Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

ANG BEAUTY QUEEN – ACTRESS AT ILLEGAL NA DROGA

$
0
0

Ang tema natin ngayon ay may kaugnayan parin sa mainit na usapin ng illegal drugs. Ang exclusive interview na sinakatuparan ng Kasangga Team ay isang eye opener, upang maghatid ng mahalagang mensahe sa marami nating mga mamamayan laluna sa mga kabataan. Ang pumayag na mag lahad ng kanyang personal na karanasan tungkol sa illigal na drugs ay ang Beauty Queen turned actress na naging kontrobersyal dahil sa illegal drugs…at ngayon ay nangunguna sa kampanya kontra droga.

Aming inilabas ang exclusive na interview na Ito kay Alma Concepcion kahapon October 2, 2016 sa aming Programang pang telebisyon na KASANGGA MO ANG LANGIT sa PTV4, Sunday ng 10:30pm.


ACKNOWLEDGEMENT OF THE TRUTH

Naririto ang kanyang naging pagtatapat:

Alma: Walang gumaganda sa drugs, walang yumayaman sa drugs. And I always tell them that taking drugs is a very selfish act. Ibig sabihin, you only thinking of yourself. You’re hurting the ones you loved, kasi mahahalata naman nila ‘yun eh. Makikita naman nila eh. And its painful to see the one you love using drugs.

Balikan natin ang naging buhay ng tanyag na Binibining Pilipinas Beauty Queen turned actress na si Alma Concepcion sa nagdaang labing walong taon. Isa si Alma sa mahabang listahan ng mga beauty queen na naging artista. Sa kasagsagan ng kanyang kasikatan, sinubukan sya ng tadhana nang mahulihan sya ng pinagbabawal na gamot sa airport ng Guam.


UNFORGETTABLE EXPERIENCE

Ganito ang ginawang pakikipanayam sa kanya ng ating Kasanggang team sa pangunguna ni JR Langit:

JR: Balikan natin ‘yung nangyari sa inyo sa Guam. Accusation lang ba ito?

Alma: Well actually, I was in a wrong set of friends, non-showbiz. I was with the group of people who are taking different types of drugs. It’s just so happen na ako, as an epileptic, I was experimenting with ecstasy and I was with a tira-tira of my friends and the judge asked me. Kasi with the .08 grams you can be categorized lang as the user. Kasi there are 2 categories, either you’re a trafficker or you’re a user. With the amount, it’s a user.

reylangit-alma_concepcion

JR: Nagkaroon ba ng drug test?

Alma: Oo, but my drug test which came out negative, nagtataka sila. That’s why my case became weak because of the evidence. So I pleaded guilty on a non-drug related offense which is misprision of a felony. Ibig sabihin ng misprision of a felony, meron akong alam pero, hindi ko nasabi… failure to report to the authorities. They let me go after less than 30 days as of now I’m under petition pa nga by my American mom so parang ang explanation sa akin ng lawyer ko, ‘yung misprision of a felony is like, they call it misdemeanour which is like jaywalking.


INFLUENCE BY JOY

Lumaking epileptic si Alma kaya naman bantay sarado sya ng kanyang mga magulang.

JR: Hindi ninyo masyadong naisip yung inyong future, dahil kapapanalo palang ba ninyo sa Beauty Pageant?

Alma: I won 1994. That happened 1998. I was in showbiz na. during that time—there are times in your life that you have to go with the flow so I just went with the flow. At that point of my life, I was 21, I was really lost. Kasi mga narealize ko dun in my 20+ days there, dun ko na realize mga 3 years na pala akong hindi nagsisimba.

I was so into my fame and fortune and independence. Growing up with a very strict family kasi nga epileptic ako since 8. So meron akong rebellion na parang hello, normal ako! ‘wag niyo na ako bantayan! I can do this! I’m mature! I’m an adult! Ganyan.


BACK TO FAITH

Sa gitna ng matinding pagsubok, iisa ang binalingan ni Alma na syang nagpabago sa kanyang buhay. Ito ang nagsilbing eye opener sa kanya upang tuklasin ang kanyang mga naging pagkukulang at pagkakamali.

JR: Papaano ninyo nalagpasan yung madilim na kabanatang ito ng inyong buhay?

Alma: Unang-una, dun ko narealize na talagang may Diyos dahil I thought ‘yun nga arrogance nga eh. I felt so powerful. I felt I was on top of the world. And then hindi ko naisip na bigay niya ‘yun. Naisip ko na I just owe it all to myself. So one time that I was inside the DOC, we call it DOC, Department of Corrections. Syempre diba, parang maganda naman ‘yung lugar. I was with international girls. Iba’t ibang lahi.


