Noong nakalipas na Miyerkoles ( March 1,) naging guest sa “INSIDER EXCLUSIVE -Kapihan ” sina House Speaker Pantalion Bebot Alvarez, DENR Secretary Gina Lopez at NCRPO Regional Director Oscar Albayalde.
Napakingan ang buong talakayan live sa DZRJ 810khz ng 9am-10am. At napanood sa PTV4 ng 8:00-9:00pm ng Miyerkoles, napapanood din sa Facebook Live at YouTube live.
AT ANY COST !
Ilan sa aming napag usapan ay ang maugong na issue na may gumagapang sa mga miyembro ng makapangyarihang Commission On Appointments upang huwag maconfirm si Secretary Gina Lopez.
Rey: At mayroon pa raw perang involved dito, is this true, is this validated?
Sec. Lopez: Well i’m stepping on big business goals, so I think ganon ang buhay may kontra, may supportive ganon yan so parang it’s normal diba.
Rey: Not to mention na ang grupo ng Chamber of Mines na I understand really working hard para hindi kayo ma-confirm.
Sec. Lopez: Yah I think so.
Rey: Pero wala naman kinalaman po sa poseponement ngayon ng hearing for your confirmation?
Sec. Lopez: It was supposed to be today but it was cancelled kasi there’s a re-organization in the senate and I think the composition of the CA might be changed I don’t know.
THE SUICIDE STORY
Marami ang nalungkot sa nangyaring suicide ng isang minero sa Zambales dahil sa pagkawala ng kanyang trabaho. Ito raw ay symbolic sa dinaranas ngayon ng libo libong mga nawalan ng trabaho sa larangan ng pagmimina. Umaasa lamang ang mga ito sa kanilang trabaho sa minahan upang buhayin ang kanilang Pamilya.
Pina-sara rin ni Environment Sec. Regina Lopez ang Nickel-ore mine sa Zambales, Diversified Metals Corporation sa Sta. Cruz, Zambales. Maraming minahan ang na shut down dahil sa sinasabing environmental violations. Kasama ang Benguet Corp sa 23 minahan na sinara.
Rey: Madame secretary kaugnay nang incident na nangyari, na may nag-suicide dahil nawalan ng trabaho, sad story ito.
Sec. Lopez: I don’t know. My god I talked to the wife. It’s not true.
Rey: Ito raw ay isang empleyado ng Diversity and Metal Corporation. Ito raw ay symbolic in the sense na maraming mga empleyado na katulad niya ang nawalan ng hanap buhay at wala nang mapakain sa pamilya.
Sec. Lopez: No I talked to the wife and then he resigned from the mining company in 2015 and hindi naman araw araw ang trabaho nya. It was not appropriate for Inquirer to put that story. It was not the truth at all. It goes against the ethics of journalism, to put something which is not true. The wife even came here to… I’ll show you the video. The wife came here and she said that it was not true at all. And you know for everyone like kung ang dami daming magsasaka, mangingisda nag dudusa dahil sa mina doon sa Zambales wala bang halaga yung buhay nila. There are 2,500 farmers and fishermen that have suffered and then 7 people na namatay dahil sa floods. Dahil sa mining. Wala bang halaga yung buhay nila. I think there should be no dead and we should take care of everything. Yung ano ko ay isang ekonomiya na sana lang lahat may pakinabang.
Rey: Secretary tungkol sa inyong rekomendasyon na closure sa no less than 23 mining companies and 75 na kinansilang mga kontrata. Ano ang reaksyon ng ating pangulo? Suportado po ba kayo dito?
Sec. Lopez: I went to him. He said it in the cabinet and then he said it again to me personally and he doesn’t agree that there should… He agrees with me na dapat walang mina sa water shed. Kasi the money people make is not more important than the water are people drink naman.
Rey: Sa puntong hindi raw sila nabigyan nang due process. How is that ?
Sec. Lopez: No I followed due process all single step of the way it took 7 months and I have the documents and the data to prove it every step of the way and every violation is back up by law and I can debate that anytime of the day. I can come and look at the documents in the office. Every step of the way we followed the due process.



THE REIMPOSITION
Napakahalaga ng prisensiya ni House Speaker Pantalion “Bebot” Alvarez sa ating Media Forum, laluna kung ang pag uusapan ay ang muling pagbuhay sa Death Penalty Law sa Congress.
Rey: Mainit na pinag uusapan ang reimposition ng death penalty at dito sa house ay mukhang yung pag tuldok sa debate ang sinasabi po ng mga anti death penalty na hindi po sila nabigyan ng chance na ma-voice out ang kanilang mga saloobin at position sa issue.
