahil nabigyan sya ng pagkakataong makapag one man show ng Buenas Artes.
Dahil impluwensya na rin ng social media nakikita mo na may mga artist na magagaling parang na eengganyo ako na mag drawing, so nung nag drawing ako dati parang napansin nila. So lalo pang na push ko yun sa paunti unti nag stop nako sa art and signs ayun kaya eto inano ko na sya parang ginawa ko ng full time ko na sya tuloy tuloy ko na yung ano. Kaya nga pinalad na ano, salamat sa opportunity na ibinigay na magka one man show ako.
JR Langit: Meron ka pa bang ibang gustong pasalamatan na nakatulong sayo?
Weng: marami akong gustong pasalamatan lahat naman lahat naman skin ano. Pero ayun nga yung sa Buenas artes nga sila maam maxy ramos sila fernan de cena tsaka yung guhit pinas lahat naman sila eh parang naging supportive sakin malaking tulong na din sila sakin dahil sa tiwalang binigay nila sa akin. Ayun na appreciate nila yung mga gawa ko salamat.
At dagdag pa sa magagandang nangyayari ngayon sa buhay ni Weng kasing kulay rin ngayon ng kanyang ballpen art ang kanyang lovelife.
Face Book Love Affair
JR Langit: Papaano nga kayo nagkakilala?
Weng: Sa ano nga sa facebook dahil diba nakita nga yung buhay ko sa magpakailanman chinachat nya ako tapos ayun napansin ko nga tapos ayun lagi na kami nag ch chat ganun lang. tapos pinuntahan nya ako rito.
JR Langit: niligawan ka nga nya
Weng: Parang
JR Langit: Tapos sinagot mo sya?
Weng: Na ho hot seat ako ha.
JR Langit: pinangarap mo rin ba magkaron ng sarili mong pamilya balang araw?
Weng: oo naman syempre alam ko rin na yung magulang ko mawawala din sila, tapos yung mga kapatid ko anim kami magkakapatid syempre mahirap din naman na umasa sa kanila, kasi alam ko may sariling pamilya din sila. so mas maganda rin yung may kasama ka yung may katuwang ka sa buhay na kahit papano may mag aalaga or may makaksama ka sa buhay mo.
Summation
Ang kwento ni Weng ay magandang paghugutan natin ng inspirasyon. Isang patunay na walang imposible kung maniniwala tayo sa ating kakayanan at sa ating sarili. Sikapin nating magkaruon ng abilidad na lagging maging positibo sa ating buhay.
Weng: “Wag lang mag give up kung may pagsubok tayo, so tuloy -tuloy lang tayo walang bibitaw laban lang.”