Quantcast
Channel: Rey Langit – Manila Speak
Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Walk of Shame

$
0
0

Ito ang bukang bibig sa Tanauan, Batangas. Isa itong palasak na kataga upang ipahiya ang mga taong nasasangkot sa krimen. Kalimitan dito ay mga rapist, mga taong nasangkot sa pagnanakaw, o mga nahuling nagtutulak ng pinagbabawal na gamot o droga.

Sinaksihan ng Kasangga Mo Ang Langit (o KMAL Team) ang pagparada sa mga hinihinalang kriminal ng Tanauan. Marami ang nagtatanong kung epektibo nga ba ang shame campaign na ito para sa mga nagkakasala sa batas. Ito nga ba ang tamang paraan upang labanan ang krimen?

Kumilos ang KMAL Team upang alamin ang puno’t dulo ng shame campaign na ito. Aming kinapanayam si Mayor Antonio Halili ng Tanauan, Batangas at ilang mamamayan.

Walk_Of_Shame-01


KAWATAN NG TUYO
July 2014 noong simulan ni Mayor Halili ang kanyang shame campaign sa mga kriminal. Ang una niyang sinampolan ay ang magnanakaw ng tuyo sa palengke. Lumabas naman na epektibo ang kampanya. Mula nung ginawa ni Mayor ang pagparada sa mga nahuli nila, wala ng nangyaring nakawan sa palengke.

Mayor Halili: Kaya nasabi ko na effective nga ‘yung paraan na ‘yun. So ngayon wala na. Nagpapasalamat na ‘yung mga nagtitinda sa palengke dahil wala ng nakawan.

Ang bentahan ng shabu, parang nagbebenta ng asin. Hindi tinatago dahil walang iniiwasan. Hindi takot sa pulis kasi noong panahong ‘yun, pati pulis kasama. Patong sila.

Walk_Of_Shame-02


UMULAN NG DEATH THREAT
Mayor Halili: Noong ako’y manalong mayor, ang sabi ko, sisimulan ko na agad ang kampanya laban sa ilegal na droga. Sabi ko nga, kung ako ay matatakot, wala na, isu-surrender ko na ang buong bayan ko. Kaya nga katakot-takot na death threat ang dumarating sa akin.

Jr Langit: Ano naman ang naging tugon ninyo sa mga death threat sa inyo?

Mayor Halili: Hindi naman ako nagpatakot. Ang sabi ko, bahala kayo. Galingan niyo, gagalingan ko rin. Eh siyempre ilang tao na ang pinapatay dito. Judge dito, pinapatay. Pulis dito, pinapatay. PDEA Agent dito, pinapatay. SWAT, pinapatay. Powerful na nga eh. Masyado ng walang takot ‘yang mga ‘yan. Kung ako pa ang matatakot, eh wala na ang bayan na ito.

Flores de pusher ang tawag nila sa mga nasasangkot sa droga. Mayroon daw silang malakas na ebidensya laban sa suspect na kanilang ipinaparada sa kalsada.
Walk_Of_Shame-03


HUMAN RIGHTS ISSUE
Tinanong ng ating kasanggang Jr Langit kung ano ang kasunod pagkatapos iparada ang mga suspects sa lansangan.

Mayor Halili: Pagkatapos ng walk of shame, ibinibigay namin ang suspect sa mga pulis para masampahan ng kaso.

Marami ang bilib sa istilong ito ni Mayor Halili sa pagresolba sa krimen, subalit mayroon din naman ang nagagalit dahil ito raw ay paglabag sa karapatang pantao ng mga suspek.

Jr Langit: Mayor, ano naman po ang masasabi niyo sa mga hindi pabor sa shame campaign dahil human rights violation daw po ‘yun?

Mayor Halili: Eh, ‘yun nga. ‘Yung mga human rights, human rights na ‘yan! ‘Di niyo na inisip kung ako ay inyong idedemanda, idemanda niyo lahat ng mga TV Stations na nagpaparada ng mga kriminal. (Pati na) nagbabalandra ng mga mukha ng mga sinasabing nagnakaw ng PDAF at may kasong Plunder. Convicted na ba si Revilla nung nilagay sa TV screens ng mga TV Stations? (Pati) si Jinggoy, ‘yung mga nacha-charge? Kung ako ay idedemanda ng CHR, dapat siguro unahin niyo muna ‘yung malalaki. Kayong mga taga-CHR kayo, nakakahiya kayo! Magpa-examine muna kayo. Baka may mga sira ang ulo ninyo!

Sa kabila ng imbestigasyon sa kanya ng CHR, hindi natitinag si Mayor Halili at handa pa siyang sumugal sa shoot to kill order kapag hindi raw naging epektibo ang walk of shame.


DIALOGUE SA MGA PUSHER
Ayon pa sa Mayor, gumagamit sila ng kamay na bakal laban sa kriminalidad sa kanilang nasasakupan upang huwag nang lumaganap pa ang krimen.

Mayor Halili: Hindi kasi mapatigil ng ibang paraan. Huhulihin mo, makukulong. Maya-maya, nakalabas na, nagpi-piyansa. Balik na rin sa kanilang trabaho.

Pero si Mayor Halili ay hindi natitinag sa mga imbestigasyon at pagtuligsa sa kanyang ginagawang pagparada sa mga hinihinalang criminal.

Tunay ngang kakaiba ang istilo ni Mayor sa paglaban sa krimen. Ini-imbitahan pa niya ang mga pinaghihinalaang drug pushers sa isang diyalogo. Tinatanong niya kung ano ang gusto nilang style. Tulad ba nang kay Mayor Osmeña na pagbabarilin ang mga pusher at bibigyan ng pabuya ang makababaril, o bigyan ng pagkakataon na makapag-bagong buhay muna? Inuulit-ulit niya sa diyalogo kung meron pang intensyon ang mga ito na magbago.


SUMMATION
Sa mga ganitong pagkakataon, ang dapat nating bigyang ng higit na pagpapahalaga ay ang makabubuti para sa mas nakararaming mamamayan. Ang pagpuksa sa kasamaan ay kasama sa tungkulin ng mga nakatataas na opisyal. Ang dapat ding bantayan ay ang pagmamalabis, at may malaking papel dinang mga sibilyan sa Tanauan, Batangas sa pagresolba ng krimen sa kanilang bayan.
Walk_Of_Shame-04


Viewing all articles
Browse latest Browse all 617

Trending Articles