Speaker Alvarez: Rey ganito yon binigyan natin sila ng sapat na pagkakataon para ihayag yong kanilang mga damdamin o saloobin doon sa isyu ng reimposition of the death penalty. Mahaba po ang panahon na binigay natin sa kanila ngunit hindi nila ito ginamit ng lubusan para ihayag yung kanilang posisyon dito. Madalas kapag halimbawa nakita nilang kumakaunti yung mga nandoon sa session hall ay mayroong nag kekwestyon ng forum. Sa akin naman nag umpisa yung sesyon ng forum. Ngayon unti unting nawawala yung miyembro ng kongreso yung mga congressmen nawawala. Ibig po sabihin nito ayaw nilang makinig kasi nga paulit ulit yung argumento wala namang bagong argumento so sabi namin hindi naman natin pwedeng pilitin yung mambabatas para makinig doon sa sinasabi nila kung paulit ulit nga naman ito. So sabi namin sige tapusin na natin yang debate habang wala na talagang bagong argumento na maganda para pakinggan noong mga miyembro ng House of the Representatives ay tapusin na natin and proceed na tayo doon sa period of amendments and then exciting po yung araw na to dahil mag bobotohan. 2nd reading doon sa reimposition ng death penalty.
MAY DIKTADOR BA SA HOUSE?
Rey: Speaker paano kayo nag rereact kapag pinagbibitangan kayong diktator dito sa house?
Speaker Alvarez: Alam mo ako Rey wala pong diktator dyan. Nilalatag ko lang yung mga polisiya, policy ng House of the Representatives. Ito lang naman ang sinabi ko.
Rey: Anong policy ito?
Speaker Alvarez: Una, hindi ko pinapayagan na bumibyahe yung miyembro ng House of the Representatives during session days. Kasi binibilang bilang ko kung konti lang po yung number of session days tapos aabsentan pa natin ito ay hindi naman po patas iyon sa sambayanan. Pangalawa, sabi ko yung hindi po papabor doon sa administration sponsored bill, halimbawa itong restoration ng death penalty. Iyong mga chairman, deputy speakers hindi po natin pinipilit. Wala pong pilitan dito Rey. Ngunit I will also exercise my option as the speaker.
Rey: Ano pong option ito ?
Speaker Alvarez: Sabi ko kung hindi kayo makakasuporta sa liderato specially hindi kayo makakasuporta sa ating pangulo may kalayaan naman ako na palitan yung chairman atsaka deputy speakers doon sa mga taong talagang susuporta sa ating pangulo. Susuporta sa liderato.
SHAKE UP SA HOUSE, POSSIBLE !
Rey: Kung sabagay lumabas na ito even before na mangyari iyong tinatawag na shake up sa Senate. Tulad sa reorganization ngayon sa senado, posible din bang mangyari ito sa house, Speaker?
Speaker Alvarez: Posible, nasabi ko na yon ang policy and I have to stand by my word. Gagawin ko po iyon.
Rey: Since ito po ang INSIDER EXCLUSIVE, pwedeng ba ninyong ma-ishare ngayon kung sino-sino ang nanganganib na mga deputy speakers na ayaw pa ring sumunod sa position leadership?
Speaker Alvarez: Sa tingin ko naman Rey mukhang wala naman siguradong manganganib. Sa tingin ko ha. I’m confident na mukhang boboto naman sila ng pabor.
ROGUE POLICEMEN
Kaugnay ng mga ROGUE Policemen, mga alagad ng batas na may pending na mga kaso, at ngayon ay matatapang pang nag-AWOL. Aming masinsinang kinapanayam si General Oscar Albayalde Regional director ng NCRPO.
Rey: Sa grupo ng Rogue Policemen na umaabot sa 310 kung hindi ako nagkakamali, ano po ang nangyari at mukhang hindi convincing ang inyong naging invitation papuntang Mindanao.
Kaya 53 lang ang sumipot, yon po bang hindi sumipot na 257 considered AWOL, floating, o summary dismissed ? Ano ang status nila ngayon?
Gen. Albayalde: Actually may humabol na 5, so 58 na ang nag report sa Basilan. Yes 58 na yung iba na hindi nag report around 49 of them meron silang mga reasons. Yung iba mayroong mga subpoena na may court hearing so pwedeng excuse yon but then again yung mga ilang excuses o explanation will have to be validated pa kung talagang tatanggapin ng aming directorate or personel and yung iba na hindi nag report they were already marked AWOL and after 15 days, meron silang 15 days to explain.
Rey: Paano kung hindi sila nakapagpaliwanag, what will happen?
Gen. Albayalde: Kung bakit hindi sila nag report and after 1 month sila ay mada-drop from rolls at hindi na sila pwedeng bumalik pa o maaring instate pa sa PNP.
