Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

WORLD CLASS NA BARIL GAWA NG PINOY

$
0
0

Maaaring hindi ninyo paniwalaan pero alam niyo ba na may mga baril na gawang Pinoy?

Ito ang mga baril na gawa ng Armscor O Arms Corporation of the Philippines.

Gamit ang sariling teknolohiya, ang ArmsCor ay nagluluwas ng kanilang produktong baril at bala sa 60 bansa. Ang Armscor ang isang patunay na kayang kaya ng mga pinoy ang gumawa ng mga produktong world class.

°°°

Sinubukan namin ni JR Langit ang kanilang pinagmamalaking world class na baril ng Armscor, kasama ang mga gun enthusiasts. Binisita din ng Kasangga Team ang kanilang pagawaan, kasama ang inyong lingkod at si JR Langit. Ito’y na-feature namin sa “Kasangga Mo Ang Langit” tv program na napapanood sa PTV4 tuwing Linggo ng 10:30pm.

Ayon kay Wenifredo Borlagdan, 90 – 95% ng ginagawa nilang baril tulad ng shotgun at M5 ay pang export. Malakas ang kanilang export sa Amerika, Central America, Thaliand, ilang bansa sa Europe.

Ayon naman kay Demetrio Bolo Tuazon, mahigit pitumpung (70) taon na silang may magandang record sa paggawa ng world class na baril at bala.-Ito ay dahil halos wala nang human intervention ang paggawa ng baril sa sandalling mai programa ang mga computers na gumagawa nito. “There’s no human intervention. Once nakaprogram, tatakbo ng kusa so lahat po yan automatic; paglabas ng piyesa gawa na,” ani Borlagdan.

Pinag-usapan din namin ang M1911 pistol. “The gun was developed in a 1904 and became the 1911 US standard military weapon. Since then it has  been changed and today it is one of the most popular guns in the commercial market, in the sporting market in the US. I think we brought that model back into popularity and today the 1911 is the most popular gun used in the US.”

***

ready-draw-fire

THROWBACK

Nag flashback sa aking isipan ang isang event ng Defense and Sporting Arm Show kung saan tumanggap ako ng invitation sa isang patimpalak sa pag-sulat, aking isinalaysay ang isang anecdote, at i-sinubmit ang istoryang ito at nag wagi naman ng Best Literary Writing sa 20th Defense and Sporting Arms Show part II, Nov. 29, 2012 sa Convention Center Pasay City.

Ang istoryang minsang naganap sa amin ng aking matalik na kaibigang Ronnie Poe, inaanak ni Paring Ronnie ang bunso kong anak na si JR Langit.

Minsan inanyayahan ako ni Ronnie na lumabas sa kanyang Pelikula. Ito ang “Ang Padrino” na tumangap ng parangal bilang Metro Manila Film Festival Best Picture Award of the year 1984. Ang challenging role na ibinigay niya sa akin ay bilang isang “Assassin.” Isang professional hired killer at number one niyang kalaban sa istorya. Hindi ko inakala na ganoon kabilis ang aking kamay sa pag bunot ng Baril, hangang sa mangyari nga ang eksenang ito ng kanyang Pelikula. Isang big scene ang kinukunan namin sa loob ng isang nightclub. Sa istorya nagulat ako at buhay pa siya, makalipas ko na siyang mabaril, napatay, pinag-lamayan at inilibing.

Sa isang mesa na aking kinauupuan, dito rin siya sa harapan ko umupo. Makalipas ng aming palitan ng matatapang na dialogue, sabay kaming bubunot ng baril at mag papaputok sa isa’t isa. Ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tatlong beses na kinunan ang eksenang ito dahil tatlong beses akong naunang bumunot ng baril sa kanya. At bago maganap ang pang apat na take ng scene na ito, sa kanyang seryosong mukha nag wika siya ng ganito: “Pare, AKO ANG BIDA RITO!”

Hindi nag tapos ang aming pagkakaibigan sa pangyayaring yion. Makalipas naming gawin ang pelikula, niregaluhan niya ako ng isang 9mm Browning Hi-Power custom-built pistol in silvery white metal na 24-carat gold trigger at gold hammer. Ang mensahing nakapaloob rito, sa pagmamay-ari ng lisensiyadong baril ay may malaking responsibilidad.

***

Sa sport, ang shooting ay rewarding at fun activity, kung saan nakapaloob ang adrenaline rush at sense of achievement. Ngunit higit sa lahat kinakailangan pa rin natin na mag practice ng Responsible Gun Ownership.

[Dedicated to my late Kumpadre FPJ, to my son Reyster and to my forever Kasanggang JR Langit.]


Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trending Articles