Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Digong Ng Davao City

$
0
0

THROWBACK
Magbalik-tanaw tayo sa isang throwback episode kay Digong ng Davao City. Siya ang sinasabing kinatatakutan ng masasamang elemento at pinangingilagan ng mga kriminal.

Ang aming ibabahagi sa inyo ay hango sa aming exclusive one-on-one na ginawang pakikipayam kay Digong sa aming programang KASANGGA MO ANG LANGIT sa PTV4 na napapanood tuwing Linggo, 10:30 ng gabi.

Noong unang manungkulan si Mayor Rodrigo Duterte, laganap ang krimen sa lungsod ng Davao. Ngayon, ibang-iba na ang siyudad ng Davao—malinis, maunlad, at isa sa mga lungsod sa bansa na may pinakamababang bilang ng krimen. Dahil sa ipinakita ni Mayor Duterte na sipag sa pagtugis ng criminal, naging kapuna-puna ang kanyang pamamalakad sa lungsod ng Davao.


59 DRUG-RELATED DEATHS
Bukod sa mga pagsubok sa kanyang panunungkulan, hindi pa rin nawawala ang ilang mga kritiko. Paniniwala naman ng nakararami na kaya niyang baguhin ang buong bansa dahil sa kanyang matapang na paninindigan. Tulad na rito ang kanyang adbokasiya sa tuloy-tuloy na pakikibaka sa pinagbabawal na gamot.

Katunayan, hindi pa siya pormal na nakakaupo bilang bagong Pangulo ng Bansa ay umaabot na sa 59 ang napapaslang na may kinalaman sa pinagbabawal na droga.

Kamakailan lamang ay tatlong pinaghihinalaang miyembro ng drug ring ang napatay makalipas makipagpalitan ng putok sa mga Alagad ng Batas sa isang sting operation sa may UP Arboretum, Diliman Quezon City.

Ang mga suspects ay sinasabing miyembro ng isang Joselito Gonzales drug group na nag-o-operate sa Quezon City at kalapit na mga siyudad.

Kahalintulad dito ang mga pangyayari sa iba’t-ibang dako ng bansa tulad ng Cagayan, Tuguegarao City, Burgos, Isabela, at sa bayan ng Quirino may in-ambush na drug-related din.

Ang drug suspect na napatay sa ambush ay sa Sta. Marcela, Apayao. Sa Bulacan, suspected drug pusher rin ang napatay makalipas na makipagpalitan ng putok sa police sa Barangay Bancal, Meycauayan.

Gayon din ang shootout na naganap sa Barangay Ayala, Zamboanga City na kinamatay ng isa pang drug suspect.

Sa Sultan Kudarat, umaabot sa 2,000 na drug suspects ang mga sumuko, bago pa umupo bilang pangulo ng bansa si Digong.


EYE WITNESS
Sumama ako at ang KMAL team kay Mayor Duterte sa kanyang paglilibot sa siyudad. Sa kanyang routine inspection sa Davao City sakay ng kanyang paboritong motorsiklo na Harley Davidson, nasaksihan din namin ang kanyang galing sa paghawak ng baril sa firing range.

May ilang taon na rin ang nakalilipas ng naglabasan ang mga artikulo sa mga magazine ukol sa isang alkalde na tila walang patawad sa mga elementong criminal sa kanyang lungsod.

Mayor Digong: ‘Pag kriminal kang nakatira dito, it would be healthy for you to go out.”


ONE ON ONE
Rey: Gusto kong mag-react kayo sa lathalain na inilabas ng Time Asia Magazine, tungkol po sa deskripsyon na “The Punisher.”

Mayor Digong: Nagtataka po ako kung bakit yung termino na iyon ay na-apply sa pagkatao ko. Bilang isang public employee, ginagawa ko lang ang aking tungkulin. Wala akong maalala na may ibinigay akong sobrang kaparusahan sa isang tao. Siguro, sa pagiging strikto sa pagpapatakbo ng siyudad. Hindi ko maalala na pinarusahan ko ang isang tao na sobra-sobra na o ‘di karapat-dapat sa batas.

Rey: Inilarawan din po kayong Dirty Harry.

Mayor Digong: I am not dirty and my name is not Harry. Wala akong makitang basehan sa pagkumpara. Bakit ako ikukumpara doon? Papatay ng tao? Mga kriminal pinagbabaril? Hindi ko maalalang may binaril ako.

Rey: Ang deskripsyon ho nila, Mayor, sa ginagawa ninyong pagtanggal sa kriminalidad sa inyong nasasakupan ay heavy-handed daw po.

Mayor Digong: Napakagulo ng Davao noon. Umiiyak noon dahil sa kidnapping, murder, at holdap. Sinabi ko noon na lalabanan ko ang kriminalidad sa siyudad. Sinabi ko sa maraming syndikato at kriminal: “If you are into drugs, kidnapping, hold-ups, o violent crime ay kalinya ko ang buhay ninyo. ‘Pag kriminal kang nakatira dito, it would be healthy for you to go out.”


DAVAO DEATH SQUAD
Noon pa man ay idinidikit na sa kanyang pangalang ang kinatatakutang grupong tinaguriang Davao Death Squad na umano’y responsable sa mga tinatawag na summary killings ng mga kriminal.

Rey: Ang Davao Death Squad raw ay vigilante group under your command. Ano po ang sagot ninyo rito?

Mayor Duterte: HIndi. Lahat po ng namamatay dito ay mga kriminal. At ako naman po, I swore to my duties when I became Mayor. I said that I am going to discharge the duties as a mayor. Protect the people. Follow the constitution under the Bill of Rights for everything, due process, presumption of innocence.

Kapag hindi namin na-solve yung patayan, kargo namin yan. So to that extent, I would say na maybe I am responsible also for the failure to solve the crime.

Napag-usapan namin ni Digong ang hinggil sa DDS, na sinasabing Davao Death Squad. Ngunit ang naging pahayag sa akin ni Mayor Duterte, categorically na deninay niya ang existence nito at sinabing ang DDS actually stands for Davao Development System, na siyang guiding principle para sa kanyang beloved city.
Image 8


THE ANOINTED ONE
Ang tinaguriang great politician ay tulad din ng isang magiting na business leader. Si Digong ay nagbibigay inspirasyon sa ipinakikitang aksyon kahit na sa pamamagitan lang ng ilang makabuluhang salita.

Marami pa ang nakakaalala nang pinipilit si Mayor Digong na patakbuhin sa pangpanguluhan. Makailang-ulit niyang ipinadama na wala siyang interes sa pagtakbo.

Marami rin ang naniniwala na ang pagkapangulo ay providential. Walang makapagsasabi kung sino ang susunod na magiging pangulo bago ang isang halalan dahil sa sinasabing divine intervention.

Ngayon, hindi na lamang ang Panginoon ang nakababatid, dahil alam na ng lahat na siya na ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas o “The Anointed One.”


Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trending Articles