Rey: Narinig po natin ang ating Pangulo na mapanganib daw ang mga naiwang mga pulis na ito dahil daw mayroon sila armas at mayroon silang capability na gumawa nang hindi mabuti. Remember may mga kaso ang mga ito. Would you agree na dapat na gawing priority ang mga ito?
Gen. Albayalde: Posible kasi marami tayong nahuhuli maraming na iinvolve sa robbery hold-up na mga ex policemen na sinasabi yung nag AWOL kaya unang una nating ginagawa kapag ang isang pulis ay nag AWOL o hindi nag report sa kanyang assignment tinatanggalan agad natin ng baril at badge para hindi nila magamit. Itong mga hindi nag surrender ng kanilang mga baril they can always be charged also of malversation of public property or government property.
Rey: Papaano po yung naroon ngayon sa Basilan, kung on going ang kaso nila sa metro manila paano sila makaka attend sa hearing?
Gen. Albayalde: Yung mga criminal cases nila they have to go back here kung talagang sa Metro Manila yung kanila hearing pero yung kanilang administrative charges they can always face it there. Pwede nating itransfer yung summary hearing officer from 1 officer to another so yung kanilang mga administrative cases that they faces here dito sa NCR we can transfer them don sa Region o kaya doon mismo sa probinsya.
THE RETURN OF TOKHANG !
Sa issue ng operation tokhang, hindi malinaw kung ibabalik talaga ang tokhang o may mga pagbabago sa guidelines na ipatutupad sa pnp. Aming kinlaro ang bagay na ito.
Rey: Ang muling pag babalik ng operasyon tokhang, kino confirm mo ba ito?
Gen. Albayalde: Well the operation tokhang I don’t think it will go back. Yung mga binalik sa atin isn yung operation noon na anti illegal drugs but then again ang sabi ng ating pangulo the PDEA will still take the lead. Hindi ibig sabihin na pag nag operate ka palaging may PDEA na nag lelead doon sa operation. Ang kailangan is yung they have to make reports immediately after kung talagang hindi na inform yung PDEA or even before. Mayroon kasing play offs na sinasabi na kailangan makipag coordinate ka don sa PDEA kung mayroong kang gagawin o iseserve na search warrant. Particuliarly doon sa illegal drugs operation.
Rey: Papaano, hindi po ba magiging conflict ito sa continous na internal cleansing na ginagawa ng PNP?
Gen. Albayalde: Ito ang gagawin natin, ang sinabi ng ating pangulo is to pick. Mamili ng mga personel na pwedeng ma engage ulit dito sa anti illegal drugs operations natin. So yung mga sa AID natin o anti illegal drugs they were renamed actually to drugs enforcement unit, drug enforcement due. At not neccessarily yung mga personel sila pa rin ang kukunin natin. So very important dito na mamili tayo ng mga dedicated talaga na personel dito sa anti illegal drugs natin.
Rey: Paano ang basis ng selection dito?
Gen. Albayalde: Actually ang sinasabi ng ating presidente yon malinis ang kanilang tract record. So papasok dito ang ating sinasabing Flip background investigation bago natin i-assign doon sa mga drug enforcement units natin.
WALANG KAMATAYANG EJK
Hindi nakaligtas sa aming talakayan ang usaping ejk. Na mainit paring binabatikos ng mga human rights advocate.
Rey: Ang EJK o extra judicial killings ay patuloy pa rin po despite mayroon namang legitimate operation tokhang dati?
Gen. Albayalde: Well actually yung EJK o yung death under investigation na sinasabi ng PNP mag mula ng tumigil din yung ating operation on anti illegal drugs malaki ang binaba lalo na dito sa metro manila. more than 50% na itigil yon and ofcourse the past few days talagang isolated lang yung nangyayari its because nag conduct na rin kami ng visibility namin. yung mga check point operations namin binalik natin yung oplan sita para maminimize nga natin yung sinasabing riding in tandem and we have our over site committee nag kaconduct ng weekly investigation dito sa mga DUI’s na ito na kung saan nandito sa metro manila we admit na pinaka marami all over the country. Pinaka marami ang NCR thats understandable more than 1000 ang ating DUI and out of that 1000 cases around 250 more than 250 ang na sosolve natin dito at na iidentify yung mga perpetrators na mga suspect dito yung iba naman napatay na din sa police operations and yung iba naman na identify naman pero at large.
TRIMMING DOWN
Muli naming binalikan ang issue ng death penalty. Mula sa mga mabibigat na kaso na umaabot sa mahigit dalawampu, na sumasailalim sa death penalty ito ay nabawasan nang nabawasan hangang sa ngayon ang isinusulong na lamang ay drug related cases. Muli naming kinunan ng paliwanag si house speaker pantaleon alvarez.
