Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

PAGGUNITA SA ISANG MABUTING ANAK NA NAMATAY DAHIL SA CEREBRAL MALARIA

$
0
0

Sa tuwing sumasapit ang UNDAS ang lahat sa atin ay naglalaan ng panahon sa mga namayapa na mahal sa buhay.

Tulad ninyo, ang mga alaala sa ating mga mahal sa buhay ay muling nanunumbalik.

Labing-isang taon na rin ang mabilis na lumipas mula nang mamaalam ang ating mahal na Direktor, Kaibigan, Anak at Kasanggang si Reyster. Ang alaala ng namayapa nating kasangga ay muli naming binalikan – mga serbisyo-publikong kaniyang ginampanan bilang mamamahayag noong siya ay nabubuhay pa.

Sa aming panig, ang paggunita sa aming kasanggang si Reyster Langit ay hindi lamang sa ganitong panahon. Hindi lamang tuwing Undas namin siya pinaparangalan. Katunayan, all year round ay nakaugalian na naming mag-sakatuparan ng mga outreach program sa kaniyang pangalan: sa pamamagitan ng Kasangga Mo Ang Langit Foundation na kanyang naitayo noong siya ay nabubuhay pa.

Sa pamamagitan nito ay laging buhay ang kanyang ala-ala sa amin at sa kanyang mga natulungan.

Ito ang paraan ng aming pagkilala sa kaniyang magagandang nagawa na nagsisilbing inspirasyon pa namin sa lahat ng mga pagsubok at hamon sa buhay.

deadly-cerebral-malaria01

Hindi man natin kapiling si Reyster ngayon, ang kanyang adbokasiya ay sinisikap naman naming laging maitaguyod at maipadama sa ating kapwa mahihirap na laging buhay ang ala-ala ni Reyster.

Ang huling misyong iniwan ni Reyster ay aming inihandog sa pamamagitan ng isang espesyal na edisyon ng Kasangga Mo Ang Langit television program na inyong palagiang napapanood tuwing Linggo ng 10:30 ng gabi sa PTV4.

THROWBACK

Matarik, madulas at masukal na bundok ang tinahak ng KMAL team bago natunton ang pakay na tribo ng Tao’t Bato.

Hangang sa huling yugto ng kanyang buhay, isang misyon pa rin ang kanyang ginampanan, na syang nagpamulat sa ating lahat na mayroon palang mga katutubo sa Singnapan, Palawan na nangangailangan ng tulong at kalinga ng pamahalaan at ng ating lipunan: ang dokumentaryong nagbukas ng kamalayan ng lipunan sa pamumuhay, kaugalian at misteryosong sakit na cerebral malaria na kumikitil sa buhay ng mga katutubong Tao’t Bato sa Singnapan, Palawan.

Ngunit sa kasamaang palad, ang kumikitil sa mga bata na “Cerebral Malaria” ay siya ring kumitil kay Reyster, sa kanyang cameraman, at local reporter ng Palawan.

deadly-cerebral-malaria02

OUTSTANDING SERVICE TO MANKIND

Ang pagkasawi ng isang katulad ni Reyster, sa kanyang batang edad at bilang very promising Journalist, para sa isang ama na tulad ko … ito ay isang trahedya sa aming buhay.

Sa ngayon ay laganap pa rin sa Pilipinas ang Malaria at ito ay isang endemic sa atin. Patuloy na pag-aaral ang ginagawa at pananaliksik sa ibang bansa na may kahalintulad na advocacy at paghahanap ng solusyon sa pagsugpo sa lamok na tinatawag na anopheles na nagdadala ng parasitikong plasmodium.

Si Reyster ay tumangap ng isang napakahalagang parangal at pagkilala: ang CMMA “SERVIAM” Award for serving God and the Filipino people by promoting human values through mass media. Ito ang Jaime Cardinal Sin Award for outstanding service to mankind.

Sa bawat taon na lumipas, ang kanyang alaala ay nananatiling buhay sa isipan at sa puso ng bawat taong minsan na nyang nakasalamuha, nabigyan ng tulong at insperasyon.

Kahit mahapdi pa rin sa isang ama na tulad ko ang kanyang pagkawala.

Tulad ng kasabihan:

Death leaves a heartache no one can heal, love leaves a memory no one can steal.

 



Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trending Articles