Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

SAPATOS NI DIGONG

$
0
0

Ang kwento sa likod ng suot na sapatos ni Pangulong Rodrigo Duterte, at Ang muling pagbangon ng Industriya ng Sapatos sa Shoe Capital of the Philippines, ating alamin. Sa aming ginawang pananaliksik aming natuklasan na si Tatay Oly, Rolando “Oly” Santos ang tunay na pangalan ang gumawa ng sapatos ng Pangulong Digong. Sampung taong gulang pa lamang si Tatay Oly ay marunong na itong gumawa ng sapatos. Halos limamput apat na taon na siyang ngayong gumagawa ng sapatos. Ibabahagi namin sa inyo ang isang exclusive na pakikipanayam ng Kasangga Team sa pangunguna ni Jr Langit at production staff ng “Kasangga Mo Ang Langit” ang TV show na napapanood tuwing Linggo ng 10:30pm sa PTV4.


PAMANA NG NINUNO

Sapatos na yaring Marikina, Puso at Tibay ang puhunan. Ang paggawa ng sapatos ay isang hanapbuhay na minana pa ng pamilya ni Tatay Oly sa kanilang mga ninuno.

JR: Bakit po ninyo nakahiligan ang pag gawa ng sapatos?

Tatay Oly: dahil nakita ko ang magulang ko, yun ang binubuhay sa amin at kumikita naman sila ng maganda, inisip ko kasi hindi naman nila ako kayang pag-aralin. Halos hindi ako makatapos ng elementary. Sinikap ko nalang na pag-igihin ang pag gawa ng sapatos. Para kung sakaling ako’y mag-asawa, mabuhay ko ang aking pamilya kung ako’y magiging batikang taga gawa ng sapatos. Ito ang nangyari, Kahit saan ako magpunta, open ako dahil alam nila na mahusay akong gumawa ng sapatos.

Dahil nga sa hindi gaanong nakapag aral, katorse anyos pa lamang si Tatay Oly ay nagsimula na itong mamasukan sa mga pabrika ng sapatos sa Marikina.


HUMBLE BEGINNINGS

Noong ako ay edad sampung taon, tumulong na ako sa kanila ng pag gawa ng sapatos. Hanggang sumapit ako ng 14 years na gumagawa, natuto na ako lahat ng pag gawa ng sapatos. Ang kasabihan nun, kapag marunong ka na, mag sarili ka na. Namasukan ako ng iba’t ibang factory rito sa edad ko na 14 lang. Dahil iyon lamang ang aking pwedeng itaguyod sa buhay ko. Kaya sinikap ko na ang sapatos ay alamin ko lahat kung papano gawin. Hanggang umabot ako ng ganitong edad, natutunan kong gawin lahat lahat, tungkol sa sapatos. Umabot na ako sa 68.

2


BIYAHENG TAGUMPAY

Taong 1998 nang sinubukan ni Tatay Oly ang magsarili subalit hindi naging madali ang biyahe ng tagumpay para sa kanya.

“1998 sinabi nong kaibigan ko sa akin na mabuti pa kaya magsarili na tayo. Pero walang nangyayari sa aming buhay. Halos umuupa kami, minumura kami ng may-ari ng bahay at hindi kami makabayad ng bahay. Meron siyang financer para makapag pagawa. Sinikap ko na gumawa at naaliw naman yon financier, binigyan niya ako ng lahat ng gamit. Nung banding huli, gusto niya makialam lang ako sa pag gawa. Pero sa pag deliver ng yari, wala na akong pakialam, hindi naman pwede ‘yun. Wala na ako komisyon dun? kwe-kwentahin niya nalang ‘yung gagawin ko. Eh pano naman ‘yung talent ko? BaliWala ! Nagkahiwalay kami. Nagsarili kaming dalawa ng partner ko, kami nalang ang nagbuo. Hanggang 1998, hanggang ngayon, kaming dalawa nalang ang magkasama.”

Halos limamput apat na taon na ngayong gumagawa ng sapatos si Tatay Oly.


WALA SA MAKINA ANG KALIDAD

Sa kabila ng modernisasyon, mano mano pa rin ang estilo ng kanyang paggawa ng sapatos.

JR: Napansin ko po, mano-mano pa rin ang pag gawa niyo ng sapatos.

Tatay Oly: Oo

JR: Bakit po?