Rey: Speaker clarify lang namin exactly dahil kasi sa original na listahan na more than 20 cases na nasa ilalim ng death penalty ito ay na-trim ng husto, bumaba sa plunder, rape, drug related at treason, at ngayon mukhang nabawasan pa….
Speaker Alvarez: Napag desisyonan ng mayorya na unahin na muna yung drug related cases at hindi ito nangangahulugang na yung iba ay tanggal na doon sa listahan. So ang sinasabi lang natin dito isa isahin natin ito para mas madali, mapabilis ang proseso. so drug related muna. Illegal drugs cases. yon muna ipapasa natin then isusunod natin yung ibang crimes pero atleast mayroon ng nauna kasi mahirap mabibinbin lahat kapag halimbawa pinag pilitan nating ipasok lahat yan. Kasi isa isa pag dedebatihan yan. So unahin na muna natin yan tapos isunod natin yung iba kagaya nung iba yung mga rape with homicide tapos yung mga trafficking yung drugs at saka yung mga tao pati na yung plunder isusunod natin yung mga yon.
CRUEL AND INHUMANE
Rey: Yung sinasabi po ng CBCP President, Archbishop Socrates Villegas, describing the death penalty as “cruel” and “inhumane.”
Speaker Alvarez: Alam nyo po hindi na po natin pinag tatalunan pa dito yung moralidad nung reimposition ng death penalty dahil yan po ay malinaw na nakasaad na sa ating konstitusyon at yung mga gumawa nung 1987 constitution ay kasama po yung mga madre at padre at inaprubahan po nila yan. inilagay po yang probition na yan doon sa 1987 constitution na for compeling reason pwede po ireimpose yung death penalty o iimpose yung death penalty nung gobyerno at dapat po na isaalangalang yan. Unang una yung bansang Israel the city of christianity dyan po ipinanganak ang panginoong hesus ay may death penalty nga po doon. Sabihan na muna yon doon sa Israel hindi kayo dapat nag papataw ng death penalty dahil yan ay labag sa kautusan ng diyos. Pangalawa USA may death penalty. China may death penalty. Singapore may death penalty. Malaysia, Indonesia ang daming bansa na may death penalty. Anong pinag kaiba natin sa mga bansa na yon. yon lang po.
PRACTICES SA DEMOKRASYA
Rey: Nabanggit nyo dito ang hinggil sa demokrasya na sabi nyo “Because in a democracy, we always argue, but at the end of the day, if I have the majority, I will prevail,”
Ito po ba ang principle na ginagamit ngayon sa house?
Speaker Alvarez: Paulit ulit kong sinasabi yon na the essense of democracy is we can disagree. At the end of the day kailangan pong pag bobotohan natin yan at kung manaig yung boses ng mayorya ayon po ang masusunod. kasi demokrasya na tayo. hindi pupwede yung pagiging diktator ng noisy minority ang mananaig dito.
Rey: For awhile plunder ay ayaw isama dito sa death penalty tapos for awhile biglang nagkaroon ng desisyon na isama nang muli, but now concentrated na lang tayo sa drugs. Ano po ba talaga ang istorya behind plunder, na kapag ikaw ay lumustay ng 50 million or more hindi po pwedeng isama dito sa death penalty, bakit?
ISTORYA NG PLUNDER
Speaker Alvarez: Doon sa original version ng bill na finile ko kasama talaga yung plunder. nag karoon ng majority coccus sabi nila yung plunder capital punishment na yan under dyan special law on plunder ang parusa po don ay reclusion perpetua life inprisonment ngayon sabi nila baka naman pwedeng doon muna sya sa special law na yan at since capital punishment naman ang penalty dyan hayaan na muna natin yan dyan so yun po ang ano. So I did not agree don sa coccus na yon pero ngayon itong huli sabi nila para mapabilis ng maidispose kaagad natin yung cases doon sa illegal drugs tapos punishable by death sabi ko sige pero isusunod pa natin yung ibang crimes pa pagkatapos dito.
QUOTABLE QUOTES:
Rey: Sa war against illegal drugs mayroon na ba kayong nakasuhang Big Fish?
Gen. Albayalde: “Si Senator De Lima is a BIG FISH !”
(Q & A from Fishbowl)
Rey: Sa palagay mo ba mayroon pang susunod kay Sen. Laila De lima na makukulong?
Kung oo, sino sa palagay mo?
Sec. Lopez: Ayy naku, hindi, wala akong alam diyan apolitical ako.
Speaker Alvarez: “Puwedi ko bang tubusin si Sec. Gina? Ang sagot OO, may susunod pa!”