Nakapanayam ni kasanggang JR Langit si Chief Inspector Jovie Espinido para sa aming “Kasangga Mo Ang Langit” TV Program sa PTV4 tuwing Biyernes, 10 ng gabi.
Dalawamput dalawang taon nang pulis si Chief Inspector Jovie Espenido. At sa bawat panganib na hinaharap nya bilang pulis, alam nyang may gumagabay sa kanya. Nitong Hulyo, naging kontrobersyal ang pangalang Espenido makaraang pangunahan ang pagsalakay sa tahanan ni Ozamis city mayor Reynaldo Parojinog para mag serve ng search warrant. Ang tinaguriang berdugo ng narco mayors, ating kilalanin.
Takosa: Takot Sa Asawa!
CHIEF ESPENIDO: Kasi ang katakutan ko lang talaga yung hindi ako pansinin ng asawa ko yun lang talaga yung talaga pero miski ilang drug lord yan wala tayong takot yun lang. Sa mga death threat ang dami. May pamilya akong buo, may asawa ako na pinaka maganda sa lahat at saka may anak ako na tatlo na wala ng hahanapin pa.
JR LANGIT: Sa tagal nyo na po sa serbisyo sa pagpupulis ano po yung masasabi po ninyo na pinaka mabigat na pagsubok na inyo pong pinagdaanan?
CHIEF ESPENIDO: I didn’t consider that na mabigat kasi sa akin naman lahat may basbas ng panginoon na kakayanin ko lang lahat miski mabigat ok lang sa akin as long na buhay ako at saka binigyan ako ng pagkataon na mag ah enforce ng batas.
Preaching The Word Of God
JR LANGIT: Pag naman po free time ninyo o dayoff ninyo ano naman po ang inyong pinagkakaabalahan?
CHIEF ESPENIDO: Preaching sa the word of God mag hanap ng mga may, gaya ng ministries sinamahan natin sa mga pastors lalo na 7th day Adventist nag susupport tayo na talagang ma impluwensyahan ang buong tao, ang buong bayang Pilipino na committed to preach the gospel because of their conscience noh? Ganun talaga yung inaano natin, basa lang ng bible. Bagamat abala ako sa pagpapatupad ng batas, lagi akong naglalaan ng oras sa pagbabasa ng bibliya.
Angel Of Death
JR LANGIT: Ano po yung masasabi ninyo tungkol po dun sa kayo raw po yung angel of death ng mga drug Lords?
CHIEF ESPENIDO: Kung sa palagay ninyo ganun edi thumbs up ako. But then kung ako lang ang tatanungin ninyo hindi pwede sana na kunan natin ng buhay yung tao because I know na pa gang tao ay buhay pa may pag asa yun noh but ah wala akong magawa kung kinakailangan lang talaga. Kinakailangan kaya nga before mag raid tayo je hinihingi ko sa panginoon na mag pray kami na miski isang putok sana walang mangyari but sa pag iwas nating ganun talagang kina counter din natin kung sakaling mangyari may putok talagang hindi talaga kami ang mamatay yun talagang nag gawa ng masama because dependent tayo kaya sabi ko nga Mathew the wages of sin is death talagang ginawa nila yun sisikapin nalang nila sa buong buahy nila na ganun ang mangyari.
Next High Value Target
JR LANGIT: Ano po yung next target nyo?
CHIEF ESPENIDO: Lahat ng mayor siguro kung kinakailangan pero mga biktima man yun sila pero sa akin yung malaki na. Wag na yung maliit gaya nung sa customs mga pumasok na Droga mula sa china tapos biktima ang maliliit. Biktima lang yung Pusher, User ang daming mamatay ba pero kung yung nasa mataas lang yung kukunin natin, maliit lang na porsiento ang mawawala. Sa 100 percent, 1 percent lang yung makuha natin kasi isang porsyento lang sa drug syndicate ang nagpapa lakad ng drugs. Bakit anuhin natin yung 99%? Samantala may kunin lang natin na ilan lang tao ditto. Yun sana ba wisdom lang ba matanggap ng Presidente natin.
Sasantuhin ang lahat malinis lang sa illegal drugs ang bansa. Sukdulang itaya ang buhay mawala lang ang mga salot ng lipunan.
JR LANGIT: Kayo rin po talaga sir yung sumasama sa operations?
CHIEF ESPENIDO: Ako talaga ako talaga, ang prinsipyo ko ako ang mag lead at kung matamaan malaki laki man ang sweldo ko sa pulis ko. So ako ang unang matamaan at least maka bayad ako sa ospital kesa yung tao ko na maliit lang ang sweldo so prinsipyo ko rin na ako mauna.