Tatay Oly: Dahil sa ang gusto ko kasing mangyari, ‘yung dating kaalaman ko sa sapatos, ‘yun ang matutunan. Pinatatawag ako sa lahat ng gawaan ng factory ng sapatos dito, sabi ko Itigil ‘yung mga makina. Sapagkat hindi nila masusunod ang kagustuhan at kagalingan ng sapatos kung panay makina. Ang gusto ko maitatag uli ‘yung dating pag gawa ng sapatos at saka maraming trabahador dito, na buhat lumabas ‘yang mga makina na ‘yan, nagbawas na ng Tao. konti nalang ang taong kailangan mo. ‘yung mga dating sapatero na gumagawa niyan, sisibakin mo na, palalayasin mo na dahil hindi na sila kailangan. Masyadong kaawa-awa ang manggagawa ng sapatos diyan sa ginawa nila na de-makina. Meron dyan makikita mo, nagbobote nalang. Namumulot ng kalakal pero sapatero sila. Kaya ‘yung aking ginagawa na ganito para iangat kong muli ang pag gawa ng sapatos, alang-alang na rin sa kapareho ko rin na walang natapos.
Ang gusto ko, maibalik ang dating kalidad at sila rin ay gumawa ng sapatos. Eh wala nang magawa ang marikina na mahusay na sapatos dahil sa makina na ‘yan.

JR: Paano kayo kumikilatis ng gawa?

Tatay Oly: Ang sa akin, palagay ko sa mata yan. Kung ang sapatos pangit sa paningin mo, babaguhin mo. Saka ayoko ng trabahong hindi tama. Ayoko na ang gagamitin mo ay pwede na yan. Ang gusto ko ay ito ang tama. Umaasa si Tatay Oly na sa pamamagitan ng tradisyunal nyang estilo ng paggawa ng sapatos ay maibabalik ang ningning ng industriya ng sapatos sa Marikina.

4h


BAKIT TUMAMLAY ANG GAWANG MARIKINA?

JR: Ano na po ba ang katayuan ngayon ng industria?

Tatay Oly: Pinasukan nga tayo ng iba’t ibang bansa ng sapatos. Nawalan ng tiwala ang tao sa gawang marikina. Bakit nawalan ng tiwala? Dahil nga dun sa ang gusto niya, ang gusto ng marikina, gumawa ng mura para makasabay dito sa murang naglalabasan. Kaya ang marikina, lumubog nang lumubog dahil sunod sila nang sunod, hindi naman nila kaya ‘yun. Bakit hindi nila pinanatili yong kalidad na yaring marikina? Kung hindi sila sumunod sa ganoong istilo, sana hindi nabago ang kalidad ng pag gawa. At gawang marikina hindi magbabago, babalik ng babalik ang customer.

Ngayon hindi na makabalik dahil alam nila mahinang klase na ang sapatos ng marikina dahil sumusunod na sa istilo ng murang pagawa. Singkwenta y kwatro na akong gumagawa ng sapatos. Ayoko na ang customer ay makaranas na isang taon lang ang sapatos eh sira na. Ang gusto ko habang buhay na, buhay pa at lilipat pa ‘yan sa ibang gagamit kung siya’y sawa na. ‘yan ang aking ugali sa lahat dito na nagpapagawa. Yun ang pangaral ko sa mga may pagawaan, ‘wag baguhin ang takbo ng pag gawa sa marikina. Sabi nila, sa presyo. ‘wag mong intindihin ang presyo! Ang presyo kasi, ‘pag mura madaling masira. ‘pag mahal, matibay.


KARISMANG DIGONG

Ipinagmalaki ni Tatay Oly na iba pa rin ang kalidad ng sapatos Marikina. Digong nagsilbing model ng sapatos na made in Marikina. Proudly Made in Marikina ang isa sa mga laging suot na Sapatos ng Pangulong Rodrigo Duterte. Gawa ito ni Rolando Santos na kilala rin sa bansag na Tatay Oly.

“Buhat nang ilabas ito ni Presidente Duterte, ang laking bagay sa akin. Noon ako ay nahihirapan dahil wala naman akong masyadong tinatanggap na gawa sa labas eh. Kung hindi ako gumawa, wala naman kaming kakanin. Pero buhat nang ilabas ito ng Pangulo at prinesyo niya ng ganyan, kumita ako ng husto.”