THE DREAM

JR: Paano nagparamdam si Jesus sa inyo?

Alma: Habang nasa Correctional ako, first time ko napanaginipan si Jesus na nasa beach kami, as in kausap ko siya. Nakita ko ‘yung face niya, na parang ultimo pores niya kita ko. ultimo ugat. Kasi tinignan ko siya head to foot. Pati arms. Nakita ko ‘yung ano niya ugat niya. as in ugat sa kamay tapos I hugged him and then dun ko na feel na oh my god! Miss na miss pala kita. miss na miss kita. and then I talked to him. I remembered just telling him hindi na ako bibitaw. Hindi na ako bibitaw talaga. I will remember this moment.


FRIENDLY ADVICE

Payo ni Alma sa lahat, huwag malunod sa ingay ng tagumpay at maling mga kaibigan.

“So when you are surrounded with so much noise na parang noise about wrong set of friends or ego or fame which at the end of the day, ego, pride, fame, name, aren’t important. At the end of the day, he will make you realized na you are focusing at the wrong things. Na parang ang dapat mong ika-focus is your talent. You should really acknowledge everyday that your talent, your intellect, everything that you have is not yours. It’s just a borrowed gift na ‘wag mong angkinin. Pinahiram niya lang ‘yan sayo. Actually what happened to me in Guam for that age, I can look back and say it is the best thing that happened to me kasi dun ko siya—naging ganyan na kami (close) from then on.”


KA-ISA SA PAGLABAN SA ILLIGAL NA DROGA

Sa ngayon, isa si Alma Concepcion sa mga celebrities na aktibo sa kampanya kontra sa illegal na droga. Madalas siyang naiimbitahang inspirational speaker sa mga lalawigan. Naging testigo rin siya sa naganap na insidente sa Concert sa Pasay City kung saan lima ang nasawi dahil sa paggamit ng party drugs.

JR: Ano ang masasabi mo sa mas pinaigting na kampanya ng administrasyon ukol sa droga?

Alma: Actually, parang ano na ito eh, dream come true for me dahil may anak ako, I have a 16 year old son and actually very disturb na rin ako sa future ng anak ko at saka sa environment ng anak ko. so, naisip ko sa aking maliit na paraan kung ano kayang mako-contribute ko. ‘yung kung ano kayang matutulong ko as a citizen nalang or bilang tao. Ayun naisip ko na sana kahit papano everybody will have their collective contribution in the problem with drugs and will not just in drugs but to continue loving the country kasi nga simula nang ipanganak ako hanggang sa edad ko ngayon parang it kept on going down so parang it’s a deeper concern for the mother country, Inang Bayan natin.


THE NEW ALMA CONCEPCION

Nagawa rin ni Alma na makapagtapos ng kanyang pag aaral kasabay ng pagpapalaki sa kanyang anak.

JR: Ngayon, kumusta na ang Ms. Alma Concepcion?

Alma: I consider myself my life is more realistic now. Im an hands-on mom and a hardworking single mom, and showbiz is there but I studied again, interior designing in UP Diliman so I just graduated. I started from 2009 to 2014 kasi lapit lang dito at saka parang something to do. So right now I’m licensed interior designer and full time mom pa rin. So medyo nung lumalaki na ang anak ko medyo ‘yung demands niya, bumababa na rin and so when he turned grade 4, nung whole day na siya sa school, dun na ako nag-aral. Sinabayan ko siya. So ngayon that he is 16, hatid-sundo ko pa rin siya and I work in between. Paminsan minsan may mga sumusulpot na taping which is rare lang naman. Hindi naman siya everyday. So my life is a part time interior designer, part time actress, and a full time hands-on mom.


SUMMATION

Ang buhay ng tao ay maihahambing sa kalsada sa gabi, na minsay dumaraan sa panahong nawawalan ito ng ilaw. Subalit lahat tayo tulad ni Alma Concepcion ay nabibigyan ng pagkakataon na magsulong ng pagbabago sa buhay. Mahalagang lingunin ang mga leksyon ng nakalipas subalit mas mahalaga na isabuhay natin at ibahagi sa lahat ang mga aral na ating natutunan.

At nawa magsilbi itong aral sa marami nating kabataan na nai-influence ng maling barkada, o maaaring namamali ng landas. Bago mahuli ang lahat, ngayon pa lang ay gumising na tayo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trending Articles