Balikan natin ang ilan sa mga katangi-tanging kwento ng “Kasangga Mo Ang Langit” TV program sa nakalipas na labindalawang buwan ng taong 2015.
Enero 15-19, 2015: Ang pagbisita ng isa sa pinakakilalang personalidad sa buong mundo, ang lider ng Simbahang Katolika, walang iba kundi ang Santo Papa, si Pope Francis.
Enero 25: Ang naganap na Mamasapano Massacre, na may codename na Oplan Exodus sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.
Ang muling pagbabalik tanaw sa malagim na Maguindanao Massacre at pagbibigay handog salu salo sa anak ng biktimang si Daniel Tiamson ng UNTV.
Ang pagbisita sa mga batang may maselang karamdaman at pagbibigay sa kanila ng kasiyahan ngayong Kapaskuhan.
Ang pagbisita natin sa ating mga OFWs sa ibayong dagat at pakikinig sa kanilang daing, mga suliranin at tagumpay.
Tulad ng kasabihan, ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paruruonan. Umaasa kaming patuloy tayong magiging mag-Kasangga sa panibagong taong ito na ating sinasalubong. Nawa’y maging magaan sa atin ang mga darating na pagsubok sa buhay at maging masagana ang taong 2016 para sa ating lahat.