Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trillanes: Allowed ng Senate Rules ang Pagpatay ng Mic ni Cayetano

$
0
0

Aking kinapanayam si Senator Antonio Trillanes sa ating pang umagang palatuntunan (10-11am) “Kasangga Mo Ang Langit”, na TeleRadyo program ng DZRJ 810khz, 8 TriMedia Network.

Pagpatay ng Mic, Kasama sa Rules ng Senado?

Rey: Doon sa inyong iringan ni Senator (Alan Peter) Cayetano, mukhang marami pong nag-observe at nag-comment na dapat mag-behave daw ang ating legislators properly.

Sen. Trillanes: Actually yung mga ganyan, yung mga bugso ng init ng sitwasyon kahapon, kung napanood nila yung buong sequence of events, talagang both of us were just asserting the rules and using parliamentary procedures and rules of parliament para lang maitulak yung aming mga posisyon. Di pa naman nagsasapakan.

Rey: Hindi naman siguro aabot sa physical eh ano? Tulad sa ibang bansa.

Sen. Trillanes: Oho, hindi naman ho ganon. Pero natural naman po na magkakaroon ng initan pag minsan kasi pag passionate kayo don sa paniniwala, tapos pag yung kabilang side din ay passionate din sa paniniwala, ay talagang magkakasalubungan kayo. Pero for as long as wala namang personalan, eh di tuloy lang po.

Rey: Natural po ba sa procedure ang ganoong ina-assert ninyo yung rules nang hearing eh yung pag o-off sa microphone ni Senator Cayetano ay kasama?

Sen. Trillanes: Opo. Nandodoon po yan. Sa senate po kasi yung microphone po ng chairman, kay Senator De Lima, dalawa ang pindutan doon – isa doon sa pag on ng mic niya para makapag-salita siya, isa yung pag off ng ibang mga mic. Yung master switch, para kapag ang Chairman ang nagsasalita. Kapag may nakikisalita doon, pwede niyang i-off iyon. Ang problema hindi pa familiar si Senator De Lima doon sa switch na iyon (tapos) sinasalubong pa ni Senator Cayetano yung salita ni Senator De Lima (kahit) siya yung Chairman. Hindi pwede yon. Pinatay ko yung mic niya. Pero nang lumipat si Senator Cayetano sa kabila, noong lumayo siya, at sinasabayan pa rin niya si Senator De Lima, ako na yung nagpipindot doon sa master switch. Importante ho sa transcript ang babasahin, yung sulat ng nag-tatranscribe.

Sen. Antonio Trillanes

Cayetano, Protektor ni Duterte?

Rey: Meron hong sinabi si Senator Cayetano na iniintimidate niyo raw siya at sinasabing hindi niyo raw po siya papapormahin.

Sen. Trillanes:I would rather have (had) that between us. Pero ina-announce niya. Ang sa akin ho kasi dito ay hindi siya member ng Committee tapos isang oras na siyang nagtatanong. Eh alam ko kasi yung agenda niya rito. Gusto niyang proteksyunan si Presidente Duterte at gusto niyang ilihis yung atensyon. Eh iyon ang konteksto (so) hindi ko naman papayagan iyon. Bakit ganoon ang gagawin mo kung ikokonsumo niya yung buong oras ng committee hearing para hindi na mapakinggan yung iba pang salaysay ng testigo. Mali iyon. Ultimately na-rule na Out of Order siya ng Committee Chairman ni Senator De Lima, kaya nga he’s about to be escorted out of the session hall by the sergeant at arms kasi hindi pwedeng manggugulo siya doon na ikaw magbabangka nalang sa hanggang sa gusto mo at hindi pa siya miyembro.

Rey: Madako naman tayo rito sa Rules ng Hearing ng Senado. Nabanggit po ni Senator Cayetano na hindi dapat nag i-interrupt ang Chairman, kapag nag-i-interpellate ang isang senator sa witness. Parang doon sa interruptions ni senator De Lima ay na-mi-misconstrue ni Senator Cayetano na nag law-lawyering siya doon sa witness. Reaction ninyo?

Sen. Trillanes: Opinyon po ni Senator Cayetano iyon. Pero ako, nandodoon naman po ako … ako naman ang magsasabi na sa opinion ko naman, siya naman ang nag-a-abogado para kay President Duterte. Yung Chairman, meron siyang latitude diyan kasi sa Senado, pag Chairman ka, yung control mo nang procedings, medyo malawaklawak. I did not see any instance nalumihis o nag abuso itong si Senator De lima.

On Paolo Duterte: Alam Mong Adik Pag Nakita Mo

Rey: Doon po sa pagtatanong ni Senator Cayetano na-raise ang naging statement ni Matobato na nagwawala kapag nagdudurog si Vice Mayor Paolo Duterte. ng tanungin siya. (Tanong ni Cayetano) “Na witness niya ba? Nakita mo ba ang mga pangyayaring iyon?” Apparently wala siya roon, hindi ba nakakabawas ng credibility po iyong mga ganoong situation?

Sen. Trillanes: Again, para doon po sa mga talagang nakapanood ng proceding, ang mga pinag-uusapan po doon ay ang pagiging durugista raw ni Paolo Duterte. Sinabi kasi ni Edgar Matobato. Alam nila, ng mga kasamahan niya. Alam niya na kilala sa Davao na durugista raw si Paolo Duterte. Ngayon, ito namang si Senator Cayetano, pinapa-prove niya: “nakita mo bang humihithit? Ng ano?” Sabi niya hindi. Pero alam ko yung adik, alam mong adik pag nakita mo. Kunyari, pag lasing, alam mong lasing, alam mo na taong lasing; hindi komo hindi mo nakitang naglalaklak ng bote eh hindi ka na (lasing), alam mo. You have personal judgment, personal opinion, that somebody either naka-inom o bangag. So ito naman, namimilosopo. … Yung testigo kahapon, nung sinabi niya, hindi naman nag te-testify about kung (si Duterte). Sinabi niya lang, as a matter of fact or apart nung kanyang… salaysay.

Credible Witness, No Conspiracy

What’s The Objective

Rey: Yung pagkaka latag nang predicate ni Senator Cayetano, mukhang isa lang po iyong tinutukoy nito na kung sakaling mawala ang presidente Duterte Eh ang hangarin lang po ay maupo ang mga dilaw.

Sen. Trillanes: Eh ito nga po ang problema sa kaniyang statement. On one hand, sinasabi niyang puro kasinungalingan, modus lang yung testimony ng witness. Tapos sasabihin niyang ito ay plano para patalsikin si President Duterte. Eh kung modus iyan at walang ka kwenta kwentang yung testimoniya niya ay paano mapapatalsik si President Duterte? Diba, it doesn’t make sense. So kunyari gawa lang ito, sino man nag coach nito, Senator De lima o ako o kung sino. Memorize ko itong mga pangalan, sasabihin mo, tatanungin ka, tapos pagka nagsabi sabi.. papano nating madidiktahan kung ano ang magiging opinion noong lahat nang mga taong manunuod dito? Hindi mo maipaparactice iyong ginawa niya. Iyong sinabi niya roon, remember grade 1 lang po yung mamang ito. Sa kanya, talagang ilang beses niyang tinanong-tanong, pare-parehas yung tanong, saan mo ginawa, sino kasama mo? Ganyan ganyan. Names and places yung mga sinasabi niya.

(To be continued)

 

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trending Articles