Sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino, minsan pa’y samahan niyo kaming bisitahin sila, ito po si Pareng Rey. Tampok natin ngayon ang Petronas Towers. Ito ang itinuturing na superstructure at landmark ng bansang Malaysia. Ang ating istorya ay hango sa aming Programang “BIYAHENG LANGIT” na inyong napapanood tuwing Linggo ng 10:30pm sa PTV4.
BIYAHENG LANGIT MALAYSIA
Ngayon samahan ninyo kaming pasyalan ang sikat na twin skyscrapers ng Kuala Lumpur, at alamin ang kasaysayan ng pinakamataas na tore ng kanilang bansa. Ang Petronas Towers na tinaguriang Kuala Lumpur’s crown jewel. Menara Berkembar Petronas o Petronas twin towers ang itinuturing na iconic landmark ng bansang Malaysia. Sinasabing ito ang pinaka-mataas na gusali sa buong mundo mula 1998 hanggang 2004.
May taas itong 1,482.9 feet at binubuo ng walong pu’t-walong (88) palapag. Sa ngayon hindi man nito hawak ang titulo bilang pinakamataas na gusali, ito parin ang sinasabing tallest twin buildings in the world.
INVESTIGATIVE REPORTING
Sa ginawa naming pananaliksik sa Malaysia ni Jr Langit kasama ang Kasangga Team, aming natuklasan na taong 1992 nang simulang itayo ang gusaling tinaguriang Malaysia’s pride, ang dalawang toreng ito ang sumisimbolo sa lumalagong ekonomiya ng bansa. At upang hindi mahirapan o matagalan ang pag-akyat sa bawat palapag ng walumpu’t-walong palapag, ginawan nila ito ng 29 double decker, high speed passenger elevator sa dalawang tore. Marahil marami pa sa inyo hangga ngayon ang hindi pa nakakaalam na dalawang Pinoy ang nasa likod nang pamosong gusali ito. Parang palaisipan lamang o trivia, ngunit sa katotohanan sina Engineer Deejay Cerico isang Filipino-Malaysian at si Architect Dominic Saibo, sila ang nag desenyo ng Petronas Towers kasama nila ang Argentine-American architect na si Cesar Pelli.
UNIQUELY MALAYSIAN
Ito ang sumisimbolo sa Bansang Malaysia, at kalimitan ang mga turistang lumilipad sa KL ay gusto lamang masilayan ang twin towers kahit sa maikling pagkakataon. Sa istorya ang unang dinisign ni Cesar Pelli ay hindi nagustuhan ng kanilang Prime Minister Mahathir ng Malaysia, dahil sa pakiwari niya ang disenyo ay hindi sumisimbulo sa Malaysia.
Ang gusto ng Prime Minister ay gusali na sumisimbulo sa kanilang Bansa. Isang gusali na “world class standard at puweding ipagmalaki ng mga Malaysian.” Hirap na maunawaan ni Pelli ang katagang “uniquely Malaysian,” at dito nag simulang nakunsulta ang ating mga Filipino Engineers. Narating nila ang “eight-pointed star” na makikita mula sa tuktok ng gusali.
Na ang kahulugan ay kulturang Islamic, sumisimbulo ng – “UNITY, HARMONY, STABILITY, at RATIONALITY.”
HORSE-RACING TRACK
Nangangamba si Pelli na sa desenyong ito ay sisikip naman ang ispasyo ng bawat palapag. Ito ay kanilang nasulusyunan sa pagdaragdag ng semicircles sa bawat inner angles. Ang original design ay may taas na 1,400 feet (427 m) high, ngunit ng mapagtanto ni Dr. Mahathir na konting adjustments, tatanghalin na itong “the tallest building in the world,” dito na nila naisip na dapat ay itaas pa nila ang Tower. Pinag aralan nilang mabuti ang structural facts at ang tibay ng gusali laban sa malakas na hangin. Sa pakikipagtulungan sa ating mga Filipino Engineer naitaas nila ang gusali na hindi na kinakailangang paramihin pa ang mga palapag ng gusali.
Nagdagdag na lamang sila ng maliit na dome at integrated pinnacle sa pinaka-bubong ng towers, umaabot na sa 1,483 feet (452 m) at lumampas pa sa sinasabing pinaka mataas na gusali sa buong Mundo ang Sears Tower sa Chicago, USA. Ang buong complex ng Petronas Tower ay naitayo sa dating horse-racing track.
KATAS NG LANGIS
Ang Petronas Twin Towers ang pinakamataas na gusali sa Mundo hangang sa maitayo noong 2004 ang 101 na palapag na gusali ng Taipei na siya ngayong kumuha ng titulong pinaka mataas na gusali sa buong Mundo. Inakyat ng French “Spiderman” na si Robert Alain ang twin tower na walang gamit sa katawan. Sa unang pag kakataon noong 1997 nalaman ng mga Police ang gagawing pag akyat, kaya pinaghandaan nilang pigilin. Huli na nang matuklasan nilang nasa kalagitnaan na ng gusali na pinag kaguluhan ng maraming manonood. Umabot siya sa 60th floor bago nag surrender sa mga Police.
Dito kinunan ang mga Scenes ng Pelikulang “Entrapment” nina Sean Connery at Catherine Zena-Jones noong 1999. Ang sabi nga ng iba paano na kaya ang Kuala Lumpur kung wala ang Twin towers. Umabot din ng Pitong (7) taon, 24 hour construction bago na tapos ang twin towers. Ang nagastos na halaga sa gusali ay umabot din sa US $ 1,8 billion. Bagamat malaking halaga ito kung tutuusin, ito naman daw ay galing sa langis kaya hindi naman ganoon kabigat…. mula sa tinatawag na oil, dirty oil money!!!
Hanggang sa susunod nating column dito sa Manilaspeak.com, siguradong hindi tayo mauubusan ng kwentong Pinoy sapagkat sa bawat sulok ng mundo ay may Pilipino. Minsan pa ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pakikipaglakbay sa aming Biyaheng Langit.