PRESYONG DIGONG

Tatay Oly: Yung kay digong, 6,000 ‘yun. Kasi sabi ni digong, 6,500 ko ibigay. Pero 6,000. lang. Pero napakarami naman na nagppagawa. Hindi ko rin makaya. Dahil kung ako lang, sa loob ng isang lingo mga nakakalima ako o anim lang. Pero sa kita, pwede na rin. Noon ako ay nahihirapan dahil wala naman akong tinatanggap na kahit sino sa labas eh. Pero buhat nang ilabas to at prinesyo niya ng ganyan, kumita na ako ng husto. Dahil sa anim na pares lamang, tumubo ako ng tatlong libo. Edi may bente otso mil na ako. Sobra sobra na sa amin ‘yun. Halimbawa sa materyales yun kay digong kung bibilhin mo, baka hindi pa umabot ng tatlong libo. Kaya lang mahal ‘yun, ‘yung labor. Kasi maraming labor ang hindi kaya ng pag gawa nun ng mano-mano. Eh ako, kaya ko.

1


THE CHALLENGE

Nagsimula ito sa hamon ng kanyang anak na babae na gumawa ng sapatos para sa Pangulo.

JR: Na challenge po kayo?

Tatay Oly: Oo, na challenge ako doon sa sinabi niya. Pinag-isipan ko ‘yun gabi gabi. Pinapanood ko si President sa tv. Hanggang siya ay nagtanggal ng sapatos, nangangampanya pa lang siya sa tondo, pinanood ko ‘yun. Hanggang sa naglalakad siya para pumunta sa panunumpa, pinag-aaralan ko ‘yan lahat. Ayun, sabi ko gagawa ko na, alam ko na. dahil dun sa kamay niya nakita ko ‘pag siya’y nagsasalita, pinagbatayan ko kamay niya.

JR: ‘tay, bakit sa kamay niya pinagbasehan mo yung size ng paa niya?

Tatay Oly: Yung kamay niya malaki eh. Tiyak malaki ang sapatos niya. Saka ‘yung korte ng daliri niya, papaliit pero mataba dito sa puno. Ibig sabihin, yung paa niya mataba sa banding itaas, papayat. Na-tsambahan ko nga.


DISENTE NA, PANG SPORTS PA

Ang disenyo ng sapatos para sa Pangulong Duterte ay ibinatay nya sa Personalidad ng Presidente.

Tatay Oly: Kaya ganitong boots ang ginawa ko, nakita ko siya nagmomotor sa davao. Nakita ko siya suot niya ay de-goma. Sabi ko, kung igagawa ko siya ng boots, isusuot niya pang motor edi ayos din. Hindi ko naman inisip na iano niya sa panunumpa. Kaya ko siya niregaluhan, para lang magamit talaga niya ng araw-araw kung sakaling matsempuhan ko ang kanyang sapatos. Naisip ko, pang motor na, pang disente pa. Dahil kung ginawa ko tong molde o goma, sa motor niya lang magagamit yun. Ginawa ko, pwede pang motor, pwede pang disente, Balat, nilagyan ko ng ganito ang ilalim. Ang ibabaw para hindi madulas, nilagyan ng goma.

JR: Leather po?

Tatay Oly: leather lahat yan.

JR: ano po ba size ni presidente?

Tatay Oly: Size 9. itong ito.

JR: tay, anong pakiramdam na nakagawa kayo ng sapatos para kay presidente digong?

Tatay Oly: Hindi naman maaalis na ang kapitbahay diyan hahamakin ako dahil kita naman, halos kung saan saan lang ako kumukuha ng materyales tapos magreregalo pa ako sa presidente. Nung Makita nila sa tv na isinuot na nga itong ano,

JR: At proud na proud po siya

Tatay Oly: Oo. Ako ay lumabas at taas noo ako.


BRAND OLY

Laking pasasalamat ni Tatay Oly sa Pangulo dahil dumami ang kanyang customers nang makitang suot ng Presidente ang gawa nyang sapatos.

JR: Gaano katagal niyo po tatapusin ang sapatos na ito?

Tatay Oly: Sa maghapon, isa.

JR: Lahat po napansin ko, may OLY na brand.

Tatay Oly: Kasi ang nangyari, nung una wala pang Oly pero sila ang nagsasabi na kailangan merong Oly para katibayan na ginawa ko. Nung una wala pa ako niyan, ayaw nilang kunin dahil palagyan muna daw. Kaya napilitan ako na magpagawa ng ganyan, tatak OLY.

3

Wala na marahil tatalo pa sa isang propesyon na hinubog at sinubok na ng panahon. Si Tatay Oly ay isang simbolo ng Tibay na makikita rin sa kanyang mga nilikhang sapatos. Isang inspirasyon para sa ating lahat, na ang lahat ng pagsisikap ay nagbubunga ng maganda. Hindi lang talento, pagmamahal sa ginagawa at diterminasyon ay kinakailangan din. Huwag susuko sa intensyong mapagtagumpayan ang magandang hangarin.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trending Articles